CHAPTER 12

77 9 0
                                    

Kararating lang ni Dashnielle sa Coffee Haven kung saan doon sila tatagpuin ng Sir Jed nila papunta sa bahay ni Zen. Nadatnan niya roon sina Acky at Khlea na pawang nakatingin lamang sa kawalan.

"Huy, ayos lang ba kayo?" untag niya sa dalawa. Slow motion naman siyang nilingon ng mga ito. Ano bang nangyari sa dalawang 'to?

"Dash, sa tingin mo, kailangan pa ba nating tumuloy doon sa party? May oras pa naman tayo para magback-out," nanlulumong wika ni Khlea.

Nagtataka siya sa ikinikilos ng mga ito. "T-Teka nga. Ano bang nangyari sa inyo, ha?"

Nagsalita si Acky. "Habang naghihintay kasi kami rito, may mga dumaan nang ilang sasakyan at kung hindi kami nagkakamali, ang mga nakasakay doon ay mga bisita rin siguro sa party ni Sir Zen." Nabanggit din kasi ng boss nila na sa village lang din na iyon nakatira si Zen, pati na rin ang iba nitong mga kaibigan, kabilang na si Jeighcob. "Kung makikita mo lang ang mga suot nila, grabe! Parang a-attend ng star magic ball," dagdag pa nito.

"True! Eh tayo, kamusta naman?" wika ni Khlea tsaka pinasadahan ng tingin ang sariling suot. Siya man ay napatingin din sa suot niya. Wala ni isa man sa kanilang tatlo ang naka-dress, high heels, o ano pang accessories. They were just wearing jeans, simple shirts and sneakers. Wala rin kasing kinahantungan ang pagpunta nila ni Acky sa mall. "Baka naman tini-trip lang tayo ni Sir Jed sa sinabi niya?" mayamaya'y sambit pa nito.

Naalala naman niya ang naging pag-uusap nila at ng boss nila sa telepono.

"Hello?" sambit ng boss nila.

"Sir Jed? Si Dashnielle po ito."

"O Dash, bakit ka napatawag?"

"Ah, eh Sir, hanggang ngayon po kasi hindi pa rin namin malaman kung anong isusuot namin bukas sa party ni Sir Zen. Kailangan po ba naming mag-dress?" hindi na niya napigilang itanong dito.

Tumawa ito. "Not necessarily. Sabi ko naman sa inyo, kung saan kayo mas kumportable, iyon ang isuot niyo. Ako nga baka mag-polo shirt lang tsaka jeans. Pero parang mas gusto kong mag-khaki shorts na lang," natatawang usal nito.

"Talaga Sir? Ganoon lang ka-simple ang isusuot niyo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo nga. Kung gusto niyo magpantalon at t-shirt na lang din kayo para di na kayo mahirapan mag-isip."

"Sige Sir! Thank you. Kitakits na lang po bukas. Bye!" nagpaalam na siya rito tsaka tinapos ang tawag.

Napaisip din siya sa sinabi ni Khlea. Pero hindi naman siguro sila lolokohin ng boss nila.

"Naku! Kapag iyang si Sir Jed naka-tuxedo, isasakal ko sa kanya 'yong kurbata niya," nagbibirong wika ni Acky.

"Sira-ulo," saway niya rito.

Mayamaya pa'y namataan na nila ang sasakyan ng boss nila. Kung sakali man nga na magarbo ang suot nito, siya na mismo ang hihila sa dalawa niyang kaibigan at uuwi na lang sila kaysa pumunta sa party'ng iyon.

Tumigil ang sasakyan nito at bumaba roon ang boss nila. Halos lumuwa na ang mga mata nila nang makita nila ito.

"S-Sir Jed?" gulat na gulat pa ring tawag niya rito.

"Oh hi! Sorry medyo natagalan ako," paumanhin nito. Pinasadahan nila ng tingin ang suot nito. Tinotoo nga nito ang sinabi nito. Naka-khaki shorts lang ito at polo shirt. Party ba talaga ang pupuntahan namin o hiking camp?

"'Yan na po talaga ang suot niyo?" nawiwindang din na tanong ni Acky.

Humalakhak ito. "Oo naman! Sabi ko naman sa inyo, mas maganda 'pag simple. Ayoko ring masyadong nag-iisip ng isusuot. Nasisira ang beauty ko."

Coffee FateWhere stories live. Discover now