Chapter 5

3.8K 85 6
                                    

UMIKO's POV: 

Pagkalabas ko ng kwartong 'yon ay tumakbo lang ako ng tumakbo papalayo dito sa kastilyo. Nakakalungkot dito e. Naalala ko kasi ang nanay ko. Paulit-ulit na lang kasi na sumasagi sa isipan ko na pinatay na lang pala siya ng mga damuhong 'yon. Nakarating ako sa may garden malapit sa kastilyo. Nakakagaan ng kalooban kapag nakakakita talaga ako ng ganitong kagandang lugar. May mga bulaklak, puno, may mga ibon na lumilipad at may malapit na batis. Basta ang ganda niya. 

Napaupo ako sa damuhan at tumabi ako sa halamang bulaklak na malapit sa puwesto ko. Pumitas ako ng isa saka ito tinitigan. Siguro kung buhay pa si Mama ay parati din kaming may ganito sa hardin, pipitas kami o kaya sabay kami magtatanim nito. Tumingin ako sa langit saka dinama ang magandang kapaligiran. Unti-unti na lang tumulo ang mga luha ko nang maisip ko na naman ang sinapit ng aking ina. Napansin ko na umiitim na rin ang langit kaso 'di ko talaga mapigilan ang mga luha ko e. 

Nagulat na lang ako ng biglang may nag-abot ng panyo sa akin. Napatingin naman ako saka ko nakita si Brenton na nakangiti lang sa akin. "H'wag ka ng umiyak d'yan. Nakikisama pati ang langit sa'yo. Panigurado ay dahil 'yon sa kapangyarihan mo," sabi naman nito sa akin. Umupo na ito sa tabi ko. "Alam mo, masakit naman talaga ang mga nalaman natin ngayon e. Kailangan lang natin na tanggapin ang lahat. Nand'yan na yan e. Wala na tayong magagawa do'n." 

Pinunasan ko naman ang luha gamit ang panyo niya. "Alam ko naman 'yon kaso lang 'di ko mapigilan ang mapaiyak." Hindi na siya sumagot matapos no'n. Nakatingin lang siya sa kalangitan. Niyakap ko naman siya agad. Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko sila. "Salamat at nand'yan ka." Kumalas na ako agad sa pagkakayap. Napansin ko naman na nanlalaki ang mga mata niya. Kaya niwagayway ko ang kamay ko sa mukha niya. "Uy Brenton! Tara na! May training pa daw tayo diba?" 

Bumalik naman 'to sa ulirat saka tumayo at nauna nang pumasok. Tignan mo 'to, iniwan lang ako dito. Napailing na lang ako saka sumunod na agad sa kanya. 

Pumunta na kami agad sa loob para puntahan uli sila Great Daiki. Naabutan namin sila na papasok sa isang kwarto. Sumunod naman kami ni Brenton sa kanila. 'Okay ka na?' Biglang may pumasok sa isipan ko. Ibang boses. Hindi ito si Aqua. 'Rabi 'to'. Ngumiti naman ako. 'Oo okay na.' Sagot ko naman sa kanya.

Para kaming nasa isang rectangular na karton na kulay puti ang dingding, sahig at itaas nang makapasok kami sa loob. Nakakasilaw ang kaputian nito. Napansin din namin ang isang pintuan na nasa kabilang dulo. 

"Nasaan tayo, Lolo?" tanong ni Rabi kay Great Daiki. 

"Nasa kwarto kayo ng pagsasanay. Kailangan ninyong talunin ang mga kalaban ninyo para makarating sa dulo ng kwartong 'to," paliwanag nito. Pumitik si Great Daiki saka nagsulputan ang mga nilalang na nakaputing damit. "H'wag kayong matatakot na patamaan sila. Sila ay gawa sa imahinasyon ngunit nakakasugat din ang mga gamit na armas nito." Nakita namin na may hawak silang latigo, espada at kung ano-ano pa. Ang dami kasi nila e. Nanlilisik ang mga mata. Akala mo e, may nagawa kang kasalanan sa kanila. 

"Simulan na ninyo!" sigaw ni Great Daiki kasabay nito ang kanyang pagkawala. Sumugod na ang mga puting nilalang sa amin. 

"Teka!" sigaw ni Adam. Lumipad kaming apat pero nagulat na lang kami na nakakalipad din ang mga 'to. "Ingat Brenton!" sigaw uli ni Adam saka umiwas si Brenton sa bolang puti na gawa ng kalaban sa may baba. 

Kailangan siguro na magpalit ng anyo agad. Pumikit ako saka inisip na ibigay sa akin ang kapangyarihan ng tubig. Pagkadilat ko ay nakanga-nga na yung tatlo sa akin dahil sa naging itsura ko. Katulad ng kanina lang. Akala ko talaga kailangan ko pa sabihin ang katagang 'yon e. Korni kasi para sa akin. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon