Chapter 19: Truth behind the lies

2.5K 66 4
                                    

Nzerhina's POV

Napaangat ako ng tingin nang maamoy ko ang pamilyar na pabango. Inilapag niya ang hawak niyang tray sa mesa at umupo.

"Kumusta? Anong pakiramdam na kasamahan niyo ang anak ng headmaster? Masaya ba?"

Tatayo na sana ako nang hinawakan niya ako sa braso.

"Umupo ka."
Tinakwil ko ang kamay niya. Mahina naman siyang tumawa.

"Relax. Hindi naman kita papatayin dito."

Malamig ko siyang tiningnan.
"Spill it."
Alam kong may gustong sabihin sakin ang gunggong na 'to. Otherwise bakit pa siya lumapit sa akin?

"Hinahanap niyo si Lucy 'diba?"
Ani niya. Kumunot ang noo ko.

"At kailan pa nagkaroon ng interest sa buhay ng iba ang isang kagaya mo, Mr. Adam Keets?" Sarcastic kong tanong.

"I'm just co---"

"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako---"

"Ayaw mo bang malaman kung nasaan siya?"saad niya dahilan para mapatigil ako.

"May kinalaman ka ba dito?"

"Come to think of it, pinuno niyo ang anak ng headmaster. Ang taong naging dahilan kung bakit napunta ang magkapatid na 'yon dito."

"So? Pwede bang diretsahin mo na lang ako, hindi ako manghuhula."

Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi niya.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

Racer's POV

"Hoy lead, nakita mo ba ang ginawa ko kahapon? Ang galing ko diba? Tatlong minuto lang--blah-blah"

Sinaksak ko ang earphones sa tainga. Kanina pa daldal nang daldal ang asungot na 'to Paulit-ulit lang naman ang sinasabi.

Hindi naman siya mananalo kahapon kung hindi siya nandaya. Tsk.

May biglang sumipa ng pinto. Pumasok si Nzer.
Nag-aapoy ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ka nan-- fuck!" Napasapo ako sa panga ko nang bigla niya akong sinuntok.

"Problema mo?"
Puta ang sakit.

"Nasaan si Lucy?"

"What?" Pinahid ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko. Ang lakas niyang sumuntok, puta.

"Paano mo nagawa 'to? Akala ko may malasakit ka sa kanila. 'Yon pala, laro lang sayo ang lahat. Isa kang traydor!"sigaw niya
Kumunot ang noo ko.

"Ano? Teka--ano bang sinasabi mo?" Akmang susuntukin niya ako ulit pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Masakit na ang panga ko, Nzer. Wag mo hintaying patulan kita."

Winaksi niya ang kamay ko at umupo sa sofa.
Badtrip. Napuruhan na naman ang gwapo kong mukha.

"Nasaan si Lucy."

"What?"

"Wag ka ng magpanggap, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"Sinasabi mo bang ako ang nagkidnap sa kanya?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Ang papa mo ang dahilan kung bakit sila nandito. At alam mo---"

"For fucking sake, Nzer. Sa tingin mo kaya kong gawin 'yon? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?"

Hindi siya sumagot.
Tumayo ako at tumingin sa kanya.

Demon Academy✅Where stories live. Discover now