Chapter 3: Midnight

3.8K 113 1
                                    

Nzerhina's POV

Nandito ako ngayon sa may sala, nanonood ng DVD. Wala kasing signal dito, hindi yata umabot dahil sa sobrang layo nito sa bayan.
Transporter 3 ang pinanonood ko kung saan si Jason Statham ang bida. Idol ko siya pagdating sa bakbakan at barilan. Ang bilis ng kilos niya at talagang hindi mo mabasa.

Nasa kalagitnaan na ako kung saan ipinalipad niya ang kotse sa ibabaw ng train nang may biglang nag-off ng TV. Inis na tumayo ako at hinarap ang walanghiyang epal.

"Problema mo? Hindi mo ba nakikita na nanonood ako?"
Sumbat ko kay boy pula. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya. Wala rin naman akong pakialam kung ano man 'yon.

"Don't shout on me Missy. Baka nakakalimutan mo, ako ang leader ng grupo."

"Yeah, fuck that group of yours!"

Dinampot ko ang sweater ko at padabog na umakyat sa taas. Nakakainis talaga ang hinayupak na 'yon. Masyadong epal, kitang nanonood pa 'yong tao eh. Pasalamat siya, siya ang leader ng pesting Phantom Group na 'to. Kung hindi baka matagal na siyang pinaglamayan.

Sinuot ko na lang ang puti kong sweater at humiga sa kama.
Itinuon ko ang paningin ko sa kisame at pilit kinalma ang sarili. Napatingin ako sa orasan nang marinig ko itong tumunog.
Alas-dose na.
Ang oras na kinamumuhian ko nang sobra.  Huminga ako nang malalim. May lungkot sa mata na tumingin ako sa may bintana.

Its been years since that accident happened. We were so happy back then but because of that fucking little secret, everything has changed. My life turned to hell.

"Mom, where we going? Pupuntahan ba natin sina lola?"
Tanong ko kay mommy. Pasado alas-dyes na kasi ngayon pero ginising niya pa rin ako dahil may pupuntahan daw kami.
You know my mom is a secret agent. Nagtatrabaho siya sa Agency ng lolo ko. She knows how to fight. Mabilis ang reflexes niya.
Alam ko 'yon dahil kahit saan siya magpunta lagi niya akong isinasama.

"Yes baby, pupunta tayo sa lola mo. Kaya be a good girl ha? Wag kang malikot, matulog ka lang diyan habang nagmamaneho si mommy."

Masaya akong tumango dahil sa wakas makikita ko na rin ulit ang lola ko. Huli kasi kami n'ong nagkita ay 6yrs old pa lang ako. At ngayon, I'm already 10 years old. Sa loob ng apat na taon na paghihiwalay namin ng lola ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang samahan ang mommy ko sa mga misyon niya. Mapa-international man o local. Dahil doon, natuto akong gumamit ng baril sa murang edad.

Demon Academy✅Where stories live. Discover now