Chapter 3

6.1K 121 5
                                    

UMIKO's POV: 

Napaupo ako sa sahig sa sobrang takot sa lumulutang na usok sa harap ko. Kahit ba maganda siya e, kaso nakakatakot ang kanyang anyo. Napatayo uli ako saka lumabas ng pintuan at nakita sila Rabi, Brenton at Adam na nakatayo doon sa labas. 

"Rabi! Mayroong babaeng-" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang nakakita ako sa likod nila Rabi ng katulad ng usok na nakita ko sa loob. Kaso sila ay lalaki at kulay puti, pula at kayumanggi. Tinuro ko yung tatlong usok saka sumigaw uli. "Aaaaa! Tara na! Alis na tayo dito! Bilis!" 

Hinawakan naman ako ni Rabi sa balikat saka sinabing, "Relax ka nga lang Umiko. Hindi sila masasama. Sila pa nga ang nagturo dito sa kwarto mo. Magkakatabi lang kwarto natin." 

"Pero paano tayo nandito? Nasaan yung mga puno? Yung patay kanina? Yung nakaitim? Bakit ganyan itsura nila? Diba papunta tayo kaynila Adam? Bakit-" Tinakpan na ni Rabi ang bibig ko saka hinarap uli sa kwarto ko at tinulak papasok. 

Inupo naman niya ako sa kama saka nagtanong, "Okay ka na? Kahit kami 'di namin alam ang nangyayari. Nagising na lang ako sa isang kwarto na puro white ang nakikita plus yung usok nga na white na 'yon." 

"Ako din. Puro brown naman ang dominant. Pero astig," sabi naman ni Adam na parang natutuwa pa. 

"Sa akin pula at nakita ko nga siya," sabi naman ni Brenton sabay turo do'n sa pulang usok. "Mahirap ka pa lang gulatin Umiko." Ngumisi pa ito sa akin na halata mong nang-aasar. Nagawa pang mang-asar nito. 

Sinamaan ko siya ng tingin saka binelatan. Sama ng ugali e. Natatakot na kaya ako. Baka kasi alien 'tong mga 'to tapos ninakaw kami tapos papatapon sa planetang pluto. Kung planet pa ba 'yon? Ay basta. OA na kung OA kaso nakakatakot kasi ang itsura. Parang mumu na ewan. Mga gwapo at maganda naman 'tong mumu na 'to if ever. Ay ewan!

"Sino ba kayo? Bakit ba kami nandito? Nasaan kami?" tanong ni Adam sa mga usok. "Tingin ko kasi 'di namin 'to bahay e." 

"Kami ang katawang usok ng mga kapangyarihan ninyo. Nasa loob lang kami ng mga katawan ninyo kapag nasa mundo na ng mga mortal," paliwanag ng pulang usok sa amin. Kaming apat naman ay nagkatinginan na parang nagtataka sa pinagsasabi niya. Namboboso pa ata 'tong mga 'to? Joke 'yon? Yung totoo? 

"Sa loob ng katawan namin? H'wag ninyong sabihin na kayo ang bumubulong sa amin kapag nakikipaglaban kami?"  tanong naman ni Brenton. 

"Oo, kami nga 'yon. Kailangan namin kayong gabayan para magamit ninyo kami ng maayos noong oras na 'yon. Hindi kami pwede magpakita sa mundo ninyo dahil kami ay kakatakutan na katulad ng mga kalaban," paliwanag naman ng puting usok sa amin. 

Lalo akong naguluhan sa sinabi nila. Parang nagsasagot lang ako ng formula ng x and y dito. Hindi ko sila maintindihan. "Teka po a. Ang gulo lang e. Wait a minute kapeng mainit. Masyado na pong komplikado ang paliwanag ninyo," sabi ko naman sabay hawak sa ulo na kala mo'y sumasakit na talaga. 

"Nasaan ba kami?" tanong naman ni Rabi sa kanila. 

"Nandito tayo ngayon sa Mundo ng Coronis. Isang mundo na kung saan na nagiging balanse ang apat na elemento," sabi naman ng kayumangging usok. "Kung saan din na pinangangalagaan ang mga taong mortal." Napanganga na lang kami sa sinagot nila. Anudaw?

"Dito kami nilikha at nabuo. Dito din kayo nanggaling," sabi naman ng asul na usok sabay ngiti sa akin. 

"Anong sabi ninyo? Kami?" gulat na tanong ni Rabi naman. Teka! Promise! 'Di ko maabsorb! Mundo ng mortal? Mundo ng Coronis? Dito sila nilikha? Dito pa kami nanggaling? Ano bang mayroon dito? 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon