CHAPTER 7

79 15 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang muling bumalik sa normal na takbo ang buhay ni Dashnielle. Mula noong araw na maibalik niya kay Jeighcob ang polo nito, pakiramdam niya ay isang napakalaking pagsubok ang kanyang nalampasan. At mukhang umaayon talaga sa kanya ang tadhana sapagkat mula rin ng araw na iyon ay hindi pa muling pumupunta sa Coffee Haven si Jeighcob.

"Bakit kaya hindi pa ulit pumupunta si Papa Jeighcob dito? Na-mi-miss ko na siya," nalulungkot na saad ni Khlea.

"Oo nga eh. Two weeks na siyang 'di nalalagi rito. Baka naman nag-out-of-the-country ulit? 'Di ba malimit siyang pumupunta sa ibang bansa kasi kailangan sa family business nila?" ani Acky.

Sa mga ito lang din niya nalaman na mayaman pala talaga ang pamilya nina Jeighcob. Ang mga ito ang nagmamay-ari ng ilan sa mga pinakasikat at prestihiyosong hotels and restaurants sa bansa. Nang maka-graduate daw si Jeighcob ng college ay ito na ang nagpapatakbo ng ilan sa mga businesses ng kanilang pamilya.

"Ikaw Dash, miss mo na rin si Sir Jeighcob?" biglang tanong ni Khlea.

"Bakit ko naman 'yon mami-miss?" balik na tanong niya. Masaya pa nga siya na hindi na niya ito nakikita.

"Ang ibig sabihin ni Khlea, baka raw nami-miss mo nang tapunan ng kape si Sir tapos ipaglalaba mo ulit," pang-aasar naman ni Acky sa kanya.

"Ah ganon? Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?" baling niya sa mga ito.

"Hindi naman po kami lalaban." Itinaas pa ng mga ito ang dalawang kamay na parang mga sumusukong kriminal.

Hindi na niya pinansin ang mga ito at pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng bookshelf. Ilang sandali pa ay narinig niyang tinawag siya ng boss nila.

"Dash! Halika muna sandali." Sinenyasan siya ng boss nila na lumapit dito.

"Bakit po Sir?"

"Favor naman," iniabot nito sa kanya ang isang paper bag na mukhang pagkain ata ang laman, "pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa pinsan ko? May sakit kasi 'yon ngayon kaya naisipan kong dalhan siya nitong lugaw. Kaso lang may urgent meeting ako eh kaya 'di ko 'to madadala sa kanya. Ikaw na lang ang magbigay ha?" pakiusap naman ng Sir Jed niya. Ang bait naman ni Sir.

"Sige po Sir. Wala pong problema. Ako na lang po ang magdadala niyan sa pinsan niyo," nakangiting wika niya rito.

"Thank you so much Dashie! Itatawag ko na rin kay Manang na ikaw na ang magdadala niyang lugaw. Ah wait lang pala," kumuha ito ng maliit na papel at may isinulat doon, "iyan ang address ng bahay ng pinsan ko. Ibigay mo lang 'yan sa driver ng rickshaw, alam na niya kung saan ka ibababa. Dito lang din naman siya sa loob ng village nakatira. Sige ha, I have to go na. Thank you ulit." Tinapik pa siya nito sa balikat tsaka tuluyang lumabas ng shop.

Nagpaalam na rin siya sa mga kasama na lalabas lang saglit. Pumara siya ng isang auto rickshaw, para itong modern pedicab kung saan nasa unahan ang driver. Ito ang mean of transportation sa loob ng village na iyon. Pagkasakay niya ay iniabot kaagad niya 'yong maliit na papel kung saan nakasulat ang address na pupuntahan niya. Habang umaandar ang sasakyan ay hindi maiwasang mamangha ni Dashnielle sa mga naglalakihang bahay sa village. Mayamaya pa'y tumigil ang sasakyan.

"Ma'am nandito na po tayo," anang driver.

When she got off the rickshaw, she couldn't help but admire the mediterranean-style house in front of her which looked like a cut out from an architectural magazine. It was very huge and undeniably beautiful.

"Una na po ako Ma'am," muling untag ng driver.

"Ah sige ho. Salamat ho Manong." Libre ang sakay ng lahat ng mga naninirahan sa village na iyon pati na rin ang mga nagtatrabaho roon.

"Ang laki naman ng bahay na 'to." Hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa nakikita niya. Lumapit siya sa gate ng bahay at pinindot ang doorbell. Agad naman siyang pinagbuksan ng isang matandang babae.

"Magandang umaga po. Ako nga po pala si Dashnielle, empleyado ni Sir Jed. Ito nga po pala 'yong lugaw na pinapabigay niya sa pinsan niya raw po na may sakit," itinaas niya ang hawak na paper bag upang iabot dito.

"Ah ikaw ba iyon? Pasok ka," magiliw na alok nito sa kanya.

"Ay naku hindi na po. Iaabot ko lang naman po ito eh. Babalik na rin po agad ako sa shop," nakangiting wika niya rito.

Akala niya ay kukuhanin na ng matanda ang paper bag sa kanya, ngunit sa halip na gawin iyon ay hinawakan nito ang kanyang kamay na ikinabigla naman niya.

"Hija, kahiya-hiya man, pwede bang manatili ka muna rito kahit sandali lang. Kailangan ko kasing bumili ng gamot para sa batang iyon. Eh walang magbabantay sa kanya kapag umalis ako kaya kung maaari sana ay ikaw muna ang magbantay sa kanya habang wala ako," pakiusap nito sa kanya.

"Pero..." Nagdadalawang-isip siya kung pagbibigyan ba niya ang pakiusap ng matanda. Iniisip din kasi niya ang naiwang trabaho sa shop. Ngunit sa huli ay pumayag na rin siya sa pakiusap nito.

"Ay sige na nga po. Kaya lang, okay lang po ba na pumasok ako diyan sa loob? Baka po mamaya bigla na lang may dumampot sa aking mga pulis at pagbintangan akong magnanakaw?" paniniguro niya. Mas mabuti nang sigurado.

Natawa ang matanda. "Naku hindi hija. Mukha ka namang mabuting tao. Tsaka tatawagan ko na rin si Jed at sasabihin kong babantayan mo muna sandali ang pinsan niya habang bumibili ako ng gamot. Paki-dala na rin niyang lugaw sa kwarto niya dun sa taas ha. Maraming salamat talaga sa iyo hija. Sige mauna na ako at nang makabalik ako kaagad."

"Sige po. Ingat po kayo," paalam niya rito. Ngumiti ito sa kanya.

Masyado yata akong mabait ngayong araw ah.

Isinarado niya ang gate at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Mas lalo siyang namangha. Kung maganda na itong pagmasdan sa labas, mas dumoble pa ang ganda nito sa loob. Napakalinis at napakabango ng loob ng bahay na iyon. Maayos ang pagkaka-posisyon ng mga kagamitan at maaari nang pananalaminan ang tiles ng bahay.

"Wow! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito kalaki at kagandang bahay?" bulong niya sa sarili. "Ang yaman naman ng angkan nina Sir Jed," dagdag pa niya.

Umakyat na siya. Madali lang niyang nakita ang silid na tinutukoy ng matanda. Lumapit siya sa may pintuan at kumatok ng tatlong beses.

"Magandang umaga ho Si---teka lang, Ma'am ba o Sir? Bakit ba nakalimutan kong itanong kung lalaki ba 'tong pinsan ni Sir Jed o babae. Pambihira ka naman Dashnielle," halos bulong niya sa sarili.

Muling siyang kumatok. "Ahm, pinsan ni Sir Jed, nandito na po iyong lugaw na pinapabigay ni Sir sa inyo. Mas maganda po kung makakain niyo ito habang mainit pa," dire-diretso niyang sabi.

Walang tumutugon sa kabilang dako ng pintuan kaya naman mas inilapit pa niya ang mukha sa pinto at muli siyang nagsalita.

"Hello po! Whoohoo..." halos nakasandal na siya sa pintuan ng kuwarto. "Buksan niyo na po itong pinto at lalamig na talaga 'tong lugaw. Mawawalan na po ito ng bisa. Sayang naman po---Ay!" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang bigla na lang magbukas ang pinto. Inaasahan niyang mapapasubsob siya sa sahig ngunit hindi iyon ang nangyari. Sa halip na sa sahig siya bumagsak ay isang matipunong dibdib ang sumalo sa kanya. Hindi kaagad siya nakapag-react sa nangyari. Lalaki siya!

"What do you think you're doing?" The man's voice was low having a trace of huskiness. Lalo siyang natigilan. Isa lang ang taong kilala niya na may ganoong boses. Ang boses na dalawang linggo na niyang hindi naririnig. Unti-unti siyang nag-angat ng paningin at doon siya sinalubong ng isang napakaguwapong mukha.

Si Sir Jeighcob ang pinsan ni Sir Jed!?

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Coffee FateWhere stories live. Discover now