Chapter 5- Buddy Buddy System

Start from the beginning
                                    

"Uh, since may 20 minutes pa tayo bago magstart ang afternoon classes, ba't hindi natin gawin ang iba mong requirements?", tanong ni Xian kay Kim.

"Mmm, sige.", sabi naman ni Kim.

Habang kinukuha niya ang libro niya sa bag, nilapitan siya ni Gerald.

"Hi, Kim!", tuwang sabi ni Gerald.

"Hi.", sabi naman ni Kim.

"Makuha mo ba yung note ko sa locker mo?", tanong ni Gerald.

"Ah, sayo ba galing yun. Oo, nabasa ko. Salamat.", sabi ni Kim.

"Have a nice day!", sabi ni Gerald kay Kim habang papunta na sa upuan niya.

Nilabas ni Kim ang libro niya.

"Hmm.. Math muna?", tanong ni Xian.

Tumango lang si Kim.

Pinaliwanag ni Xian kay Kim ang Math lesson nila. Agad naman ito natintindihan ni Kim. Tinulungan ni Xian si Kim sa pagsagot kaya naman natapos na niya ito bago dumating ang kanilang teacher. Dumating na si Miss Belle. Nagtataka silang lahat kung bakit si Miss Belle ang dumating, kahit na si Sir Mark dapat.

"Good afternoon class.", sabi ni Miss Belle.

"Good afternoon, Miss Belle.", sabi ng buong klase.

"Uh, wala ngayon si Sir Mark, may sakit siya."

"Uh, teacher, so ano po ang gagawin namin?", tanong ni Robbie.

"May dalawang oras kayo ng buddy ninyo para mag-aral. Okay, so wag na kayo magsayang ng oras. Mag-aral na kayo.", sabi ni Miss Belle.

Nagsimula ng mag-aral ang mga mag-buddy.

"Talaga nga namang sinuswerte tayo ngayon, ano?", biro ni Xian kay Kim.

"Oo nga.", sabi ni Kim na napatawa.

"Haaay.. Ang dami ko pang kailangan gawin.", sabi ni Kim na nalulungkot na.

"Uy, okay lang iyan. Nandito naman ako para tulungan ka eh.", sabi ni Xian na inakbayan si Kim.

"Eh..", sabi ni Kim na nakasimangot pa rin.

"Ngiti na! Be happy! Wag kang mag-alala, tutulungan kita diyan sa stress mo.", nakangiting sagot ni Xian.

"Salamat talaga, Xian.", sabi ni Kim.

Ngumiti nalang si Xian at hinawakan ang kamay niya.

"Ano simulan na natin ang pag-aaral?", biro ni Kim.

"Oo, tatapusin natin ito para makareview tayo mamaya sa bahay.", sabi ni Xian.

"Sige na, simulan na natin to para makareview mamay.", sabi ni Kim.

Sinumulan na nila ang pag-aaral. Sa loob ng dalawang oras, natapos nila ang limang requirement ni Kim.

"Oh yan ha. Natapos mo na lahat ng requirements mo. So, pwede kang pumunta sa bahay mamaya? Para magreview?", tanong ni Xian kay Kim.

"Oo na nga eh. Mabuti na rin yun para makilala ko rin ang mommy mo.", nakangiting sabi ni Kim.

"Buti na lang natapos natin ang mga requirements mo.", sagot ni Xian.

"Oo nga. Hindi ko naman yun matatapos kung hindi mo ako tinulungan, kaya salamat.", sabi ni Kim.

"You're welcome!", sabi naman ni Xian.

Uwian na at umalis na si Xian at Kim ng classroom para sunduin si Kathryn at Daniel.

"Kathryn, alis na tayo?", aya ni Kim.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now