Chapter 6

2.9K 72 10
                                    

BRENTON's POV: 

"Anong nangyari?" Napatayo kami ni Rabi nang biglang may nagsalita. Nakita namin si Umiko na sinusubukang bumangon. Hawak-hawak niya ang ulo niya na parang masakit. "Nanghihina ako." 

"Nawalan ka ng malay kanina," kwento ni Rabi sa kanya. Umiling naman si Umiko sa narinig. 

"Parati na lang ako nawawalan ng malay," sabi naman ni Umiko na halata mong nalulungkot sa pinahayag nito. 

Magtatanong na sana ako kung okay na pakiramdam niya nang biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kami ni Rabi sa gawing 'yon saka namin nakita si Adam. Dire-diretso lang 'to sa may tabi ni Umiko saka ito niyakap nang mahigpit. Nanlaki pa ang mga mata ni Umiko sa ginawa ni Adam. Kahit ako ay napasinghap sa ginawa niya. Hindi kasi ganito 'to kahit may pagkakwela. 

"I'm glad you're okay, Umiko," sabi naman ni Adam. "Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" tanong pa nito. 

Matagal bago makaimik si Umiko. "Hindi na. Okay na ako. Salamat sa pag-aalala," sagot naman ni Umiko. Humiwalay naman ng yakap si Adam sa kanya saka ginulo ang buhok nito. 

"Uuwi na tayo," sabi naman ni Adam saka ito naglakad papuntang pintuan. "Magpapaalam lang ako kay Great Daiki." Pero bago pa siya makalabas ng pintuan ay may lumiwanag sa kapaligiran namin. Matagal 'to bago mawala at nagulat na lang kami na nandito na kami sa mundo ng mga tao. 

Napatingin naman ako sa suot ko dahil nag-aalala ako baka nakasuot pa kami ng damit pang prinsipe. Napabuntong hininga ako dahil buti na lang at binalik kami sa dati din naming suot. 

"Tumawag kayo ng ambulansya!" Napatingin ako sa gawi nang sumigaw at nanlaki ang mga mata ko. Kung ano ang nangyari noong nawala kami dito ay ganoon din ang binalikan namin. Nandito kami sa likod na nagkukumpulan na tayo. Kung saan may pinatay ang Donahue noong huling laban namin. 

"Weird," wika ni Rabi na nasa tabi ko lang. "Tara na nga at umuwi na tayo," aya ni Rabi. 

"Sige. Magpahinga ka nang mabuti, Umiko," sabi ni Adam kay Umiko at tumango naman bilang sagot ito na halata mong nagagambala pa sa nangyari doon sa namatay. 

Hinawakan ko naman ang balikat ni Umiko saka sinambit, "Sa susunod ay pagtatanggol na natin sila, Umiko. H'wag ka nang mag-alala." Napatingin naman sa akin at ngumiti ng bahagya. Nagpaalam na sila Rabi at Umiko na nasa kabilang direksyon ang daan dahil babalikan nila ang bike nila sa school. 

Kami naman ni Adam ay naglakad na patungo sa bahay namin. Nasa iisang subdivision lang naman kasi ang mga bahay namin kaya parati kaming sabay nito. Napatingin naman ako sa kanya na parang malalim ang iniisip. "Dam, anong mayroon sa'yo?" tanong ko na lang. Pagpuputol ko ng katamikan na rin. Umiling naman 'to bilang sagot. "Kilala kita. Simula bata pa lang ay magkakilala na tayo. Pag suot mo nga ng spongebob na boxer short alam ko e. Yan pa kayang kinikilos mo ngayon?" sabi ko pa sa kanya. 

Napabuntong hininga naman 'to. "Kasi..." Tagal niya bago duktungan yung sasabihin niya sa akin. Magsasalita na sana ako para pilitin siya nang, "Anak!" Napalingon naman kami sa gawi ng sumigaw at nakita namin si Tita Bridget, ang Mommy ni Adam. 

"Mommy!" sigaw din ni Adam habang papalapit kami. "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong naman nito kay Tita. Pero imbes na sagutin ang tanong ni Adam ay iba ang nasabi, "Nakita ninyo yung pagpatay sa kabilang kanto? Walang awa ang ginawa sa lalaki. Halos malapnos na ang balat. Mag-iingat kayong mga bata kayo a?"

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon