Chapter 1

16.5K 211 10
                                    

UMIKO's POV:

"Ikaw..." 

 

Nakikita ko ang sarili kong imahe, pero bakit ganoon? Dalawa kami? Teka! May kakambal ba ako?! Pero mas maganda siya kaysa sa akin. Kulay blue ang suot niya. Parang kumikinang ang balat din niya. Kulay asul ang nakikita ko talaga sa kanya. Wavy ang buhok. Walang salamin. Nakaboots. May hawak siyang maskara na? Ano ito? May party?

 

"Malapit na sila dumating. Kailangan mo na ako." 

Bigla na lang siyang lumapit sa akin at nagliwanag ng sobrang nakakasilaw. Napapikit ako at...

  

"Aray ko po!" hinimas-himas ko ang puwet ko. Napatingin ako sa kama kong napakagulo. Nahulog na naman ako. At paulit-ulit lang talaga 'yong panaginip kong 'yon. Ang weird pero buti na nga lang panaginip lang. Akala ko kasi kung ano na 'yon noong una. Sabi kasi nila, signs daw ang panaginip e. It's either good or bad pero yaan na nga. Good vibes dapat!

Kinuha ko ang salamin ko sa may bedside cabinet ko saka sinuot. Tumayo na ako at dumiretso sa may bintana. Hinawi ko naman ang kurtina at ngumiti sa nakita ko. Masarap talaga sa pakiramdam ang makita mo ang kapaligiran mong napakaganda. Puro bubong na. De joke. Ang korny ko talaga 'pag umaga. May mga puno at halaman tapos sumisikat pa ng napakaganda si Manong Araw.   

Suminghot muna ako ng kaunting sariwang hangin saka huminga ng malalim. "Good Morning!" sigaw ko habang nakabuka pa ang mga kamay ko na parang may yayakapin. Pag pasensyahan ninyo na ako at ganito talaga ako tuwing umaga. 

Nagulat na lang ako ng biglang may tumawa saka ako napatingin sa may ibaba namin sa may gate. Nakita ko naman ang bestfriend kong ubod ng gwapo na kumakaway pa sa akin habang tumatawa, ay ibahin ko, habang pinagtatawanan ako. "Good morning din Umiko!" bati sa akin ni Rabi. "Okay sa morning routine talaga natin a, kahit na late na tayo!"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakauniform na ito habang nakaupo sa kanyang bisikleta. Pag ganitong oras na kasi e, papasok na kami da--O MAY GULAY! SINGKAMAS AT MUSTASA! Teka, gulay ba 'yon? Ay wait! Oo nga pala! 

"Aaaaa! Sandali lang! 10 minutes!" sigaw ko naman pabalik sa kanya. Natawa pa ito bago ako lumayas sa pwesto ko. Grabe talaga. Tingin talaga sa akin noon ay clown ako. Parati akong pinagtatawanan.

Dali dali kong kinuha ang plinatsang uniporme ni papa para sa akin saka pumunta na ng banyo para maligo. Buhos ng isang beses saka sabon saka buhos uli! Viola! Tapos na ko! De joke. H'wag ganoon, ang baho ko pa noon. Basta 10 minutes ko ginawa ang maligo. 

Nang matapos na ako ay bumaba na ako. Nakita ko naman si Papa na nakangiting sinalubong ako mula sa kusina. Hinalikan ko ito sa pisngi at bumati sa kanya ng good morning. Pumunta naman ako sa tapat ng picture frame na nakasabit sa may kusina. Ngumiti naman ako saka siya binati, "Good Morning Ma!" Namatay daw si Mama noong pinanganak niya ako kaya never ko siyang nakita. Dito ko lang siya nakikita sa picture pero kahit ganito ay mahal na mahal ko ang mama ko. 

"Kain na kayo, dali na!" biglang sabi ni Papa. Napalingon naman ako sa Bestfriend kong ang lapad din ng ngiti na nakaupo sa hapagkainan. Ang kapal talaga ng mukha kasing kapal ng kalyo ko sa kamay. 

"Ayos sa alright e. Naghihirap na ba ang pamilya ninyo at dito ka kumakain ng agahan parati?" pang-aasar ko kay Rabi. 

"Kung 'di kita sasabayan e, tutunganga ako sa labas na naman. Late na nga tayo, papalate ka pa lalo," pang-asar din nito sa akin. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon