Epilogue

3.1K 66 17
                                    

UMIKO's POV: 

Palinga-linga ako at napansin ko na nasa mundo ako ng Coronis. Nakita ko na lang ang isang imahe ng isang babae na nakilala ko, nito lang. "Prinsesa Emati..." tawag ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin at agad akong nginitian nang makita ako. Lumapit ako sa kanya at napansin ko na may hawak itong isang lumang libro. 

 

"Pasensya na kayo kung ako ang naging dahilan ng paghihirap ninyo. Ngayon, wala na ang kasamaan. Puwede na kayong mamuhay ng payapa," sabi nito at binuksan niya ang libro at nakita ko ang mga imahe ng apat na nilalang. "Tapos na ang propesiya. Babalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari pero mawawala ang alaala ninyo tungkol sa mundong ito. Mawawala ang lahat pati ang alala na binuo ninyo bilang magkakaibigan pero..." Tumingin ito sa akin habang nakangiti. "ang pagmamahal na taglay ng iyong puso ang magiging daan para maalala ninyo ang lahat. Yun ang tunay na kapangyarihan." 

 

Ngumiti lang ako at nagsabi ng, "Salamat po." 

 

"Kailangan mo nang bumalik. Hanggang sa muli, Umiko. Salamat sa ginawa ninyo para sa mundong kinagisnan ko at sa mundo ng mga tao." Kasabay ng pagsabi niya nito ay unti-unti na siyang nawala kahit ang paligid na nakikita ko at ang inaapakan kong lupa.

 

Naalimpungatan na lang ako sa lakas ng alarm clock na nasa ilalim ng unan ko. Kinapa-kapa ko pa ang unan ko saka pinatay ang alarm clock nang mahawakan ko na 'to. Kinusot ko ang mga mata ko habang tumatayo sa pagkakahiga. Napatingin ako sa may itaas at parang may hinahanap ako. "Anong mayroon? Parang may kulang?" sambit ko. 

Tumayo na ako at hinawi ang kurtina ng bintana ko. Nakita ko ang haring araw at sumigaw ng, "Good Morning!" 

"Good Morning din, Bestfriend! Malalate na tayo!" Napatingin naman ako sa may baba at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Rabi na nakatayo dun at kumakaway pa sa akin. Nakauniform at... "Malalate na nga tayo!" sigaw ko. Agad-agad akong nag-ayos na mapagtanto ko na may pasok pa kami. 

Bumaba na ako nang matapos na ako sa pag-aayos para sa klase. Agad kong binati si Papa na nag-aahin na ng almusal namin. Nagtungo na muna ako kung saan nakasabit ang picture frame ni Mama at ngumiti dito. "Good Morning, Mama," bati ko sa kanya. 

Maglalakad na sana ako uli nang makarinig ako ng nagsalita, "Good Morning din, Anak." Napatingin uli ako sa picture frame at nakaramdam ako ng tuwa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay nandiyan din ang Mama ko sa paligid.

"Malalate na kayo ni Rabi, Anak, kumain ka na," sabi ni Papa. Pumunta na ako sa hapag-kainan at inasar si Rabi na kumakain na. "Makakain naman. Parang walang bahay a." 

"Sino ba kasi ang ginigising ko tuwing umaga?" tanong nito. Inirapan ko lang ito pero napapangiti ako dahil ang sweet talaga ng bestfriend ko. Ikaw ba naman may nanggigising sa'yo tuwang umaga e. Nang matapos na kami kumain ay nagpaalam na kami kay Papa. Sumakay kami sa bike at agad na nagpaligsahan. 

"Daya mo! Ang bilis mo naman!" Nangunguna ito sa pagbike. Lumingon naman ito sa akin habang binebelatan ako. Kulit talaga! Nanlaki na lang ang mga mata ko nang malapit na siyang mabangga sa poste. "Sa harapan mo!" sabi ko at agad kong tinuro ang poste sa harap niya. Bigla naman niyan niliko at natumba sa bike niya kasi na-out of balance na siya. Bumaba ako sa bike ko at tinignan kung may sugat siya. Buti na lang, wala siyang natamo kahit isa. "Ikaw kasi e!" sigaw ko. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon