Chapter 5- Buddy Buddy System

Start from the beginning
                                    

"Sige, Ate. Tatawagin ko lang si Daniel.", sabi ni Kathryn.

"Daniel, alis na tayo?", aya ni Kathryn.

"Oh sige. Bye guys!", sagot ni Daniel na nagpaalam na rin sa mga kabarkada niya.

Umalis na silang apat para pumunta sa parking lot. Pumasok na silang apat sa kotse.

"Ah, guys, may dala nga pala akong cookies dito. Eto oh.", sabi ni Daniel sabay bigay ng cookies sa kanila.

"Salamat.", sabi ni Kathryn.

"Thank you.", sabi naman ni Kim at Xian.

Ininbita naman din ni Daniel si Kathryn para magreview sa kanila. Inihatid muna nila ang dalawa sa kanilang bahay.

"Sige, mamaya nalang.", sabi ni Kim kay Xian.

"Bye!", sabi ni Kathryn kay Daniel.

Pumasok na ang magkapatid sa bahay.

"Nay, nandito na po kami.", sabi ni Kim.

"Oh, mga anak.", sagot ni Nanay Zheny.

"Uh, Nay, pupunta po kami sa bahay nila Kuya Xian ngayon para magreview. Meroon ba kaming pwedeng dalin?", sabi ni Kathryn.

"Oo. Meroon tayong sansrival diyan, dalhin niyo nalang. At nagluto ako ng siomai, dalhan niyo din sila.", sabi naman ni Nanay Zheny.

"Salamat ho, Nay. Magbibihis lang po kami.", sagot naman ni Kim.

"Oh sige, anak."

Pumunta na ang dalawa sa taas para pumunta sa kanilang kuwarto at maghanda. Pagkatapos, bumaba na din sila na dala-dala ang mga libro at notebook nila.

"Nay, alis na po kami. Kinuha na po namin yung siomai at sansrival.", sabi ni Kim.

"Oh sige, anak. Mag-aral kayo mabuti.", sagot ni Nanay Zheny.

Lumabas na ang dalawa ng bahay at naglakad papunta sa bahay nila Xian.

"Kathryn, nagka ayos na pala kayo ni Daniel?", sabi ni Kim.

"Oo, Ate. Nag sorry siya sa akin. Pinatawad ko naman siya.", nakangiting sabi ni Kathryn.

"Mabuti naman. Ito na ang bahay nila.", sabi naman ni Kim.

Pinindot na ni Kathryn ang doorbell. Binuksan naman agad-agad ang pinto.

"Hey guys!", sabi ni Xian.

"Hello!", sabi naman ni Kim.

"Ma, nandito na ang mga bisita namin.", sabi ni Xian.

Sinalubong naman sila agad ni Menchu.

"Good evening po!", bati ni Kim kay Menchu.

"Hello po.", sabi naman ni Kathryn.

"Good evening din. Pasok kayo.", sabi ni Menchu.

"Ah, ako nga po pala si Kim.", sabi ni Kim sabay bigay ng kanyang kamay.

"Ako naman po si Kathryn."

"Ako naman ang Tita Menchu niyo. Halika, dito tayo sa kusina."

Pumunta sila sa kusina at ibinigay ng magkapatid ang sansrival at siomai.

Umaktay naman si Xian para tawagin si Daniel.

"Wait lang ha, mga iha. Aakyat lang ako sandali.", sabi ni Tita Mechu.

Pinuntahan ni Menchu ang anak at pamangkin niya.

"Xian, Daniel, napakaganda naman pala ni Kim at Kathryn, at ang bait pa nila. ", sabi ni Menchu.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now