Chapter 29 : Gian

Start from the beginning
                                    

"Sino bang nagsabi nyan sayo?" saan ba niya nakukuha ang mga sinasabi niya?

"Si Alex", sagot niya. 

>>.<<

"Si Alex? Nakipagkita ka kay Alex? Hindi ba sabi ko Shane ayokong sasama ka sa kanya! Asawa mo ako, dapat sa akin ka nakikinig!" 

Napakatigas ng ulo niya. Sinabi ko na ayoko nakikipagusap siya doon.

"Asawa? Ngayon oo, pero kapag nakapagfile ka na ng annulment at napawalang bisa na ang kasal natin hindi mo na ako asawa."

"Annulment? Shane ano bang annulment ang sinasabi mo?"

Annulment? Bakit ko naman siya hihiwalayan eh mahal na mahal ko siya.

"Ngayon alam ko na, kaya pala tinanong mo na kay lolo dati ang tungkol sa annulment dahil dadating din tayo doon at pagkatapos magsasama kayo ng babaeng yon?" sumisigaw na siya.

"Sinong babae?"

Nilalason na ata ni Alex ang utak ng asawa ko.

"Sige Gian, magmaang-maangan ka pa, sige dagdagagan mo pa ang sakit na nararamdaman ko. Alam mo Gian, sana.. sana hindi mo na lang ako isinali sa kalokohan mong to.. sana hindi na lang kita nakilala.. sana hindi na lang kita minahal!"

ARAY!

Ang sakit ng mga binitawang salita ni Shane. Nagsisisi siya na minahal niya ako??

Hinding hindi ko kayang saktan si Shane, kaya sobrang sakit ng mga ibinibintang niya sa akin.

Gusto ko pa siyang kausapin pero nagkulong na siya sa kwarto niya. Gusto ko siyang aluin sa pag-iyak, dahil bawat hikbi niya nadudurog ang puso ko.

Sinubukan kong kumatok at kausapin siya pero ayaw niya. Huwag ko muna daw siyang kausapin.

Kinabukasan, nang magising ako, wala na si Shane. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, I was trying to call her pero hindi niya sinasagot. Ang dami ko na ding text sa kanya.

May binanggit si Shane kagabi. Tungkol sa mana. Ano ba yun at galit na galit siya? Kailangan kong malaman kaya nagpunta ako kay Lolo.

"Mabuti naman at nandito ka na, ipapatawag pa sana kita para pag-usapan natin ang tungkol sa kumpanya", sabi ni Lolo.

"This is exactly why I came here Lolo", sabi ko.

"Ah, nasabi na pala sayo ng Daddy mo, mabuti naman. Maupo ka."

Wala namang sinasabi si Daddy sa akin.

"Pag natapos ka na sa pagaaral, ipapamana ko na sayo ang kumpanya."

O___O

"AKO PO???"

"Matagal ko ng plano na sayo ko ipamamana ang kumpanya ko. Ikaw ang may potensyal na mamahala noon Gian. Ikaw ang una kong apong lalaki kaya sayo ko ipamamana yun."

O.o

"Lolo, nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang panganay sa lalaki", alam naman ng lahat na si Alex ang panganay.

Tumawa lang sa akin si Lolo.

"Lolo, si Alex po ang una nyong apong lalaki", sabi ko.

"Alex is not a real Santillan", sabi ni Lolo.

O____O

WHAT???

Gustong lumbas mula sa bibig ko ng salitang yan pero hindi ako makapagsalita.

"Hindi totoong anak nina Eric si Alex. Si Allyna lang ang totoo nilang anak."

Hindi pa rin ako makapaniwala na ampon pala si Alex. Pero bakit?

"Alam po ba ni Alex ang tungkol dito?" tanong ko.

"No. Ilang taon na din noon si Allyna ng malaman ng mag-asawa na hindi na sila magkakaanak kaya naman nag-ampon sila. Si Alex yon."

Nakikinig lang ako sa kwento ni Lolo.

"Nang panahong iyon, buntis naman ang Mommy mo sayo. Kaya naman ng nanganak ang Mommy mo, at lalaki ito, walang pagsidlan ng tuwa ko. Akala ko noon hindi na matutupad ang pangarap kong magkaapo ng lalaki."

"Ganun pa man, ni minsan hindi ko itinuring na iba si Alex, mahal na mahal ko din siya katulad ng pagmamahal ko sa inyo ng pinsan mong si Allyna."

Hindi pa din ako makapaniwala na hindi ko pala kadugo si Alex. 

Pagkatapos naming mag-usap, pinuntahan ko si Shane sa kanila. Ayaw niya akong makausap pero pinilit siya ng Mama niya. Gusto na niyang makipaghiwalay. Sobrang sakit. Pagkasabi nya noon pinaalis na nya ako.

Tumawag sa akin si Syd. Gusto niya daw akong makausap. Ayoko talagang makipagkita sa kanya pero sabi niya ito na daw ang huli, kaya pinagbigyan ko na siya. Nagkita kami sa isang restaurant.

"Your wife is pretty", sabi niya.

O.O

"Kilala mo siya??"

"I met her once, bago ako umuwi ng bansa, alam ko na kasal ka na. Nasaktan ako ng malaman ko yun. Gustong gusto kong umuwi dito at bawiin ka sa kung sino mang babae na pinakasalan mo, pero hindi naman ako kaagad makauwi. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon, hinanap ko siya at sinabi ko sa kanya na ako ang babaeng pinangakuan mo ng kasal."

Nagkakilala na sila ni Shane?? Kung ganon si Syd ang tinutukoy ni Shane na babae.

"Sinabi ko sa kanya na hihiwalayan mo din naman siya at babalik ka sa akin.."

>.<

"Ano??! Bakit mo ginawa yun? Alam mong hindi yan totoo!"

"Oo Gian. Ngayon alam ko ng hindi mangyayari yun. I was in despair that time. Hindi ko na alam ang gagawin ko para bumalik ka sakin. Doon ko naramdaman ang pagsisisi na sana hindi na lang ako umalis. Na sana hindi na lang kita iniwan."

"Mahal ko si Shane", sabi ko.

"I know, that's why I want to say sorry for what I did. Patawarin mo ako."

Naramdaman kong sincere siya sa sinasabi niya.

"Aalis na ulit ako next month. Tanggap ko na wala na akong babalikan dito. Masaya na ako na makita kang masaya sa piling niya", naging malungkot ang boses niya.

"Syd.."

Tumungo siya, may pinahid sa pisngi niya tapos tumunghay ulit siya at ngumiti na.

"Huwag kang mag-alala. Magiging okay din ako. Siguro nga kailangan ko ding umalis para mas madali kitang makakalimutan."

This time niyakap ko na siya.

"I know you'll find the right guy for you", sabi ko sa kanya.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------  

Mga Rebelasyon ni Lolo Enrique!  

What the??

Hindi pala Santillan si Alex! O.o

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now