Chapter 18

1.9K 55 3
                                    

UMIKO's POV: 

"Ilabas mo na ako dito, Blake! Ilabas mo ako! Pakawalan mo na ako! Utang na loob, nagmamakaawa ako!" sigaw lang ako nang sigaw. Hanggang may boses pa ako, gusto kong sabihin ang nararamdaman ko. Wala akong pakialam kung walang pumansin sa akin. Gusto ko nang umalis dito sa katawan na 'to. Ayoko na dito. Ang sakit sa dibdib ng pinaggagawa niya. Lahat na lang sinira niya. Pinatay niya ang mga taong walang kamuang-muang. Hindi ko na kaya manatili dito nang walang ginagawa kundi manood lang sa pinaggagawa niya. 

"Umiko..." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Mama. "H'wag kang mawalan ng pag-asa." 

"Paano ako lalaban kung yung natitirang pag-asa ko ay makikita ko lang ang sarili kong katawan na patayin ang mga mahal ko sa buhay at ubusin ang mundong kinalakihan ko? Gusto ko nang mamamatay," sagot ko kay Mama. Napansin ko naman na lumungkot ang itsura nito at 'di na nagsalita pa. Naglaho na lang 'to ng parang bula at iniwan niya akong nag-iisa. Ayos lang naman e. Ayoko na muna nang may kausap. Gusto kong mapag-isa. Ito na naman, nararamdaman ko na naman ang mainit na likidong lumalabas sa mga mata ko. Patuloy lang siya sa pag-agos sa pisngi ko. Ang hirap pala ng ganito. Ayoko na. "Gusto ko nang mawala." 

"Umiko..." Nagulat na lang ako sa boses na narinig ko. Isang boses na 'di bago sa pandinig ko. Biglang nagbago ang paningin ko saka ko nakita ang lugar kung saan nananatili sila Blake at mga kampon niya. Pero laking gulat ko nang makita ko ang isang tao na kamukha ni Blake at nakasuot pa ito ng uniporme namin. Ito ang Blake na nakilala ko at naging kaibigan ko. Anong nangyayari? Parang ibang-iba ang itsura niya kaysa sa huling pagtutuos namin? "Alam kong naririnig mo ako. Yan ang gusto kong makita. Ang Umikong naging kaibigan ko," sabi pa nito. 

Gusto ko siyang sampalin dahil 'di pa rin ako makapaniwala na nagagawa niya ang lahat ng 'to! Pero 'di ko magalaw ang katawan ko, iba ang pakiramdam ko ngayon. Awa. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang makinig sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayon pero maniwala ka sa akin, Umiko. Ako ito, ang totoong Blake." Kumunot ang noo ko habang sinasabi niya yun. Nagulat na lang ako ng biglang tumaas ang mga kamay ko saka nasaktan nang hahawakan na siya dahil nasa isang kulungan pala siya na puno ng kuryente ang paligid. Akala ko malaya lang siya. Paanong nangyari 'to? 

"H'wag mo akong lapitan. Masasaktan ka lang." Bumuntong hininga naman ito. "Kinulong ako ng kakambal ko na si Braeden para walang makapigil sa balak niya sa dalawang mundo. Pasensya na kayo at 'di ko sinabi sa inyo nung una pa lang. Natatakot kasi ako baka layuan ninyo ako kung malaman ninyong isa akong Donahue. Nag-aral ako sa eskuwelahan ninyo para mabantayan kayo pero 'di ko nagawa dahil nalaman agad ito ng kakambal ko," kuwento nito. Nakaramdam ako ng mainit na likido galing sa mga mata ko. Ibig sabihin, hindi kami trinaydor ng kaibigan namin. Siya pa rin si Blake na nakilala ko. 

"Salamat dahil tinanggap ninyo ako bilang kaibigan. Ngayon lang ako nakaramdam ng kasiyahan dahil kayo lang ang nagparamdam sa akin na puwede pala akong mahalin ng mga tulad ninyo," sabi nito na mauutal-utal na dahil nakita ko na umiiyak na rin ito. "Gusto ko pa sana magkasama tayong lima pero 'di na ata mangyayari yun. Kailangan na magbayad ang kapatid ko sa kasalanan niya sa lahat. Masakit man sa akin ito pero pangako sa'yo, maliligtas ang buong mundo basta ipangako mo na mabubuhay ka, Umiko." 

Gusto kong magsalita. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang yakapin. Sorry Blake. Dahil sa akin nahihirapan ka ngayon. "Paalam, Umiko. Salamat sa lahat. Alam kong mabubuhay ka pa. Sundin mo lang ang nilalaman ng puso mo. Magiging maayos din ang lahat." Kasabay ng pagsabi niya nito ay pagkabalik ko sa lugar kung saan puro makikita mo ay puro puti. Tinakpan ko ang mukha ko saka umiyak nang umiyak. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon