Chapter 18: Untold Identity

2.6K 62 9
                                    

Nzerhina's POV

Napatingin ako kay Xena nang bigla niya akong siniko.
"Hindi ba sumasakit kamay mo?" Kumunot ang noo ko.

"Kamay mo. Kanina pa nagdurugo."

Huh?

Tiningnan ko ang kamay ko. Napuno nga ito ng dugo. Ang hawak kong baso nagkalat sa sahig.
Weird. Hindi man lang ako nakaramdam ng sakit.

"Kung nagseselos ka. Pwede mo namang sabihin. Pero sa tingin ko wala na. Ang ganda niya oh. Bagay silang dalawa ni Race-----"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

Tumayo ako at lumabas ng cafeteria. Ako nagseselos? The heck. Pakialam ko kung naglaplapan ang dalawang aso na 'yon.

Sumandal ako sa puno at lumingon sa likod.

"Wag ka ng magtago. Lumabas ka na diyan."

Mula sa makapal na halaman, lumabas si Deric.

"Ano na namang kailangan mo? "
Malamig kong tanong.

Napakamot siya sa ulo.
"Iyong sinabi ko noon. Hina, nang---"

"Umalis ka na."

Tumalikod na ako nang marinig ko ang sinabi niya.

"Ang heir ng Satzuke Clan, nandito siya."

Medyo na natigilan ako sa narinig. Tumikhim ako at lumingon sa kanya.

"Wala akong pakialam. Wag ka ng bumalik dito."

He's here? Napasmirk ako.
Mahahanap rin kita.

"Bakit Hina, may dumi ba ako sa mukha?"tanong ni Hero.

Umiling ako.
Hindi siya 'yon. Masyado siyang tanga.

Tiningnan ko naman si Cycke. May kayakap siyang dalawang babae. Lalo namang hindi siya.

Napabuntong-hininga ako. Sabi ni Deric nandito siya. Siguro, kailangan ko lang maghintay.

"Baby, pwede bang dito na lang ako matulog?"
Arghh. Nandito na naman ang impakta na 'to.

"Pwede ba Lexi, umuwi ka na."rinig kog sagot ni Racer. Tumingin siya sa akin. Pababa sa kamay ko.

"May dapat pa akong gawin." Bago pa ako makahuma hinila na niya papunta sa kwarto. Kita ko pa ang nag-aapoy na mata ni Lexi.

"Bakit mo ako dinala dito? Anong kailangan mo?"
Nakapameywang kong tanong.

Hindi siya sumagot.
Umupo ako at pinagmasdan siya habang may hinalungkat sa cabinet.

"Ang heir ng Satzuke Clan, nandito siya."

Masungit. Cold-hearted. Tahimik. Magaling makipaglaban.
"Siya Kaya 'yon?"
Iniling ko ang ulo ko sa naisip.
Nah. Imposible.
Ano ba 'tong iniisip ko.

"Ang kamay mo."

"Huh?"
Hinawakan niya ang kamay ko.
"T--teka--"tinanggal niya ang nakataling puting tela. Umiwas ako ng tingin.

"Tsk."
Binuksan niya ang first aid kit box at sinimulang nilinis ang sugat ko.

"Aray! Bwesit dahan-dahan naman."mura ko.

Seryoso lang siya sa ginagawa niya. Nilagyan niya ito ng betadine at tinalian ng bandages.

"Sa susunod ingatan mo ang sarili mo. Wag kang tatanga-tanga."ani niya.

Tumayo ako at lalabas na sana nang marinig ko siyang magsalita.

"Iyong kwentas, maari ko bang malaman---"

Demon Academy✅Where stories live. Discover now