Chapter 16: Satzuki Clan

2.6K 70 2
                                    


Nzerhina's POV

"Nagugutom ka na ba? Sabay na tayo?"
Aya ni Hero sa akin pero umiling ako.

Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng classroom. Hindi ko siguro nasabi pero I switched. I mean lumipat na ako ng section. Hindi na ako miyembro ng phoenix.

Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung manatili pa ako sa grupo nila pagkatapos ng ginawa ko.
Adam suggested it also. He's the one who told me to leave the group. And I don't have the right to decline it.

"Siya 'yon diba? Ang kapal ng mukha niya."rinig kong tanong ng babae sa kasama niya.

Alam ko, kakasabi ko nga lang eh.
Tsk

Niyuko ko ang ulo ko at nagmamadaling naglakad. Pagkatapos ng araw na 'yon, naging extra celebrity na ako dito. Laging laman ng chismis.

Huminto ako sa locker room. Nangunot ang noo ko nang nakatingin silang lahat sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako at binuksan ang locker. Napamura ako nang sumalubong sa akin ang patay na daga.

Lahat sila ay nagtatawanan. Kinuyom ko ang kamao ko at kinalma ang sarili.

Relax Nzer, relax. Wag mo silang pansinin.

Kumuha ako ng gloves at tinapon ang daga sa basurahan.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Adam na naglalakad patungo sa direksyon ko.

"How is it? Mukhang hindi mo yata nagustuhan ang surpresa ko."
Wika niya at ngumisi.

Hindi ko sana siya papansinin nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Next time,"
Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tainga ko.

Sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero lalo niya itong hinigpitan.

"It will be your friend's body. I'll kill them. Remember that."

Tinulak ko siya nang malakas at galit na tiningnan.

"You'll be the last."
Ngumisi siya at naglakad paalis.

Huminto sa harapan ko si Neron at umiiling-iling na tiningnan ako bago sumunod kay Adam.

Napasandal ako sa pader nang maramdaman kong nanginig ang tuhod ko.

I'll kill them.

"He can't. There's no way, he can't kill them."

I won't let him.

"Nzer, okay ka lang?"
may pag-alalang tanong ni Xena.

Tumango lang ako bilang tugon.
Nandito ako ngayon sa cafeteria, kumakain kasama ang magkapatid na 'to.
Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Adam kanina.

Gusto kong maniwala na nagbibiro lang siya pero kahit anong isip ko, kinakabahan pa rin ako.

"Oo nga pala ate Nzer, pwede mo ba kaming samahan mamaya?"
tanong ni Lucy.

"Saan?"

"Sa mama ko, gusto ka sana naming ipakilala sa kanya."
nakangiti niyang sagot.

I sighed at dahan-dahang tumango.

"Yay, thank you ate. Sa wakas makikita ka na rin ni mama."

Ngumiti ako ng pilit at sumubo ng kanin. Tiningnan ko si Xena, nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti.

They're a cute siblings, I wonder what it feels like to have a sister.

"Nzerhina Yuki?"

Napalingon ako sa likod nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

Demon Academy✅Where stories live. Discover now