CHAPTER 33: His Effort

Start from the beginning
                                    

He tapped my shoulder before he left to go to Sheena's house to fetch her. They're going to have their date since it is still early in the morning and they have still a lot of time to spend together before the night sky show up.

He's right. Everything will be all right. I have nothing to worry about. Whatever her answer will be, it doesn't matter. What only matter is the fact that I did everything I could to win her heart and I will never give up until such time that she will accept my love for her.

♡•♡•♡•♡•♡

MARY'S POV

It's the night that everyone was looking forward except for me. Napilitan lang naman akong dumalo dahil na naman sa bruhang si She.

It's our Victory Ball. Alas otso magsisimula ang party pero ewan ko kung anong pumasok sa kukote ni She at mag-a-alas siyete pa lang ay nagyaya na siyang pumunta ng school.

"Halika na, dali!" excited na wika ni She at basta na lang akong kinaladkad pababa ng van na sinakyan namin.

Kamuntikan na akong matapilok dahil sa suot kong high heels na siya ang nagpasuot dahil sa ginawa niyang paghila sa 'kin. Dahil mukhang nakalimutan niya na ang tungkol sa bagay na ito ay malakas ko siyang binatukan para ipaalala sa kaniya ang kalokohang ginawa niya.

"Aray! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nambabatok? Anong problema mo sa ulo ko? Hindi ka naman nito inaano ah," maktol niya at bahagyang ngumuso habang himas ang parte ng ulo niya na binatukan ko.

"Tss. Saan mo ba kasi ako dadalhin? Akala ko ba nagpunta tayo rito para sa ball? E ba't sa garden ang punta natin at hindi sa gym?" takang tanong ko sa kaniya.

"May sinabi ba ako?" tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Wala," irita kong sagot at inirapan siya.

Wala naman kasi talaga siyang sinabi. Basta na lang niya akong kinaladkad. Pero pareho kaming naka-cocktail dress tapos may ball kaya kung nasa tamang pag-iisip pa si She ay dapat sa venue ng ball ang punta namin.

"Wala naman pala e. E ba't ka nag-assume na doon ang punta natin? Kaya maraming nasasaktan e. Kasi pakitaan ka lang ng kabaitan, kung ano-ano na agad ang inaasahan mo. Tapos sa huli, ano? Ngangawa ka? E kasalanan mo naman," sermon niya sa akin na nagpaawang ng bibig ko.

What the! Hindi ako nasabihang mahilig na rin pala sa mga hugot si She. Pero anong pinagsasabi niyang nag-e-expect ako ng kung ano-ano kaya ako nasasaktan? For heaven's sake! Ni minsan ay hindi ako nag-assume. Ni hindi ko nga pinaniwalaan ang mga sinabi sa akin ni Chris kahit na gustong-gusto nang sumabog ng puso ko sa tuwa.

"O ayan, natahimik ka riyan. Tara na nga!"

Hindi pa man ako nakakabawi mula sa pagkagulat ko sa mga kadramahan niya ay bigla niya na lang ulit akong hinila. Tumigil lang siya sa pagkaladkad sa 'kin nang malapit na kami sa hardin ng school na siyang ipinagtataka ko. I thought we're heading to the garden. But why did she stop all of a sudden?

Hinarap ko si She para sana tanungin ngunit wala na siya sa kaninang kinatatayuan niya pagkalingon ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid pero wala ni anino niya. I even tried calling her name multiple times but I got nothing in return.

Medyo madilim na sa parteng ito ng campus dahil nakapatay ang mga ilaw sa hindi malamang dahilan at tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now