Chapter 1: Kill or Die?

10.3K 202 13
                                    

Her POV

Padabog na hinila ako ni Mr.Satou palabas ng kotse. Itinulak niya ako nang malakas kaya nauntog ang ulo ko sa malaking bato. Napadaing ako nang mahina at napahawak sa ulo. Uminit ang buo kong katawan nang makita ko ang pulang likido na nasa kamay ko. Tatayo sana ako pero napaupo ako ulit dahil inihagis niya sa akin ang dalawa kong bag na puno ng damit at kunai.

"Diyan ka nababagay! Salot ka sa buhay namin. Isa kang pabigat! Ngayon, sa demonyong eskwelahan na 'yan, sana diyan ka na mamatay!"

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan siya nang diritso sa mata. Ngumisi ako nang di-pangkaraniwan at binunot ang nakasukbit na baril ko sa tagiliran.

Naubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to. Sawang-sawa na ang tainga ko sa mga sinasabi niya. Tinanggap ko ang lahat ng pang-aapi at panlalait nila sa akin. Hinayaan ko pa sila na makitira sa bahay ko pero ito lang din pala ang isusukli nila sa akin, ang itapon ako sa demonyong academy na 'to.

"Ano? Lalaban ka? Wag kang umasta na matapang ka dahil isa kang duwag! Dahil sa kaduwagan mo namatay ang mama mo, ang kapatid ko. You'll face hell, you---"
Bago pa niya matapos ang dapat niyang sabihin ay binaril ko na siya sa ulo. Pero hindi pa ako nakuntento, binaril ko siya ulit sa mata at sa puso niya nang limang beses. Umaalingaw-ngaw ang putok ng baril sa buong paligid. Nagliliparan ang mga ibon dahil sa ingay na likha nito.
Ibinalik ko ang baril sa tagiliran at tiningnan ang nagkalasog-lasog niyang katawan.

"I've already been in hell, uncle Fuzxo. Now it's your turn. Farewell."

Dinampot ko na ang dalawa kong bag at isinukbit sa balikat. Sinulyapan ko muna ang patay niyang katawan at naglakad na papasok sa gate ng DA. Isang academy na hindi ordinaryo, mga estudyanteng galing sa kulungan at anak ng mga sindikato ang nag-aaral dito. Dito nila ako itinapon dahil akala nila kapag papasok ako dito ay mamatay ako. But they're wrong, hindi nila ako kilala. Ang alam lang nila ay isa akong lampa, tanga at bobo.

Pero ang totoo niyan isa akong demonyo, isang Black Phoenix na pumapatay ng mga tao para magkapera. Oo, nagalit ako nang malaman ko na itatapon nila ako dito dahil hindi ko kayang iwan ang bahay na ipinamana ng mga magulang ko sa akin. Pero habang minamasdan ko ang itsura ng DA ngayon parang gusto kong magpasalamat dahil inihatid nila ako sa totoo kong tirahan, tirahan ng mga demonyong katulad ko.

Kusang bumukas ang gate at bumungad sa akin ang mga naglalakihang building. May battle arena sa gitna at may mga tinik na nakapalibot dito. Sa kabilang gilid naman ay may malaking statue ng dalawang tao, may hawak ang isang lalaki ng patalim na nakatutok sa leeg ng isa pang lalaki na parang lalaslasin ang leeg.
Puno ng dugo ang mga pader pero walang kahit na anong basura sa paligid.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na kakaiba, nagkalat dito ang mga sirang upuan na may nakasulat na die. Inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala akong nakikita kahit isang estudyante. Nakapagtataka lang dahil noong nasa labas pa ako ay rinig na rinig ko ang mga sigawan nila.

Napaatras ako nang dalawang hakbang patalikod nang may narinig akong yapak ng isang tao. Mabilis kong iniliyad ang ulo ko para hindi matamaan nang maramdaman ko ang isang dagger na papalapit sa akin. Napamura ako nang mahina nang madaplisan ang kabila kong pisngi. May tumulong dugo mula rito kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang kaliwa kong kamay.

