Chapter 16

1.7K 41 2
                                    

BRENTON's POV: 

Wala akong ibang ginawa kundi magpalakas sa pamamagitan ng pagsanay. Ayokong mangyari ang sinasabi na solusyon ni Daddy. Alam kong may iba pang paraan para do'n. Alam ko din na walang mawawala sa amin. Hindi ko pa sinasabi kaynila Rabi at Adam ang tungkol doon. Pilit ko sila pinagsasanay para na rin sa pagligtas kay Umiko. Pero... kahit na itatak ko sa sarili ko na, walang mapapahamak sa amin ay natatakot pa din ako sa mangyayari. Kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano kalakas na ang mga Donahue ngayon, lalo na si Blake at ang isang katauhan ni Umiko. Kaya na nila kaming patayin sa isang tira lang. 

Tinuturuan na lang kami ng mga Daddy namin na magsanay gaya ng pagsasanay na ginawa sa amin ni Great Daiki noon. Pumupunta kami sa may likod bahay kung saan sinasanay namin ng mabuti ang pandinig at ang isipan namin tungo sa pakikipaglaban. Nalaman din ng mga mommy namin ang tungkol sa kanila kaya laking tuwa nila na makita uli ang isa't-isa pero 'di mo maiiwasan ang maging malungkot dahil na rin sa sinapit ni Umiko. Nalaman din namin na alam din ng Papa nito ang lahat dahil sinabi sa kanya ng kanyang asawa bago siya mawala, 'di naman niya magawang sabihin kay Umiko ang lahat dahil natatakot siyang mangyari ang mga 'to pero huli na ang lahat. Nangyari na ang kinatatakot nilang mag-asawa. 

Halos mangangalahati na ang lugar dahil nasakop na ng mga Donahue ang lahat ng makita nila. Wala na ding mga taong nagsisipaglakaran o nabubuhay ngayon dito dahil kinuha na din nila ang mga kaluluwa. Para kang nasa isang disyerto na makikita mo lang ay puro buhangin. Dito naman, mga sirang bahay at kadiliman. 

"Kain muna kayo, anak," sigaw ng Mommy ni Rabi sa amin. Kahit naman na may nangyayaring ganito, pilit pa rin naming mamuhay ng normal. Kaso paano ako mapapanatag kung alam mong nasa kamay ng mga kalaban ang babaeng gusto ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Apat na araw simula noong nawala siya sa tabi namin. Apat na araw na nakita ko siyang nagkaganoon na. Ayokong makita na ganoon ang kanyang uri pero anong magagawa ko? Kasalanan ng mga Donahue na yan! Kasalanan ni Blake yan! 

Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Napatingin naman ako may likuran ko saka ko, nakita si Mommy na nakangiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian ng bulak na may alcohol ang sugat ko dito. Napangiwi ako sa sakit at tinignan lang ang kanyang ginagawa. 

"Namiss na kita, Anak," sabi ni Mommy sa akin. 

"Bakit ninyo ako namimiss? Magkasama naman po tayo, Mommy," nagtatakang sabi ko. 

"Yung masayahing Brenton ang namimiss ko, anak. Simula nang malaman mo ang kapangyarihan ninyo, malimit na lang kitang nakikita na nakangiti," sagot nito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Mommy. Tama nga siya. Parati kasi akong nakakaramdaman ng takot at pagkabahala sa kakayahan ko at para sa ibang tao. "H'wag kang mag-aalala. Darating din ang panahon na mananalo ang kabutihan. Basta magtiwala ka lang d'yan," sabi nito saka tinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib ko. "Tara na, kumain ka na para may lakas ka." 

Ngumiti uli ito sa akin saka ito naglakad pauwi na. Hinabol ko naman siya saka niyakap sa may likuran. "Thanks, Mommy." Tinapik niya lang ang kamay ko saka siya nagsabi nang, "Namomoblema ang anak ko e. Kaya ito lang ang kapangyarihan ko, ang pagaanin ang loob mo. Tara na, baka magdrama pa tayong mag-ina dito," sagot nito sa akin. 

"Bakit 'di ako kasama?" Napatingin naman kami sa nagsalita saka namin nakita ang pulang usok na si Daddy. "Siyempre, kasama namin ang mahal ko," sagot naman ni Mommy na patawa-tawa pa at nagflying kiss pa kay Daddy. Napangiti naman ako sa dalawa. Tama nga si Mommy, matatapos din at mananalo ang kabutihan laban sa mga Donahue. 

Napadako naman ang tingin ko sa kastilyo na nakikita ko mula sa puwesto namin. "Antayin mo kami, Umiko," bulong ko. 

Pumasok na kami sa loob saka namin nadatnan sila Adam at Rabi na nilalantakan na ang pagkain. "Oy mga 'tol! 'Di man lang kayo nag-aantay!" sigaw ko sa kanila saka ko sila tinabihan para kumuha na rin ng pagkain. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon