CHAPTER 18

64 4 2
                                    

Ilang minuto na lang at mag-oout na sina Dashnielle sa shop kaya naman tinapos na nila ang mga kailangan nilang tapusin at saka nagtungo sa locker room upang mag-ayos ng sarili. Dumating na rin naman ang iba nilang ka-trabaho na papalit sa kanila. Matapos makapagpaalam sa kanilang boss ay lumabas na rin sila ng shop.

"Huy, una na ako sa inyo ha. May kailangan pa kasi akong bilhin eh. Ingat kayo," paalam sa kanila ni Acky.

"Wait... may kailangan din kasi akong bilhin eh. Sabay na ako sa 'yo," ani Khlea.

"Sige ba. Ikaw Dash? Sama ka?" baling sa kanya ni Acky.

"Naku hindi na. Magagastusan lang ako kapag napadaan ako sa turo-turo," natatawang wika niya.

"Haha. Sige. Kitakits na lang bukas! Ingat ka."

Tinanguan niya ang mga ito, "Ingat din kayo!" Tsaka sila naghiwalay ng landas.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo at nakakalabas ng village nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Dashnielle!"

Napahinto siya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon na karirinig lang niya kaninang umaga. Nilingon niya ang tumawag.

Zen?

Nakangiti itong lumapit sa kanya. "A-Anong ginagawa mo rito?" aniya.

"Hinihintay kita," anito.

Ako? Bakit naman kaya?

"Bakit?" 

Alinlangan itong ngumiti. "Gusto sana kitang makausap. Ahm... can I invite you for a cup of coffee?"

Napataas ang kanyang dalawang kilay. Usap? Coffee? "Ah... Zen, sa coffee shop ako nagtatrabaho. Kalalabas ko nga lang eh." Immune na immune na rin siya sa amoy ng mamahaling kape.

Napakamot ito sa ulo. "Sa ibang coffee shop?" alok pa nito.

Napatawa na lang siya sa pangungulit nito. "Loyal ako sa Coffee Haven eh. Tsaka pwede naman tayong mag-usap kahit walang iniinom na kape."

"Sabi ko nga," pilit ang ngiti na wika nito.

Medyo nakonsensiya naman siya. Luminga-linga na lang siya sa paligid, naghahanap kung saan sila pwedeng mag-usap. May mga benches naman sa village na iyon na pwedeng tambayan.

"A-Ah, dun na lang tayo," naiilang na yaya niya rito. Nakangiti naman itong tumango sa kanya. Nang makarating sila sa isang bench ay umupo kaagad siya.

"Tungkol saan ba ang gus---" Hindi niya iyon naituloy nang biglang magsalita si Zen.

"Wait lang ha. I'll be right back," anito at nagmamadaling umalis. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang pumasok sa Coffee Haven.

"Hindi ba siya makakapagsalita nang walang kape? Masarap naman talaga ang kape namin eh. Medyo may kamahalan nga lang," sambit niya sa sarili.

Mayamaya pa'y bumalik na ito at tulad ng kanyang hinala ay may dala nga itong dalawang kape. Iniabot nito ang isa sa kanya.

"Hindi ka rin talaga nakatiis eh 'no?" wika niya nang tanggapin niya ito. "Salamat." Malapad itong ngumiti at saka umupo sa tabi niya. "Bale, tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"

She heard him sighed. "I want to say sorry for what happened this morning," mahinang usal nito.

Siya naman ang napagbuntung-hininga. "Aaminin ko na medyo na-badtrip talaga ako dun sa nangyari. Ipatawag niyo ba naman ako tapos pagdating ko dun, wala naman pala kayong sasabihin. Well, hindi naman ganoon nasayang ang oras ko pero siyempre, abala pa rin 'yon. Tapos mukhang nang-ti-trip lang naman kayo ng kasama mo."

Coffee FateWhere stories live. Discover now