"Welcome to DA, newbie."
Lumabas mula sa isang lumang pintuan ang isang babae na may peklat sa kanang pisngi. Sunod-sunod ding nagsilabasan ang lahat ng estudyante. Sa tingin ko nasa mahigit 200 silang lahat, mas madami ang mga lalaki kesa sa mga babae.

"Now newbie, show us some skills. If you're weak then we have no choice but to kill you. Defeat the group of Kien and you'll be accepted as a student of Demon Academy."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Defeat? So ito ang pagsubok nila para malaman kung nababagay ba ang isang tao dito? Akala ko kailangan ko pang mag-take ng exams, hindi pala.
Tiningnan ko ang grupo ni Kien, isa lang ang babae sa kanila at dalawa ang lalaki. Pareho silang may hikaw na itim sa kanang tainga at nakasuot ng uniform na itim at pula ang kulay.

"What now? Afraid?"
Walang emosyon na sinalubong ko ang tingin ng babae.

"No, why would I?"

"If that's the case then let's start. Kill them or you'll be dead. Good luck."

Umatras ang ibang estudyante sa gilid. Tanging ako lang at ang grupo ni Kien ang natitira sa gitna.
Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng kunai sa bag, pinanood ko lang silang tatlo na parehong may hawak na patalim.
Unang sumugod sa akin ang babae o si Kien, sinubukan niya akong suntukin sa mukha pero mabilis ko itong nailagan. Umatras ako at tiningnan siya na nakangisi sa sa'kin.

"You'll be dead, newbie."

"Let's see."
Tumakbo ako papunta sa kanya at sinipa siya nang malakas sa tiyan. Hindi niya ito naiwasan kaya napaupo siya sa sahig at namilipit sa sakit. Magkasabay na sumugod sa akin ang dalawang lalaki. Kita sa mukha nila ang galit, siguro dahil sa ginawa ko kay Kien.
Sinubukan akong saksakin ng isa pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya at sinuntok siya sa mukha. Binali ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ang kutsilyo.

Uminit bigla ang ulo ko nang may naramdaman akong matulis na bagay sa tagiliran. Sinipa ko nang malakas ang lalaki at galit na hinarap ang walanghiyang nagsaksak sa akin sa tagiliran. Pikit-matang binunot ko ang kutsilyo at inihagis sa sahig.
Sinubukan ko siyang suntukin sa mukha pero mabilis siyang nakailag. Nagpalitan kami ng suntok hanggang sa natamaan ko siya tiyan. Lalapit pa sana ako kanya nang may dalawang braso ang yumakap sa akin mula sa likod.

Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kien na may hawak na patalim. Pumunta siya sa harapan ko at akmang sasaksakin ako sa dibdib. Bago pa siya makalapit sa akin ay tumalon ako at sinipa siya sa may bandang tiyan. Bumagsak ako sa sahig, puma-ibabaw sa lalaking nakayakap sa akin kanina.
Tumayo ako at tinadyakan siya ng limang beses sa mukha.

Sumugod sa akin ang dalawang lalaki pero mabilis kong binunot ang baril ko sa tagiliran at pinagbabaril sila sa ulo. Itinuon ko ang baril kay Kien, kakalbitin ko na nasa ang gartilyo nang biglang nagsalita ang babae kanina.
Pumalakpak ito at tumingin sa'kin.

"Amazing newbie, dahil sa galing na ipinapakita mo ilalagay kita sa Section-A12."
Ngumisi ito at naglakad papunta sa akin.
Inilahad niya sa akin ang isang envelope na kulay pula na may simbolo ng dalawang ahas na nakapulupot sa isang espada.

"May I know your name?"

"Nzerhina Yuki."
Mahina kong sagot at itinuon ang paningin sa envelope.

"Ok. Welcome to Demon Academy, Nzerhina."
Pagkarinig ko sa sinabi niya ay bigla akong nakaramdam ng pagod. Nabitawan ko ang envelope at napahiga sa sahig. Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko pa ang isang mukha ng lalaki. Para itong may sinasabi pero hindi ko maintindihan.

"Anong nangyari?"






A/N: Another story again:) sana suportahan niyo 'to.
This is unedited so expect na may maraming errors kayong makikita.

Enjoy reading!
Votes and comments are highly appreciated:)

-GDlady

Demon Academy✅Where stories live. Discover now