Chapter 8

2.5K 65 4
                                    

UMIKO's POV: 

Matapos namin na maghapunan kaynila Brenton ay inihatid na niya kami gamit ang sasakyan ni Tita Conie. May student driver license ito kaya puwede siyang magdrive na. Inuna niya si Adam na ihatid dahil malapit lang naman 'to sa kanila. 

"O siya. Bukas na lang a. Pinapasabi din ni Earth na Goodnight," sabi ni Adam bago bumaba. Nagpaalam na rin kami sa kanya. 

"Saan ba kayo?" tanong ni Brenton sa amin. 

"Sa Binerd Subdivision. Along Ginalo Road siya," paliwanag naman ni Rabi. Tumango naman si Brenton bilang sagot. Buti alam nito ang lugar kaya agad niya natunton ang subdivision. Inuna niyang binaba si Rabi sa kanila. "O sige na. Goodnight sa inyo," sabi ni Rabi bago bumaba. Ginulo pa niya ang buhok ko bago pa bumaba. Napapout naman ako habang inaayos ang buhok ko. 

"Close talaga kayo ni Rabi ano?" biglang tanong ni Brenton nang makababa na si Rabi. Pinaandar na niya ang kotse.

"Oo, magkaibigan kasi yung magulang namin which is totoo naman pala. Kayo din ni Adam ganoon 'di ba?" tanong ko din naman sa kanya. Imbes na sagutin niya ako ay nagtanong uli siya, "Dito ka na 'di ba?"

Napatingin naman ako sa labas at nakita ko nga ang bahay namin. Nasa labas si Papa na halata mong inaantay ako. "Tara muna sa loob. Pakilala din kita kay Papa," sabi ko naman. Bumaba na ako saka ako sinalubong nang yakap ni Papa. 

"Okay ka lang ba? Lumaban na naman ba kayo? Anong nangyari at bakit ka ginabi?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. 

Ngumiti naman ako saka sumagot, "Pa naman. Okay lang ako. H'wag sabi kayong mag-alala." Kinuwento ko kasi kay Papa ang lahat. Simula sa unang laban hanggang sa makabalik kami uli dito sa mundo ng tao. 

"Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa'yo. Ayaw kong-" Pinutol ko ang sasabihin ni Papa, "Pa, 'di ako matutulad kay Mama. Iingatan ko ang sarili ko," sabi ko naman. Napansin ko naman si Brenton na tumabi sa akin. "Pa, si Brenton pala. Anak ni Tita Conie." 

Nakipagshake hands naman si Papa saka niya niyaya ito pumasok sa bahay. Nagtanong si Papa ng kung ano-ano tungkol kay Tita Conie at saan sila tumira dati. Yung iba nasasagot ni Brenton kaso yung iba 'di niya alam pati ang kapangyarihan ni Brenton ay napag-usapan na din. Napailing na lang ako habang nagtitimpla ng juice at naghahanda ng biskwit para sa kanila. Nang matapos ako ay inilapag ko sa harap nilang dalawa. 

"Salamat," sabi naman ni Brenton nang makita ako. Ngumiti lang ako bilang sagot. 

Kumuha naman ako ng biskwit saka kumain. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Man to man talk na kasi kaso nabuga ko ang kinakain ko nang marinig ko ang tanong ni Papa. "Nanliligaw ka ba sa anak ko?" 

"Pa!" sigaw ko habang pinupunasan ang bibig ko. Nakakainis naman! Nakakahiya! Buti 'di ko nabuga yung kinakain ko sa kanila. Tinignan ko naman si Brenton na walang reaksyon. Waaa! Ayoko nang ganyan! 'Di man lang siya natawa? Nakakaloka. Siya na! Ako nga namumula na ata na ewan. 

"Ano? Nagtatanong lang," sabi naman ni Papa na nakangisi. 

"Pagpasensyahan mo na yan si Papa a, Brenton. Joke time yan e," sabi ko naman kay Brenton. Natawa naman si Papa saka tumingin sa akin nang nakakaloko. Nang-aasar siya. Nakakainis naman. 

"Ano pala ang course na kinukuha mo?" tanong ni Papa. Napabuntong hininga na lang ako. Buti naiba na ang topic. Si Papa talaga. Akala mo babae. Puro tanong e. Tinalo ang mga reporter sa mga tanong. Nang matapos na sila na magkuwentuhan ay nagpaalam na si Brenton na uuwi na siya. 

Power WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon