Chapter 9: Heartbeat

3.3K 92 5
                                    

(HERO GRINGER at the top☝☝❤)

Nzerhina's POV

"Clean my room."

"Labhan mo 'to."

"Magluto ka, nagugutom ako."

"Ano, hindi mo ba kami narinig?"

Pokerface lang akong nakatingin sa kanila. Sa totoo lang, rinig na rinig ko ang mga iniutos nila. Hindi ko lang matanggap na katulong ako ng mga unggoy na 'to.

Sa pagkakatanda ko kasi isa akong estudyante. Ano ba kasi ang sumagip sa utak ng matandang dalaga na 'yon at ito ang ibinigay na punishment sa akin?

Seriously.
Wala naman 'to sa student's book. Kadalasan sa mga parusa na ipinapataw sa estudyante ay maglinis sa school ground o ikulong sa detention room buong araw. Pero ito, para naman akong---aishhh. Bwesit.
Kung patayin ko nalang kaya sila?
Tangina naman.

"You,"
Tumingin ako kay Racer at tinaasan siya ng kilay.
Ano naman ang kailangan ng panda na 'to.

"Follow me."

Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya. Umakyat siya sa itaas at huminto sa tapat ng pinto na kulay puti.

"This is your room."

"My room?"

Teka, tama ba ang narinig ko?
Akala ko katulong lang nila ako, bakit kailangan pa akong dito matulog?

"Yes, you're a Phantom member but your also an assassin's maid. Whether you like it or want it, you have to stay with us."

Ang galing. Para namang may pagpipilian ako. Tsk.

"Ayoko."

Hindi pa ako baliw para makisama sa kanila. Malay ko ba, baka kapag tulog na ako bigla na lang nila akong sasaksakin sa dibdib.

"Then do you want sleep inside the coffin?"

May hinugot siyang isang kunai sa likod at itinutok sa akin.
Pilit kong kinalma ang sarili ko at tiningnan siya nang blanko.
Hindi ako ang klase ng tao na madaling matakot.
That weapon his holding now is just a toy for me.
Pero bakit habang naririnig ko ang tunog ng sapatos niya papunta sa akin, kumakabog sa kaba ang dibdib ko?
Infatuation ko lang ba 'to?
Bakit ako kinakabahan? Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Anong nangyayari sa akin?

Oh god, wake up Hina!
Bakit ka magpapadala sa panda na 'yan?

Sinubukan kong igalaw ang paa ko para lumayo sa kanya pero para akong na-estatuwa. Hindi ako makagalaw.

Napapikit ako nang hinaplos niya ang buhok ko papunta sa pisngi ko. Ang init ng kamay niya para akong napapaso.
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya minulat ko ang mata ko.
Bumungad sa akin ang kakaibang ngiti sa mukha niya.
Ngiti na hindi mo akalaing galing sa leader ng isang nakakatakot na grupo.
A smile of an angel with a devilish smile on its back.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napahakbang ako patalikod.

"Your eyes reminds me of someone."
Mahinang saad niya at nagsmirk sa akin.
Saka lang ako natauhan.

"W--"

"Clean my room first, don't touch anything."

Nang mawala na siya sa paningin ko ay napahawak ako sa dibdib ko.
May sakit ba ako sa puso?
Anong nangyayari sa akin?
Nagtataglay ba ng kulam ang tingin niya?

Iniiling-iling ko ang ulo ko at nagpasyang pumasok sa kwarto.
Hindi ko mapigilang mapahanga nang bumungad sa akin ang simple pero eleganteng kama.
Sky blue ang kulay nito at galaxy ang disenyo sa buong dingding.
Panglalaki siya, oo. Pero ito ang pinakagusto kong kulay.
Ayoko kasi ng pink, masyadong girly. Magmukha akong bata.

Demon Academy✅Место, где живут истории. Откройте их для себя