CHAPTER 16

82 6 0
                                    

Nakuha na lahat ni Dashnielle ang kanyang mga kailangang bilhin kaya nagdesisyon na siyang pumila sa cashier. Nadatnan niya roon si Jeighcob na pinakahuli sa tatlong customers na nakapila roon, kabilang na ito. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit wala na itong kasunod na customer at pawang sa magkabilang cashier na katabi ng kinapipilahan nito nakapila ang imga customers na karamihan ay mga babae. Kapag tiningnan ito, napapag-gitnaan ang cashier na kinapipilahan ni Jeighcob ng dalawa pang cashier na halos magkasing-pantay na ang haba ng pila ng customers.

Anong nangyayari dito?

Nilapitan niya ang isang babaeng customer na nasa pinakahuli ng pila sa cashier na nasa kaliwa ng kinapipilahan ni Jeighcob. "Ate, excuse lang po. Bakit po dito kayo nakapila eh wala na pong nakasunod dun sa lalaki?" tanong niya rito at itinuro si Jeighcob na medyo naka-side sa kanila.

Napa-umis ang babae. "Eh kasi kapag dun kami pumila, hindi namin siya mapapagmasdan kasi nga nasa likod niya kami. Eh kapag dito kami pumila, kitang-kita namin ang napakaguwapo niyang mukha," impit pa itong tumili.

Na-speechless na lang siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na nagtitiis ang mga ito sa mahabang pila para lamang mapagmasdan si Jeighcob. Nang tingnan niya ang ibang customers, titig na titig din ang mga ito sa lalaki. Ang iba ay parang kinikilig pa.

"Kaya lang..." muling nagsalita ang babae, "may pagkasuplado yata si Pogi."

"Paano niyo po nasabi?" nagtatakang tanong naman niya.

"Kanina yata, may pipila sana sa likod nun. Tapos sabi raw nung lalaki, sa ibang cashier na lang daw pumila kasi may hinihintay daw siya. Natakot ata yung babaeng customer kaya hindi na dun pumila," mahabang paliwanag nito.

Nagulat naman siya sa sinabi nito. Wow! Feeling boss ah! Sino naman kayang hinihintay nun? May iba pa pala siyang kasama? Akala niya kasi ay mag-isa lang ito.

Naisipan na rin niyang pumila sa likod ng babae. Gustuhin man niyang pumila sa kinaroroonan ni Jeighcob ay hindi naman niya magawa dahil siguradong pagtitinginan lang siya ng mga tao roon. Siya lang kasi ang maglalakas-loob na pumila roon kung sakali. Mayamaya pa'y napansin niya na palingon-lingon si Jeighcob na para bang may hinahanap ito.

Hindi pa siguro dumarating yung kasama niya.

Nang mapadako ang tingin nito sa kanya ay saglit siyang natigilan. Sigurado siyang sa kanya ito nakatingin. Ilang sandali pa'y naglakad na ito palapit sa kanya.

"Bakit diyan ka nakapila? Kita mo nang mahaba ang pila diyan. Tara dun." Walang anu-ano'y hinila nito ang cart niya papunta sa cashier kung saan ito nakapila. Pinigilan niya ang cart.

"Teka! Teka!" pigil niya rito.

"What?" seryosong tanong nito.

"Akala ko ba may hinihintay ka? Dito na lang ako pipila. Nakakahiya sa ibang customers, kanina pa silang nakapila tapos mauuna pa ako."

"Sino bang nagsabi sa kanila na diyan sila pumila?" inosenteng tanong nito. May alzheimer's ba ang isang 'to?

"Ikaw! Tinarayan mo nga raw yung isang customer kanina eh. Sabi mo, sa ibang cashier na lang siya pumila kasi nga may hinihintay ka pa."

"Sinabi ko ba 'yon?" napapaisip na tanong nito. "Sinabi ko lang na may hinihintay ako. Wala naman akong sinabi na lumipat siya ng ibang cashier. Baka na-misinterpret lang niya ang sinabi ko," depensa nito.

Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Sino ba kasing hinihintay mo?" curious na tanong niya.

"You. I was waiting for you," wika nito na ikinagulat naman niya.

Coffee FateWhere stories live. Discover now