CHAPTER 14

89 11 2
                                    

"Dash!" Natauhan si Dashnielle nang tawagin siya ni Acky.

"A-Ano 'yon?" Hindi kasi niya narinig ang sinabi nito.

"Sabi ko kung ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasing nakatulala diyan eh. Gusto mo, uwi na tayo?" nag-aalala namang tanong nito.

"Naku hindi. Ayos lang ako." Pilit siyang ngumiti rito. Ayaw niya rin namang makaabala sa mga ito.

"Sigurado ka?" paniniguro nito. Tumango naman siya. Mukhang nakumbinsi naman ito sa sinabi niya kaya hindi na ito nagtanong pa.

Ang totoo ay kanina pa siyang hindi mapakali. Masyadong okupado ang kanyang isip dahil sa naging pag-uusap nila nina Zen kanina. Hindi rin niya maintindihan kung bakit masyado siyang apektado sa sinabi ng mga ito.

Kung hindi siya nagkakamali, ang Natalia na tinutukoy ng mga ito ay iyong babaeng kasama ni Jeighcob nang minsang magpunta ito sa coffee shop. Nakita naman niya nang malapitan ang babaeng iyon at parang malayo naman na kamukha niya ito. Masyado itong maganda para ihalintulad sa kanya. Pero dahil sa sinabi ng mga ito na may pagkakahawig sila ng Natalia na iyon, maaaring iyon nga ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong pinapansin ni Jeighcob. Dahil kamukha niya ang ex-girlfriend nito.

Mayamaya pa'y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nang lingunin niya ito, ang nakangiting mukha ni Zen ang bumungad sa kanya. Hindi ba 'to nangangalay ngumiti nang ngumiti?

"Naba-bother ka ba sa sinabi namin kanina? Don't worry, agam-agam lang naman namin iyon. Malay mo iba naman pala ang reason ni Eiob," naiilang na tumawa ito.

Ngumiti siya. "Okay lang. Tsaka ayos lang naman sa akin kung pansinin man niya ako o hindi. Basta ang alam ko, nabayaran ko na ang kasalanan ko sa kanya. Okay na sa akin 'yon."

Gusto sana niyang magtanong tungkol sa naging relasyon nina Jeighcob at Natalia. Kung ano ang nangyari at kung bakit naghiwalay ang mga ito. Ngunit ayaw naman niya na isipin ni Zen na tsismosa siya kaya mas pinili na lang niya ang manahimik. Nagsidatingan na rin ang iba pa nilang kasama.

"Maganda palang kumanta itong si Khlea," bungad ni Jed.

"Hindi naman masyado Sir," nahihiyang wika naman ni Khlea.

"Maganda lang yung kanta. Pero hindi naman ganoon kaganda ang pagkakakanta," tutol naman ni Calvin. Halatang inaasar si Khlea. Ano ba talagang meron sa dalawang 'to?

Naningkit naman ang mga mata ni Khlea. "Palibhasa tone-deaf ka kaya di mo ma-distinguish ang magandang boses sa hindi."

"Ako pa talaga ang tone-deaf ha? Hindi mo ba napansin? Hindi na magkaintindihan yung banda kanina kasi 'di nila masabayan yung kanta mo. Wala ka kasi sa tono at timing," pagpapatuloy ni Calvin.

"Wow! Ang galing mo naman! Ikaw nga lang ang tutol na maganda akong kumanta eh. Mismong si Sir Jed na ang nagsabi na maganda ang boses ko."

"Naniwala ka naman? Sinabi niya lang 'yon para magsipag ka sa trabaho," wika naman ni Calvin.

Nagpatuloy pa sa pag-aasaran ang dalawa habang sila naman ay nalilibang na panoorin ang mga ito. Mayamaya pa'y nagpaalam muna siya sa mga ito upang mag-cr.

"Gusto mo samahan kita?" tanong ni Acky.

"Hindi na. Mabilis lang ako," nginitian niya ito.

Hindi na ganoon karami ang tao sa party kaya wala na masyadong nakaharang sa daraanan niya. Tulad ng bahay ni Jeighcob, napakalaki rin ng bahay na iyon ni Zen at talaga namang maliligaw ang sino man na hindi masyadong pamilyar doon, tulad niya. Pinilit niyang tuntunin kung nasaan ang banyo ng bahay na iyon. Iba't ibang pinto na ang kanyang nabuksan at sa wakas ay nakita na niya ang hinahanap niya.

Coffee FateWhere stories live. Discover now