Chapter 17: He stole it

2.6K 79 6
                                    

Nzerhina's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kalabog. Kahit inaantok pa ay bumangon ako at pumunta sa ibaba.

Nangunot ang noo ko nang makita ko si Hero na nakaupo sa sahig. Tumutulo pa ang dugo sa kamay niya. Ang daming basag na mga bote.

"Anong nangyayari?"
tanong ko.

Tiningnan lang nila ako at hindi sumagot.
Lumapit ako kay Hero pero tumayo siya padabog na lumabas.

Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Racer.

"Let him be."
wika niya at umakyat sa itaas.

"May problema ba?"
Tiningnan ko si Cycke at Alicia pero umiwas sila ng tingin.

"Xena?"

Malungkot na tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Si Lucy---si Luc-----"

"Anong nangyayari kay Lucy?"

Iyak lang ang isinagot niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat.

"Nasaan siya?"

"Hi--hi--hindi ko alam. Basta pag--pag--paggi--paggising ko, wala na siya."

"Ano?"

Imposibleng aalis siya dito ng hindi nagpapalam. We should not jump into conclusion.

"Magbihis ka na. Papasok pa tayo. Uuwi din 'yon."

"Pero---"

"Sige na. Baka may pinuntahan lang 'yon."

Sana lang.

***

Habang naglalakad papunta sa classroom ay hindi ko maiwasang magtaka nang makita ko ang itsura ng mga estudyante.
Ang iba matamlay, puno ng takot at mayroong puno ng saya.

Napatingin ako kay Xena nang bigla siyang kumapit sa akin.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

"Hin--Hina--natatakot ako."

Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Okay lang 'yan. Wag kang matakot. Walang mangyayaring masama."
Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa classroom ay 'agad kaming umupo sa bandang likuran. Nasa likod namin sina Cycke na parang hindi mapakali.

"Good morning."
bati ni Ms. Pressman pagkapasok niya ng classroom.

"Our class will be end here. As you all know Survival Game is approching. We have so much to prepare same to all of you."

Oo nga pala. One week na lang.

"Go back to your dorms and train yourself."

Tumayo na ako at lumabas ng classroom.

"May pupuntahan lang ako."
paalam ni Xena.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dalawang maitim na SUV ang nakita ko papunta sa parking lot. Lumabas mula rito ang isang babae at dalawang lalaki. Hindi ko kita masyado ang mga itsura nila.

Nagtago ako nang makita ko si Racer. Lumapit siya dito at parang may sinasabi. Pagkaraan ay naglakad sila papunta sa office ng headmaster.

Sa curiosity ay sumunod ako.
Pagkapasok nila sa loob ay inilapit ko ang tainga ko sa pinto.

"What? Are you insane?"
Rinig kong sigaw ni Racer.

"'Yan ang utos ng papa mo."

"Hindi ako papayag."

Demon Academy✅Where stories live. Discover now