CHAPTER 8

96 14 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Dashnielle na pinsan pala ng Sir Jed niya ang Jeighcob na ito. Hindi naman kasi ito nabanggit sa kanya ni minsan ng dalawang luka-luka niyang kaibigan.

"Wala ka bang balak umalis diyan? Mahina pa ang katawan ko, baka tuluyan na tayong tumumba rito." Tsaka lang siya natauhan nang magsalita ito. Mabilis siyang kumilos at humiwalay sa binata.

"P-Pasenya na po," naiilang na sagot niya. Ngayon na lang din niya ito muling nakita. Ibang-iba ang itsura nito sa nakasanayan na niyang makita sa shop. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at jersey shorts. Medyo magulo ang buhok nito at maputla rin ang mukha. Halata ngang may sakit ito. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Aminado naman siya roon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya.

"A-Ano po kasi... Pinakiusapan po ako ni Sir Jed na dalhin sa inyo itong lugaw. May sakit daw kasi kayo," paliwanag niya.

"Bakit hindi siya ang nagdala?" muling tanong nito.

"May urgent meeting daw po kasi siya."

"Bakit ikaw ang nagdala?" seryoso pa ring tanong nito.

Paulit-ulit? Pinakiusapan nga kasi ako ni Sir Jed! Ang gulo naman ng isang 'to!

"Kasi nga ho, nakiusap ho sa ak---"

"Dito." Maikling wika nito.

"Ha?" Naguguluhang tanong niya.

Unti-unti itong lumapit sa kanya. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito," diniinan nito ang bigkas sa salitang 'dito', "sa kwarto ko? Usually kapag may ipinapabigay sa akin, hanggang sa labas lang sila ng bahay. Si Manang na ang kumukuha noon. Bakit ikaw ang nagdala niyan rito imbes na si Manang?"

Kinabahan siya sa tanong nito. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Iniisip siguro nito na may masama siyang balak. Ang mas ikinakakaba pa niya ay sobrang lapit na nito sa kanya. Sinubukan niyang umatras ngunit malas niya sapagkat pinto na ang naatrasan niya. Letse! Kailan pa sumara ang pintong ito!?

"Ano na?" muli na namang tanong nito. Malalagutan na yata siya ng hininga dahil sa talim ng tingin nito.

"N-N-Nakiusap din po kasi sa 'kin iyong m-matanda kanina na kung p-pwede raw ay bantayan ko muna kayo habang bumibili siya ng g-gamot niyo. Pinatuloy na rin niya ako rito sa loob p-para ibigay sa inyo itong lugaw," pautal-utal na wika niya. Mukhang mauubusan na siya ng oxygen.

"Hmm." Mukhang nakumbinsi naman ito sa kanyang paliwanag ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi pa rin ito lumalayo. Unti-unti itong yumuko at mayamaya pa'y hawak na nito ang paper bag na pinaglalagyan ng lugaw.

"Makakaalis ka na. You don't have to look after me because I can take care of myself." Binuksan nito ang pinto at iginiya siya palabas ng kwarto.

"Pero Sir---" Sa ikalawang pagkakataon ay naudlot na naman ang kanyang sasabihin nang pagsaraduhan siya nito ng pinto.

Bahala kayo! Ako na nga itong nagmamalasakit sa inyo! Paghihimutok niya sa isip.

Bumaba na siya sa hagdan at handa nang lumabas ng bahay nang may marinig siyang kumalabog sa taas. Mukhang nagmula iyon sa kwarto ni Jeighcob.

"A-Ano kayang nangyari dun?" nag-aalalang tanong niya sa sarili. Iniisip niya kung pupuntahan niya iyon o hindi. "Pero sabi naman niya kaya na raw niya ang sarili niya eh. Tss. Bahala siya."

Bubuksan na sana niya ang pinto nang muling matigilan.

"Napakabait mo talaga Dash!" Pagkatapos sambitin iyon ay nagmadali siyang umakyat at nagtungo sa silid ng binata. Kapag may nangyaring masama rito, siguradong siya ang malalagot. Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto at nabigla siya sa kanyang nadatnan. Nagkalat ang lugaw sa sahig pati na rin ang lalagyan nito. Nagsuka ba 'to?

Coffee FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon