CHAPTER 39.1: The Commotion

Start from the beginning
                                    

"Mom, paano ako kakalma kung hanggang ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng lalaking 'yon si Pia?" inis na wika ni kuya.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Ano namang kinalaman ko sa pinag-aawayan nila? Saka sinong lalaki ang tinutukoy ni kuya na ayaw akong tantanan? Wala naman akong stalker at ni minsan ay hindi pa ako napalapit sa isang lalaki bukod sa pamilya ko kaya hindi ko malaman kung sinong lalaki ang mag-aaksaya ng oras sa akin na dahilan ng galit ni kuya.

"Keep your mouth shut, Sky. Hindi mo naman siguro gugustuhing malaman ng kapatid mo ang tungkol dito, hindi ba?" pagpapaalala ni daddy kay kuya sa kalmadong boses ngunit may bahid ng pagbabanta at awtoridad.

It seemed like I'm the only one who has no idea of what is happening.

"But I can't help it! Nag-iinit ang dugo ko tuwing makikita ko ang Chri—" Biglang nanlaki ang mga mata ni kuya nang magsalubong ang tingin naming dalawa nang sandaling marating nila ang kinaroroonan ko.

"Pia? Ka-Kanina ka pa ba riyan?" kinakabahang tanong ni kuya na halatang nagulat na makita ako.

"Sa tingin mo, kuya? Nakita mo na ngang paubos na ang kinakain ko e. Malamang na kanina pa ako rito," pambabara ko kay kuya.

"So... d-did you hear it?" nauutal na tanong ni kuya.

"Yeah. But whom were you referring to? Do you mind to share it with me?" nakataas ang kilay kong tanong. "I guess I have the right to know. It's about me after all."

Saglit na natahimik si kuya na para bang pinag-iisipan niya pa ang magiging sagot niya sa tanong ko.

"It's nothing. May isa lang kasi sa mga kaklase mo na nagpapabalik-balik dito para makita ka at nagpupumilit na isama ka sa gala nila," pagpapaliwanag ni kuya na hindi makatingin sa akin nang diretso.

"Ganoon ba?" hindi kumbinsidong tanong ko.

Alam kong nagsisinungaling si kuya pero wala akong intensyong pilitin siyang magkuwento dahil halata naman sa kaniyang wala siyang balak magsabi ng totoo. Minsan lang siya magsinungaling at tuwing magsisinungaling siya ay may mabigat siyang dahilan kaya kung ano man ang inililihim niya ay rerespetuhin ko ang pasya niyang huwag sabihin sa akin ang totoo.

"Are you done eating?" pag-iiba ni kuya ng usapan.

"Almost," tipid kong sagot.

"Make it faster then. Our flight will be 7am sharp. Puntahan mo na lang ako sa kwarto kung handa ka nang umalis," kuya reminded me.

"Okay. Just give me five more minutes," tamad kong sagot saka ako bumalik sa pagkain ko.

Nang sandaling matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko para mag-impake ng ilang damit. Hindi ko na dinamihan pa ang dala kong damit dahil pupuwede naman kaming mamili na lang doon sa States pagdating namin.

Bago pa man sumapit ang alas siyete ay nakarating na kami ng airport ni kuya. Nang tawagin na ang flight namin makalipas lamang ang ilang minutong paghihintay namin ay agad na rin kaming sumakay ng eroplano.

Hindi ko na namalayan pa kung ilang oras ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang marahang tapikin ni kuya ang pisngi ko para gisingin ako nang sandaling makarating kami sa aming destinasyon.

Inalalayan ako ni kuya na makababa ng eroplano. Nakahawak sa baywang ko ang kaliwang kamay niya habang hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang mga bagahe namin.

Hindi pa man kami nakakalabas ng airport ay napahinto na kami sa paglalakad ni kuya nang makarinig kami ng malakas na sigaw.

"Pia!" sigaw ng isang matinis na boses.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now