CHAPTER 11

85 12 0
                                    

Mag-aalas-siyete na nang gabi ngunit nasa Coffee Haven pa rin sina Dashnielle. Nakiusap kasi sa kanila ang Sir Jed nila na kung pwede ay mag-overtime muna sila upang makapaglinis ng shop. Dalawang araw daw kasi itong hindi makapagbubukas ng shop dahil may mga kailangan itong asikasuhin.

"Natapos din sa wakas," saad ni Acky.

"Naku, maraming salamat talaga sa inyo. Pasensya na kung biglaan itong pagpapalinis ko ha. Gusto ko lang talaga na maayos itong shop habang wala tayong pasok," nahihiyang usal ng boss nila.

"Ano ba kayo Sir Jed, wala ho iyon. Tsaka part naman po talaga ito ng trabaho namin," nakangiting wika naman niya rito.

Ngumiti ito. "Don't worry, bayad naman ang dalawang araw na wala kayong pasok."

Nagpasalamat sila rito. Napaka-considerate talaga ng boss nila. Akala niya noon ay matapang ito at istrikto. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikita na mabait pala ito at maalaga sa mga empleyado.

Pauwi na sina Dashnielle, Acky, at Khlea nang bigla silang tawagin ng Sir Jed nila. Lumapit sila rito.

"Bakit po Sir?" tanong ni Khlea.

"May nakalimutan kasi akong sabihin sa inyo," anito.

Nagtaka naman sila. "Ano po iyon?"

"Magbi-birthday kasi 'yong isa kong kaibigan. Eh gusto ko sana kayong isama." Ngumiti ito sa kanila.

"Naku Sir, nakakahiya naman," aniya.

"Hindi 'no. Tsaka kilala niyo naman si Zen, 'di ba? 'Yong regular customer natin?"

"Ay opo Sir! Iyong lagi ring kasama ni Sir Jeighcob?" masiglang wika ni Khlea.

"Oo 'yon nga. Birthday niya sa Sabado. Eh sabi niya magsama na rin daw ako ng mga empleyado ko. Kaya naisip kong isama kayong tatlo tutal kayo naman ang pinakamasisipag kong employees."

Nabigla silang tatlo. Nakaka-flattered naman 'tong si Sir!

"Ah, eh okay lang po ba talaga na isama niyo kami?" medyo nag-aalinlangan pa rin na tanong niya.

"Oo naman! Basta usapan na 'yon ha. Dito na tayo magkita sa shop, siguro mga 5:30pm. Gabi pa kasi ang party."

"Eh Sir..." mayamaya'y singit ni Acky.

"Bakit?" baling naman ng boss nila rito.

"May dress code po ba ang party na 'yon?"

Napaisip din siya na tanong ni Acky. Paano nga kung may dress code dun? Baka wala siyang maisuot kapag bonggahan ang required na kasuotan sa party na iyon.

"Hmm, wala namang nabanggit si Zen. Smart casual attire lang siguro. Basta kung ano ang mas kumportableng suotin para sa inyo, iyon ang isuot niyo. Besides, sa'ming magkakaibigan, walang maseselan. The simpler, the better," nakangiting wika ulit nito.

Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti naman kung gano'n.

"Sige na, baka gabihin pa kayo sa daan. Ingat kayo. See you on Saturday!" muling usal ng Sir Jed nila at nagpaalam na sa kanila.

Nang makarating sa bahay ay saka lang napag-isipang mabuti ni Dashnielle ang invitation ng Sir Jed nila.

"Bakit ba ako naka-oo sa imbitasyon ni Sir?" sambit niya sa sarili. Si Zen ang magbi-birthday at kaibigan pala ito ng boss niya. Pinsan ng boss niya si Jeighcob at kaibigan din ni Jeighcob si Zen. Kaya walang kaduda-duda na makikita niya si Jeighcob sa party'ng iyon. Tsk.

*****

Naabala ang mahimbing na pagtulog ni Dashnielle nang umagang iyon dahil sa walang humpay na pagri-ring ng kanyang cellphone. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata nang sagutin niya ang tawag.

Coffee FateWhere stories live. Discover now