Chapter 2

8.2K 135 3
                                    

UMIKO's POV: 

Dalawang araw ng makalipas ang pangyayaring 'yon. Simula noon ay wala namang nangyayaring kakaiba. Kahit nga 'yong bulungan o issue na bakit sila nakahiga sa lapag e nawala na lang ng parang bula. Panaginip ba 'yon? Imposible e. Kitang kita ko sila. Muntikan na kaya nila ako patayin pero anong katibayan ko? Yung bumubulong? E wala din 'yon. Nawala din siya. Ay sowsko! Baka naman naeengkanto na ako! Hala! Baka tubuan ako ng puno sa tagiliran ko? O kaa lumaki ako na parang lobo at gawing hot air balloon na lang.

Hinawakan ko ang pisngi ko saka kinurot ito. "Aray!" Napatayo na lang ako nang maramdaman ko ang kurot ko. Sakit pala no'n. Obviously Umiko, kurot kaya 'yon! Pero wait, there's more! Patay kang Umiko ka. Papatayin ka na sa sama ng tingin sa'yo ng professor mo. Napatingin ako sa harap, nakalimutan kong nasa klase pala ako. 

"What are you doing Miss?" tanong nito sa akin. 

Kumamot muna ako sa ulo bago sumagot, "Day dreaming este Sir, may kumagat na langgam sa paa ko kasi. Pasensya na po kung napa-aray ko. Sakit kasi mangagat e." 

"Okay but if you don't want to listen. Just go out okay?" sabi naman nito with matching taas ng kilay pa. Bakla ata 'to. 

"Sorry again Sir," sabi ko naman. Umupo na ako at gusto ko ng tumira sa ilalim ng lupa dahil nagtawanan ang mga klasmyts ko. 

"Quiet!" sigaw naman ni Sir. 

Bwusit kasi yan! Puwede bang lumayo ka muna sa akin utak. Ay dito ka lang pala! Kailangan din kita. Alisin mo muna yung pangyayari na 'yon. Hay naku! Malilintikan ako e. Nandito kasi ako ngayon sa klase ko. Major Subject pa naman. Ang pangarap ko pa naman ay maging reporter o kaya singer kung puwede na. 'Di naman sa pagmamayabang at magaling ako maggitara at kumanta. Forte ko 'yon e.

Nakinig na lang ako kay Prof namin at baka maging zero na ang grade ko. After 100 years, echos! Two hours lang. Ang tagal din kasi e. Tumayo na ako para pumunta na sa canteen. Alam ko naman na may break time ni Rabi e. Ewan ko lang kay Adam at Brenton. Ay! Every since pala 'yon. Alam na ninyo 'yon ay naging close na namin 'yong dalawa. Buti nga at nadagdagan ang kaibigan ko. Loner kasi talaga ako if ever wala si Rabi sa tabi ko. Pasalamat nga ako at naging bestfriend ko siya since fetus pa lang kami. De joke lang! Ang korny ko talaga. 

Pero seryoso, kasi ako yung taong ayaw nila maging kaibigan. Isang babaeng hindi mahilig mag-ayos, nakapants lagi, t-shirt, pony, at higit sa lahat nakasalamin. Paki ba nila diba? Eto ako e. Kaso wala e, mas maarte pa sila sa maaarte. Porket ganito itsura ko, parang pinandidirihan na nila ako. Nagkaroon nga ng issue dati na ginayuma ko daw si Rabi. Ay naku talaga! 

"Miss!" Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko yung isa kong klasmyt. Bago lang ata siya dito sa school. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha e. 

"Ako?" nagtatakang tanong ko habang tinuturo ko sarili ko. Kasi nga diba? Walang nakikipag-usap sa akin na estudyante dito. 

"Oo ikaw nga," sabi nito saka binigay ang panyo ko. "Nahulog mo." 

"Ay salamat a," sabi ko naman sa kanya sabay kuha ng panyo ko. 

"Blake Darcel nga pala," pakilala sa akin nito sabay nilahad ang kamay niya para makipagshake hands. 

Ngumiti naman ako at nakipagshake hands naman. "Umiko. Umiko Morgayne. Nice to meet you." 

Ngumiti din ito sa akin ngunit parang nakaramdam ako ng 'di maganda. Parang puro galit. Ay yan na naman! Guni-guni ko na naman. Weird ko talaga since no'n. "Kakain ka na?" tanong naman nito.

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon