Chapter 9

2.3K 70 2
                                    

UMIKO's POV: 

Napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Brenton nang maramdaman ko na may pumapatak na galing sa langit. "Tahan na. Yan na o, umaambon na," sabi ni Brenton kasabay nang pagpunas niya ng mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. "Mawawala ang ganda mo kapag umiiyak ka. Kaya mag-smile ka na," sabi pa nito. 'Di ko alam kung bipolar ako o sadyang natuwa lang ako noong sinabi ni Brenton na maganda daw ako. Napangiti ako nang wala sa oras pero lumuluha pa rin. Para akong baliw pero masaya ako. Kinikilig pa nga e. "Yan ang Umiko na nakilala ko. Yung nakangiti parati." Tinignan naman niya ako sa mga mata ko saka nagsabi uli na, "Matatapos din 'tong mga 'to. Magiging maayos din ang lahat." 

Tumango lang ako bilang sagot saka ito nagyaya pabalik doon sa puwesto ng mga kaibigan namin. Nakita kong gising na si Rabi at ito naman si Blake na tanong nang tanong sa nangyari kanina. 

"Bakit kayo may kapangyarihan? Sino yung mga anino at yung mga nakaitim na 'yon? Saan sila galing? Tao ba kayo? Alien? Ano?" sunod-sunod na tanong niya. Napahawak na lang sa noo si Adam sa mga tanong ni Blake. 

"Okay ka na ba Rabi?" tanong ko sa kay Rabi at 'di na pinansin si Blake. Tumango naman ito at ngumiti nang kaunti. Mahahalata mo pa rin na may nararamdaman na masakit sa kanya dahil medyo napapangiwi pa siya kapag gumagalaw ito. "Yung totoo?"

"Nanghihina pa ako pero okay na. Don't worry, bestfriend," sabi nito sabay tingin kay Blake. "Time's up. Sorry Pre!" Bago pa makapagsalita si Blake ay tinaas naman ni Rabi ang kamay saka may liwanag na bumalot sa kalangitan. Hudyat ito na nawala ang mga memorya ng mga tao kanina pero nang mapatingin kami sa ibaba ay naroon pa rin ang mga bangkay ng mga taong nakuhanan nila ng kaluluwa. Napabuntong hininga na lang ako. 

"Anong ginagawa natin dito?" biglang tanong ni Blake na patingin-tingin pa sa amin. "'Di ba pupunta na tayong klase?" taong pa nito. 

"Oo kaso may nangyari. Tara na sa baba," aya ko sa kanila. Pinaliwanag namin na may mamamatay tao kanina na humahabol sa amin kaya nandito kami sa taas. Nagtataka lang 'to kung bakit 'di niya maalala yung nangyari kaya sinabi na lang namin na nahimatay siya at binuhat siya ni Adam. 

Pagkababa naman namin ay dumami ang mga estudyante na nagsilapitan sa mga bangkay. Nagtataka sila kung bakit namatay ito at walang maalala din sa nangyari. Dumating na din ang mga pulis para imbestigahan ito. Naglagay sila ng yellow line at sinusuri ang mga katawan ng mga namatay. Nagtataka sila kung bakit kahit isang bakas ng hiwa o sugat sa katawan ay wala itong natamo. Dahil din sa pangyayari din 'to ay pinauwi na kami ng Dean namin. Masyadong sensitive daw ang kaso kaya mas mabuti pang umuwi na daw ang mga estudyante bago may mangyari pang ganoon uli. 

"Weird talaga," hirit pa ni Blake bago pa siya sumakay nang sasakyan niya. 

"Bye Blake!" sigaw ko naman saka siya umalis na. "Sorry," bulong ko naman. Hindi ko masabi-sabi sa kanya baka kasi mapahamak siya kapag alam niya ang lihim naming apat. 

"Umagang-umaga at wala tayong pasok tuloy dahil sa--" Tinakpan naman ni Rabi ang bibig ni Adam. "May makarinig sa'yong estudyante at mareport pa tayo sa mga pulis." Wala kasing makapagsabi sa pulis kung ano ang nangyari talaga e. Napag-alaman din namin na mayroon din na ganitong nangyari malapit sa eskwelahan. Napapikit na lang ako sa sobrang lungkot at inis ko dahil wala akong nagawa sa pangyayaring ganito. Mistulang may mga kapangyarihan kami pero 'di namin sila nailigtas. 

"Oo na. Tatahimik na. Nakakainis naman kasi e. E basta!" sabi pa ni Adam. 

"Alam ko ang nararamdaman mo, ni ako nga walang nagawa. Nakatulog na lang," sabi naman ni Rabi. "Nakakatakot pala ang nakita ko habang nasa loob ako ng bilog na 'yon. Talagang lahat ng masasakit na alaala noong bata ako ay nakikita ko. Para kang nananaginip. Parang pinapalakas ang hinagpis, takot, galit at kung ano-ano pang masamang enerhiya sa puso mo," paliwanag naman ni Rabi sa amin.

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon