Nang makalabas siya ng comfort room ay para siyang na-tikbalang. Wari'y nag-iba bigla ang structure ng bahay na iyon. Hindi niya matandaan kung saan siya dumaan kanina. Patay tayo diyan! Dapat pala nagpasama na ako kay Acky!

Wala siyang makitang ibang tao roon. Wala rin atang kasambahay ang mga ito. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, nagbabaka-sakaling makakarating din siya sa kinaroroonan ng kanyang mga kasamahan ngunit bigo pa rin siya. Napaisip tuloy siya na baka hindi lang sa gubat may tikbalang kundi pati na rin sa mga bahay na ganito kalalaki. Kinilabutan siya. Huwag naman sana! Matatakutin pa man din siya.

"Ano ba kasing naisip nila at nagpatayo ng ganito kalaking bahay?" pilit niyang inaaliw ang sarili at nagpatuloy sa paghahanap ng lagusan.

Mayamaya pa'y may naramdaman siyang mga yabag. Palapit ito nang palapit sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Inay ko po! Mamamatay na ako rito! Gusto niyang tumingin sa likod ngunit hindi niya magawa. Parang nanigas siya bigla sa kanyang kinatatayuan. Ihahakbang na ulit sana niya ang kanyang paa nang may biglang humawak sa kanyang balikat.

Napasigaw siya sa sobrang takot. "Aaahhhh! Tikbalang! Parang awa niyo na! Huwag niyo akong sasaktan! Marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto ko pang makabalik sa pag-aaral! Gusto ko pang tumulong sa pamilya ko! Masyado akong maganda para maging reyna ng kaharian niyo! Nakikiusap ako sa'yo---"

"What the hell are you saying?" Naudlot ang kanyang sinasabi nang magsalita ang tikbalang este ang taong nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa kanyang balikat. Dahan-dahan siyang lumingon.

"Jeighcob!?" bulalas niya. Gusto niyang balatan ng buhay ang lalaki. Bakit hindi man lang ito nagsalita? Halos mamatay na siya sa sobrang takot tapos ito lang pala ang nasa likod niya?

"Yeah. And you just called me, tikbalang?" parang natatawang-naiinsultong tanong nito sa kanya.

"Eh bakit ba kasi hindi ka man lang nagsalita!?"

"I was waiting for you to end your speech. Kaya lang mukhang hindi ka naman matatapos kaya nagsalita na ako."

"Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso sa sobrang... takot?" pahina nang pahina na ang boses niya. Nanlalambot na rin ang kanyang mga tuhod na muntik na sana niyang ikatumba kundi lang siya naalalayan kaagad ni Jeighcob.

"Hey, are you okay?" may bahid ng pag-aalala sa tono nito. Hawak nito ang magkabila niyang braso na nagsisibling suporta upang hindi siya tuluyang matumba. Kinalma niya ang sarili at dahan-dahang lumayo rito.

"A-Ayos lang ako," huminga muna siya nang malalim.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo?" muling tanong nito.

"K-Kasi... ano... galing kasi ako sa banyo tapos nung lumabas ako, parang biglang nag-iba yung paligid. Tapos 'di ko na maalala yung mga dinaanan ko," kuwento niya rito.

"Eh bakit may na-involved na 'tikbalang'? At ako pa talaga ang napagkamalan mong tikbalang ha?"

"Di ba sabi nila, kapag naliligaw ka raw, ibig sabihin tinitikbalang ka."

Tumawa ito. "Nasa bahay ka Dashnielle, wala ka sa kagubatan."

Saglit siyang natigilan. Parang ngayon lang kasi ulit niya narinig na banggitin nito ang pangalan niya.

"Eh basta! Iyon ang pakiramdam ko kanina eh," depensa niya.

"At mukha akong tikbalang?" kunot-noong tanong nito.

"A-Ano nga kasi... Siyempre kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko kanina. Matindi pa naman ang imagination ko kaya nung naramdaman ko na may sumusunod sa akin, inisip ko kaagad na tikbalang yun. Pasensya na." Paumanhin niya rito.

Bumuntung-hininga ito. "You're really weird."

Medyo weird nga. Pagsang-ayon naman ng kanyang isip.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" biglang tanong niya rito. "Naligaw ka rin?"

Tumawa ito nang pagak. "I have a strong sense of direction unlike you. Tsaka bakit naman ako maliligaw, eh mas malaki pa nga ang bahay ko rito?" Talaga? Eh bakit hindi naman siya naligaw nang pumunta siya roon?

"O, eh bakit ka nga nandito?" muling tanong niya.

Ilang segundo pa bago ito nagsalita. "Your friends are worried about you kaya nakiusap sila sa akin na sundan ka na rito. Hindi rin daw kasi nila tukoy ang banyo sa bahay na 'to. Sasama sana sila kaya lang sabi ko maiwan na sila roon. May tama na sina Jed eh. Walang magbabantay," mahabang paliwanag nito.

Nakaramdam siya ng tuwa sa sinabi nito. Kahit papaano pala ay may kabaitan ding itinatago ang lalaking ito. Akala kasi niya ay puro pagtataray at pagiging sarkastiko lamang ang kaya nitong gawin. Naglalakad na sila patungo sa garden kung saan naroroon ang iba nilang kasama nang biglang magsalita si Jeighcob.

"Close kayo ni Zen?" biglaang tanong nito na ikinagulat naman niya.

"H-Ha? Hindi ah. Kakanina lang naman kami nagkakilala at nagkausap eh," naiilang na sagot niya. "Bakit mo naman naitanong?"

"Nothing. Napansin ko lang na parang komportable kayo sa isa't isa habang nag-uusap kayo kanina," wika nito nang hindi siya tinitingnan.

Nagtaka naman siya. Napansin nito iyon? Eh ganoon naman talaga siyang makipag-usap kahit sa iba. Paanong komportable ba ang ibig nitong sabihin?

Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa mga kasamahan nila.

"Hoy Dashnielle! Ano bang nangyari sa iyo ha!? Akala namin na-flush ka na dun sa inodoro eh! " sermon naman sa kanya ni Acky ngunit mababakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Oo nga Dash. Seryoso. Akala namin kung ano nang nangyari sa 'yo. Baka 'kako nadulas ka na sa sahig dahil nakatapak ka ng sabon tapos hinimatay," nag-aalala ring wika ni Khlea. Grabe naman ang isang 'to. Napaka-tragic mag-isip. Pero pasalamat na rin siya na may napakamaalalahanin siyang mga kaibigan. And speaking of pasasalamat, hindi pa nga pala niya napapasalamatan ang lalaking tumulong sa kanyang makalabas sa kagubatan este sa mansiyon na iyon.

Nilapitan niya si Jeighcob na nasa poolside at pinagmamasdan ang umiilaw na tubig ng swimming pool.

"Jeighcob," tawag niya rito. Nilingon naman siya nito. "Thank you." Bukal sa pusong pasasalamat niya rito at tsaka bumalik sa pwesto ng kanyang mga kaibigan.

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Coffee FateWhere stories live. Discover now