Chapter 21: Real Color

2.3K 91 5
                                    

Nzerhina's POV

"Susundan mo ba talaga ako? Sinabi ko nang bumalik ka na 'diba?" bulyaw ko kay Deric na kanina pa sunod ng sunod sa akin.

"Ayoko."pagmamatigas niya.

"Talaga namang-" Itinaas ko ang kamay ko para sapakin siya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Napapikit na lang ako at bumuntong-hininga. There's no use kung makikipagtalo pa ako sa lalaking 'to. Masasayang lang ang laway ko sa kanya.

"Saan ka ba kasi pupunta? Kanina pa tayo lakad nang lakad. Patay tayo kay headmaster kapag nalaman niyang---"

"Kung pagod ka na, pwede ka ng umuwi."putol ko.

Kailangan kong pumunta sa lugar na 'yon. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang itinatago ng matanda na 'yon sa akin.

"Hina, saan ba kasi---"

"Shut up."

Lumapit ako sa lapida at pinindot ang maliit na crystal sa gilid. Bumukas ito. Nagkatinginan kami ni Deric.

"H--Hina, bakit pakiramdam ko may binabalak ka na naman. Ano bang lugar 'to? Dito ba nakalibing ang mama mo?"tanong niya
Napangisi ako.

"Even you didn't know about this. That old man."

Tinahak ko ang hagdan pababa.
Bawat hakbang ko siya namang pagbukas ng mga ilaw.
Galing.
I wonder kung ilang taon ang ginugol niya para dito.

Nahagip ng mata ko ang isang itim na pinto. Bubuksan ko sana ito nang may marinig akong boses mula sa loob.

"Mr. Lee malinaw ang usapan natin. Hindi niyo sasabihin sa kahit kanino ang nangyari noon pero ano? Sinira niyo ang plano ko."
That voice.
Old man?

Sumilip ako sa pinto. Nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo.
Pamilyar sa akin ang mukha ng isang lalaki.
Saan ko nga ba siya nakita?
Mahaba ang buhok at malaking katawan----saan--.
Nanlaki ang mata ko nang may maalala ako.
"Anong ginagawa niya dito?"

"Hina bakit? Anong meron sa loob--"mabilis kong hinila si Deric palayo sa pinto.

Ang lalaking 'yon, siya 'yong nakita ko sa DA. Anong connection nilang dalawa?

"Mr. Red, mukhang hindi yata tayo nagkaintindihan. Ikaw ang unang sumira sa usapan natin. Kung hindi mo pinakialaman ang transaction ni Mr. Uchiyama hindi malalaman ng anak mo ang tungkol sa mama niya."

Usapan?
Transaction?
Anak?
Ano ba ang pinag-usapan nila, bakit nasali si Mama?

"Pero wag kang mag-alala hindi naman ganoon kasama ang amo ko. Hindi niya sinabi na ikaw mismo ang pumatay sa mama niya."

P--pumatay?
Pinatay ni dad si mama?

"Hina okay ka lang?"

Hindi.
Hindi.
"Imposible."
Hindi magagawa ni dad 'yon.

"Hina? Ayos ka lang? Masakit ba---"

"Sino 'yan?"
Hinila ako ni Deric para magtago pero winaksi ko ang kamay niya.

"H--Hina--"

Binuksan ko ang pinto. Kita ko kung paano nanglaki ang mata ni dad pagkakita sa akin.

"N--Nzer anong ginagawa mo dito? Paano mo--"

"Ate! Ate tulungan mo ako!"

Lucy?

"Bakit ka nandito?"

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang tali niya sa kamay.
Niyapos niya ako ng yakap.

"Ate!"
Humagulhol siya ng iyak.

Demon Academy✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang