Chapter 12

1.7K 50 10
                                    

RABI's POV: 

'Sorry, Rabi. Sorry..." Narinig ko na lang sa isipan ko ang mga katagang yan. Alam ko naman na ang sagot kahit na 'di ako nagsabi sa kanya ng totoo kong nararamdaman. Tanga ko kasi e, bakit ba kasi siya ang nagustuhan ko? Puwede naman na iba na lang. Nabestfriend zoned ako. Tangna. Sakit lang. Simula bata pa lang ata kami gusto ko na siya e, hanggang ngayon, lalo pang umusbong ang pagmamahal ko sa kanya kaso...

"May iba na siyang nagugustuhan," biglang sabi ni Hurricane. Ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot. "H'wag mong pilitin na maging masaya kahit 'di naman, Rabi." 

"Masakit e. Kakaiba pala kapag nasasaktan ka na. Akala ko dati, masasalba ko pa si Umiko sa nararamdaman niya pero nang makita ko ang itsura niya kanina. Namumula at 'di makatingin kay Brenton..." Umiling ako sa naalala ko. "Mahal na niya 'to, pero naguguluhan pa siya. Ang sakit lang kasi, sa maikling panahon na nakilala niya si Brenton, siya pa ang tinanggap niya ng buong buo sa puso niya." 

"Ganoon talaga ang pagmamahal, hindi mo alam kung kailan mo 'to mararamdaman. Kusa itong umuusbong pero sa pag-usbong nito, matuto kang lumaban kapag ang kapalit nito ay ang kalungkutan," pangaral ni Hurricane sa akin. 

Tumingin naman ako sa kanya. "Nagmahal ka na ba? Parang ang dami mong alam sa pag-ibig a." 

"Nararamdaman ko ang nararamdaman ng may hawak sa akin at hindi lang ikaw ang nakasama ko kahit ang Papa mo." Napangiti na lang ito saka ito naglaho. 

Tumingin ako sa kisame saka pumikit. Ang lakas ng impact ng sorry ni Umiko sa akin. Wala naman dapat siyang ikahingi ng tawad nga e, dahil kusa ko itong naramdaman ng 'di sinasadya. Kailangan ko lang tanggapin ang lahat at lalong pagtibayin pa ang pagkakaibigan namin. Makatulog na nga muna. Nakakastress ang buhay ng one sided love. 

"Kahit anong mangyari, protektahan mo siya, anak. Dumating na ang oras."

"Papa!" Napaupo na lang ako nang magising ako. Napatingin ako sa orasan at alas-dos pa lang ng madaling araw. Anong napaginipan ko kanina? Si Papa 'yon e. 'Di ako nagkakamali pero anong sabi niya? Kailangan ko siyang protektahan? Sino? Napatingin na lang ako sa bintana ko nang makarinig ako ng katok mula doon, nakita ko naman sila Brenton at Adam na halata mong nag-aalala. Pumunta naman ako agad doon at binuksan ang bintana. "Anong mayroon? Bakit kayo nandito?" Nagtatakang tanong ko. 

"Tinignan ko si Brenton kung okay lang siya e. Napaginipan ko kasi si Daddy, sabi niya, kailangan ko siyang protektahan. Natakot ako baka isa sa--" Napatigil ito at nanlaki ang mga matang tumingin sa aming dalawa. "Umiko!" sabay-sabay naming sigaw saka ko sila hinawakan at nagteleport papunta sa kuwarto ni Umiko pero nagulat na lang kami nang wala siya doon. 

"Anong nangyayari sa'yo, Anak?!" Napatingin ako sa may pintuan ng kuwarto ni Umiko saka kami tumakbo pababa. Naabutan ko si Tito Kenneth na hawak-hawak niya si Umiko sa balikat. Lalong nanlaki ang mga mata namin nang makita namin ang mga mata ni Umiko. Ang matang nakita namin noong nakaharap namin yung nakaitim na nilalang. "Anak!" 

Biglang tinaas ni Umiko ang kanyang kanang kamay saka naglabas ito ng itim na kapangyarihan. Lumipad na ako saka tinulak si Tito Kenneth at napatilapon ako sa lakas ng kapangyarihan ni Umiko na tumama sa akin. "Rabi!" sigaw nila Brenton at Adam. Nagdadalawa ang paningin kong tinignan si Umiko. Walang emosyon itong nakatingin sa akin, napansin kong papalapit ito sa akin saka niya ako sinakal gamit ang dalawang kamay niya. "Umiko..." nauutal na sabi ko. Hindi ako makahinga sa higpit ng hawak niya. "Ibalik mo ang bestfriend ko! Umiko! Gumising ka!" Kahit nahihirapan akong huminga, sumigaw ako sa abot nang makakaya ko para magising lang si Umiko sa pagkakatulog niya. Napansin kong may tumulong luha galing sa mga mata ni Umiko saka ito nag-iba ng kulay. Binitawan niya ako saka siya tumakbo papalabas. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon