Chapter 4

4.7K 79 10
                                    

UMIKO's POV: 

Coronians ako. Hindi ako mortal. May kapangyarihan ako. May mga nakaitim na nilalang. May usok. May manong na mukhang magpaparty sa suot niya. May kastilyo talaga na sobrang ganda. Puro blue dito sa kwarto at higit sa lahat ay pinatay pala ng mga damuhong 'yon si Mama. Napabuntong hininga na lang ako. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako lumalabas sa silid na tinutulugan ko dito sa Coronis. Simula kaninang hapon, ay 'di ko alam ang oras. Wala naman silang orasan dito. Ang alam ko lang ay madilim na sa may itaas. Namimiss ko na ang mundo ko talaga. Sabihin ninyo nga? Panaginip lang 'to no? Kung panaginip ito. Hindi na nakakatuwa.

Totoo ito, Umiko. Napabuntong hininga na lang ako. Ang malupit talaga e. Nakakabasa ng isip ang usok na 'to kahit ako nababasa ko ang isipin na rin nila Rabi e. Ewan ko ba, bigla na lang ako nakakarinig ng mga boses. Napalingon na lang ako sa usok na puti ng nakabusangot ang mukha.

"Magkuwento ka nga tungkol sa mama ko. Nakasama mo siya diba? Siya ang una mong nakasama diba?" tanong ko dito sa puting usok.

Ngumiti naman 'to sa akin saka pumunta sa tabi ko habang nakaupo ako sa kama. "Isa siyang napakagandang dilag. Siya ang tinitingala ng mga kalalakihan dito sa Coronis. Tuwing ngingiti siya ay napapangiti din ang mga Coronians sa kanya. May hiwaga din ang kanyang tinig na tuwing mapapakanta siya ay parang gusto mong matulog sa kanyang mga himig."

Napayuko naman ako sa narinig ko. Nakakalungkot lang isipin na ako, ang sarili anak ni Mama ay 'di siya kilala. Buti pa ang nakakilala sa kanya. 

"Ngunit nawala ang kanyang liwanag ng mawala ang mabuting puso ng mga mortal. Ginawa lang niya ang lahat para pigilan mga Donahue at sila'y nagtagumpay. Akala ng mga tagapagligtas kasama ng iyong ina ay natapos na 'yon pero ng dumating ang araw na 'yon ay yon ang araw na namatay ang iyong ina." 

Umiiyak na naman ako habang naririnig mula sa puting usok ang nangyari kay Mama. Pinunasan ko uli ang luha ko saka nagtanong sa kanya, "Paano ba siya namatay? Akala ko ba may kapangyarihan siya?" Tumingin naman ito sa akin na parang nagtatanong kung okay lang ba na sabihin ko kaya nagsabi ako ng, "Please. Sabihin mo na sa akin." 

Tumango naman siya at nagkwento uli, "Dahil noong araw na umatake na ang mga Donahue ay 'yon din ang araw ng binigay niya ako sa'yo noong sanggol ka pa lang. Wala akong nagawa upang tulungan siya dahil kailangan magkasama ang kaluluwa niya at ako sa kanyang katawan. Parang tayo ngayon, kahit saan ka magpunta ay naroon lang ako sa loob mo," sabi nito sa akin sabay turo sa aking dibdib.

Tinignan ko ang mga kamay ko saka napatakan ito ng mga luha ko. Naramdaman ko ang lamig na dulot ng tubig. Niyakap ko ang mga tuhod ko saka umiyak ng umiyak. Akala ko ba? Namatay si mama dahil pinanganak niya ako? Sabi ni Papa 'yon e. Pero ano 'tong naririnig ko ngayon? Kung hindi niya binigay ang kapangyarihan sa akin ay 'di siya mapapahamak ng ganoon. Edi sana may kinagisnan akong ina. 

"Naririnig mo ba 'yon?" tanong sa akin ng puting usok. Napatingin naman ako sa may labas at nakarinig ako ng malakas na ulan. "Dahil sa iyong nararamdaman ngayon kaya bumuhos ang matinding ulan. Alam mo ba na sa tuwing uulan ay ibig sabihin ay malungkot ang tagabantay ng tubig? At ikaw 'yon, Umiko. Ikaw ang may hawak ng tubig. Ikaw at ako ay iisa na." 

Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko maiwasan kasi na 'di malungkot. Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ang luha galing sa mga mata ko. "Pangako. Gagawin ko ang lahat para mapuksa yang mga Damuho na yan! Aalagaan kita puting---Ano ba ang iyong pangalan?" tanong ko dito. 

"Aqua ang aking pangalan, Umiko," sabi nito saka siya ngumiti. Napangiti na rin ako sa kanya. Mabait naman pala ito. Natakot pa kasi ako kanina e. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon