Chapter 7

2.7K 68 3
                                    

UMIKO's POV:

"Morgayne!" Naalimpungatan na lang ako nang makarinig ako ng sigaw. Kinusot ko ang mga mata ko pagkataas ko ng ulo saka ako nanlaki nang mata nang makita ko ang professor ko sa Major na nanlilisik ang mga mata sa galit. Para akong pinapatay na nito sa mga tingin pa lang niya. Patay ka talaga Umiko. Yan na ang nasa isip ko ngayon. 

Naririnig ko na nagbubulungan na din ang mga kaklase ko at yung iba naman ay nagtatawanan pa. "How dare you to sleep in my class Miss Morgayne! Get out!" sigaw ng Professor namin saka ako tumayo at niligpit agad ang gamit ko. Nakakahiya e. Nagtatawanan ang mga kaklase ko. Ano ba 'to, wala pa ngang isang buwan noong nagsimula ang klase pero ganito na ang abot ko. Bago pa ako makalabas nang classroom ay saka sumigaw uli siya. "Who throw that?!" 

Nagtaas naman ng kamay si Blake saka siya nagsalita, "May i, Sir?" tanong nito sabay turo sa pintuan papalabas. Bago pa sumabog ang bulkan este mamula nang tuluyan si Sir ay tumakbo si Blake saka niya ako hinawakan at nakitakbo na rin ako kasama niya. Nang mapunta na kami sa garden ay agad siyang umupo at tumawa nang malakas. Umaalingawngaw ang tawa pa nito na talagang nakakahawa. Nakitawa na rin ako dahil sa pag-alala ko ng nangyari kanina. Priceless kasi ang mukha ni Sir. Kunot na ang noo tapos kalbo pa. Ano na itsura noon? Baliw din kasi 'tong si Blake e. 

"Laughtrip yong professor na 'yon!" sigaw ni Blake pa habang tumatawa. Nakahawak pa 'to sa tiyan niya.

"Baliw ka kasi e! Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko naman sa kanya. 

"Hahayaan ko bang mag-isa ka?" Napatigil ako sa narinig ko. Seryoso kasi ang mukha niya noong sinabi niya 'yon. Kung hindi ko lang bagong kaibigan si Blake ay namula na ako sa kilig pero wala e. Siguro concern lang talaga siya sa akin at first time na may magkaconcern sa akin na kakakilala ko pa lang noong isang araw, ay hindi pala kahapon lang. "Bakit ka ba natutulog kasi sa klase? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" 

Naalala ko naman ang mga nangyari kagabi, ang kakabalik lang namin sa ibang mundo, ang pagpatay ng apoy mula sa nasusunog na bahay, ang pagligtas ng mga tao sa holdaper at higit sa lahat ang kuwento ni Papa sa akin kung paano niya nakilala si Mama. Dahil do'n, 'di ako makatulog. Isa't kalahating zombie na nga ako sa itsura ko. Maga ang mga mata sa kakaiyak at wala pang tulog. Pagod pa sa pakikipaglaban. Saan ka pa?! Dito na kay Umiko! Korny ko talaga! Tapos yung mga usapan pa dito sa school na tungkol sa nakamaskarang apat na tao. Hay naku talaga. Problema 'to! 

"Uy!" Nabalik na lang ako sa realidad nang makarinig ako ng sigaw. Oo nga pala may kasama ako dito.

"E kasi nga, natulog ako pag-uwi ko tapos nagising din noong gabi tapos ayon, 'di na nakatulog sa gabi," pagsisinungaling ko naman. 

Ginulo naman niya yung buhok ko saka sinandal nang kaunti ang ulo ko sa balikat niya. "Umidlip ka muna. Gigisingin kita kapag next class na natin. Major pa rin naman ang susunod kaya magkasama pa tayong dalawa," sabi niya habang nakangiti. 

"Bait mo talaga, Blake," sabi ko saka siya sumagot kaso 'di ko na masyadong narinig dahil antok na antok talaga ako.

Nakagising na lang ako nang biglang may mabigat na nakapatong sa may bandang tiyan ko. Napadilat na lang ako at nakita ko si Blake na nakasandal doon at duguan ang gilid ng bibig niya. Nakahiga na kasi ako sa bench at siya naman ay nakaupo na sa may damuhan na napasandal sa may bandang tiyan ko. "Blake!" Napatayo ako at hinawakan agad ang ulo niya. "Anong nangyari--" Naputol ang pagsasalita ko nang bigla akong hablutin ni... "Adam! Bakit ninyo siya sinuntok?!" sabi ko sabay tingin ng masama kay Brenton at Rabi na nakasimangot din. "Ano ba binatawan ninyo ako!" sigaw ko sa kanila. Pinipigilan ko si Adam sa paglalakad pero malakas siya. Sa tingin ko ginagamitan na nga ako ng kapangyarihan niya e. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon