Chapter 4: First Lesson

3.6K 109 1
                                    

Nzerhina's POV

"Sino siya?"girl 1

"New student yata."girl 2

"Maganda siya."boy 1

"Hot,"boy 2

"Malakas ba siya? Paano siya nakapasok dito?"boy 3

"Balita ko, dumaan siya sa pagsubok kahapon."girl 3

"Member nga siya ng Phantom eh."girl 1

"What? Paano nangyari 'yon?"girl 4

Alam niyo 'yong tanga? Sila 'yon. Mga estupidyanteng nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman.
Seryoso, 'yan ba ang bulungan sa kanila?
O sadyang pinariringgan lang nila ako?
Nakakabwesit.
Tsk.

Isinalpak ko na lang ang earphones sa tainga ko at umub-ob sa upuan.
Nandito ako ngayon sa classroom ng Section R-A12.
Kararating ko lang kasama ang dalawang ugok na nasa likuran ko.

Mabuti pa 'tong dalawa na 'to ang himbing ng tulog, palibhasa takot sa kanila ang mga tao dito kaya ganyan na lang sila makaasta.

"All of you,"
Biglang sigaw ni boy pula. Paano ko narinig? Syempre dahil sa lakas ng boses ng hinayupak na 'to. Nakalunok yata 'to ng sampung megaphone.

"Shut the fuck up!"
Dugtong niya kaya lahat ng tao dito sa classroom parang maamong tuta na nagsibalik sa upuan.

See? Told you.
Takot sila sa unggoy na 'to.
Akala ko ba malalakas sila? Bakit isang sigaw niya lang, sumunod 'agad? He's not even that strong. I think?

"And you,"
Bigla niya akong tinuro kaya otomatikong napataas ang kilay ko.

"Buy me a food, I'm fucking hungry."

Inuutusan ba ako ng unggoy na 'to?
Ang kapal ng apog ah. Tinalo pa ang Webster dictionary.

"Are you deaf? I said buy----"

"I'm not your slave."
Malamig kong saad.

Anong akala niya sa akin, basta-basta na lang susunod sa utos niya? Hindi ako ipinanganak para maging alipin.

"Well, from now on you're my slave."

Parang napantig ang tainga ko sa narinig.
Slave?
Heh, eh kung laplapin ko kaya ang mukha niya?
Nasobrahan sa kapal eh.

"I told you buy---"

"Mr. Keets, go back to your seat."

Mabuti naman at dumating na ang teacher na 'to.
Nakakabagot maghintay at makinig sa mga bulungan ng tao dito.
Naglakad papunta sa harapan ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 30+ ang edad. May suot na eyeglasses at mahaba ang buhok na kulay puti.

"All of you already knew my name so I don't think I still have to introduce myself. Let's sta---"

"Sir, there's a transferee. Let her introduce herself."
Biglang singit ng isang babae kaya napatingin silang lahat sa akin.

Tsk, umepal pa kasi eh.
Malalaman at malalaman rin naman nila ang pangalan ko.

"Oh I see. Miss c----"

"Nzerhina Yuki, 18."
Singit ko.

Maang naman na napatingin siya sa akin? What?
Did I do something wrong? Gusto nila akong magpakilala diba? Tsk.

"Ok, take your seat. I'm Mr. Cadesa, your adviser and killing teacher."
Saad niya at ngumiti sa akin.

Tiningnan ko lang siya nang blangko at tinaasan ng kilay.

Demon Academy✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant