CHAPTER 1

192 19 2
                                    

Lakad-takbo ang ginagawa ni Dashnielle sapagkat late na siya sa kanyang trabaho. Napalipat kasi ang shift niya sa pang-umaga dahil naka-vacation leave ang isa niyang katrabaho. Mas nasanay siya na hapon na nagigising sapagkat sa umaga lang siya nakakabawi ng tulog. Isang buwan na ang nakakalipas mula nang magsimula siyang magtrabaho sa Coffee Haven, isa sa pinakasikat at successful na business establishments sa Waterbury Parks and Garden. Isa iyong village kung saan naglalakihang bahay at iba't ibang establisyimento ang matatagpuan. Halos lahat ng mga dumarayo roon ay mayayaman at talagang may sinasabi sa buhay.

Napatigil siya sa tapat ng bakery kung saan malimit siyang bumili ng kape sa vending machine doon. Pinag-iisipan niya kung bibili siya ng kape o hindi dahil baka lalo lang siyang ma-late. Sa huli ay bumili na rin siya dahil hindi talaga niya matiis ang aroma ng kape lalo pa't kasalukuyang umiinom ang tricycle driver na nakaupo doon. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang paglalakad habang paunti-unting iniinom ang binili niyang kape.

Maya-maya pa'y biglang tumunog ang kanyang cellphone at hindi niya alam kung paano niya iyon kukunin sa kanyang bag lalo pa't may hawak siyang kape sa isa niyang kamay. Patuloy pa rin siya sa paglalakad habang hindi magkaintindihan kung paano niya kukunin ang cellphone nang biglang tumapon sa kamay niya ang kapeng hawak niya. Batid niyang hindi sa kanya bumuhos ang buong laman ng baso nang mabangga siya sa kung ano. Laking gulat niya ng isang matangkad na lalaki ang nasa harapan niya at matalim ang tingin sa kanya. Mas ikinagulat pa niya nang makitang may marka ng bumuhos na kape sa puting puting polo na suot nito. Naku po!

"What the heck did you do!?" batid ang iritasyon at galit sa tono nito.

"Naku pasensya na ho kayo. Hindi ko ho sinasadya. Pasensya na talaga." Hindi niya alam kung paano hihingi ng pasensya sa lalaking ito na nagmamay-ari yata ng lahat ng laundry detergents sa buong mundo dahil sa sobrang kaputian ng suot nitong polo.

"May magagawa ba ang sorry mo? Maaalis ba niyan ang mantsa dito sa polo ko?" Matalim pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Hindi naman ho iyan magmamantsa agad. Maaalis ho iyan kapag nilabhan." Halos pabulong niyang sabi.

"So paglalabahin mo pa ako bago ako pumunta sa meeting na pupuntahan ko?" May halong sarkasmong tugon nito.

"Hindi naman ho sa ganon. May hinahanap lang ho kasi ako sa bag ko kaya hindi ako nakapagfocus sa daan. Dapat ho umiwas kayo nung alam niyong mababangga ko kayo."

"Now it's my fault? Is that what you're trying to say?"

"Wala naman ho akong sinabing ganon."

"You're the one who weren't looking on your way."

"Iyon na nga ho. Aminado naman ho ako na di ako nakatingin sa daan kanina kaya tayo nagkabanggaan. Eh kayo ho, nakatingin ba kayo?"

"What!?" Mukhang nawawalan na talaga ito ng pasensya.

"Kasi ho Mister, kung nakatingin kayo sa dinaraanan niyo, makikita niyo rin na mababangga ko kayo. Kapag ganun, siyempre kayo na mismo ang iiwas para 'di mabangga ng mga taong hindi nagfofocus sa daan na katulad ko. Lalo pa't may dala ako kape," pangangatwiran niya. Alam niya na may kasalanan talaga siya. Pero may point pa rin naman siya kahit papaano.

Nababahala na siya dahil ang sama na talaga ng tingin sa kanya ng lalaki. Baka mamaya ay bigla na lang itong maubusan ng pasensya at kung anong gawin sa kanya. Pero mukha naman siyang harmless. Naisaisip niya.

Ngunit ang mas ikinababahala niya ay ang oras. Late na talaga siya sa trabaho niya. Lunes pa naman ngayon at siguradong maraming customers sa shop.

"Unbelievable. Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon eh ako na nga itong naperwisyo mo?"

Mukhang di naman matatapos ang usaping ito. Nag-isip si Dashnielle ng paraan kung paano maaareglo ang sitwasyong iyon. Siya na ang handang magpakumbaba nang may mamataan siyang taxi na walang lulan na pasahero. Kanina pa kasi siyang nag-aabang ng taxi para makarating na kaagad siya sa shop. Agad niya iyong pinara at iniwan ang lalaking ka-argumento niya kanina. Halata namang nabigla ang lalaki sa bilis ng kanyang ginawang pagkilos kaya huli na para mapigilan pa siya nito.

"Hey! Where are you going!? We're not yet done here!" sigaw ng lalaki na tuluyan nang naubusan ng pasensya sa kanya.

"Pasensya na talaga Mister! Mas mahalaga ho sa akin ang oras at trabaho ko! Labhan niyo na lang ho iyang polo niyo! Kaunting clorox lang ho tanggal na agad 'yang marka ng kape diyan! Have a nice day ahead!" Sigaw niya rin dito habang nakadungaw siya sa bintana ng taxi at kumaway-kaway pa rito. Kitang-kita niya ang paglukot ng mukha nito na kung naglalabas lang ng bomba ang mga mata nito ay kanina pa sigurong sumabog ang sinasakyan niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na niya natanaw pa ang pigura ng lalaki, patunay lamang na natakasan na niya ito. Tanggap naman niya na may kasalanan siya. Sa ngayon, mas importante sa kanya ang makarating kaagad sa shop upang hindi magkaroon ng bad impression ang boss niya sa kanya. Pinapanalangin din niya na huwag na sanang magkrus pang muli ang landas nila ng lalaking natapunan niya ng kape.

Dapat kasi hindi na talaga ako bumili ng kape kanina eh! Tanging nasambit na lang niya sa sarili.

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Coffee FateWhere stories live. Discover now