CHAPTER 10

107 17 0
                                    

Balot na balot ng kumot si Dashnielle habang nakaupo siya sa sofa sa sala nila. Inaasahan na niya na magkakasakit siya nang suungin niya ang malakas na ulan kahapon nang wala man lang ka-payong-payong.

"Ha-Hachooo!" Parang tumitibok ang ulo niya sa sobrang sakit.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang tigas kasi ng ulo mo. Paulit-ulit ko nang pinaalala sa 'yo ang payong mo kahapon, kinalimutan mo pa ring dalhin," sermon ng kanyang ina.

Ang totoo ay ayos lang naman kahit wala siyang dalang payong dahil malimit namang may spare na payong sa coffee shop. Ang problema lang talaga ay hindi inaasahang napapunta siya sa bahay ni Jeighcob at doon inabot ng malakas na ulan.

"Ang lamig," sambit niya. Mas ibinalot pa niya sa kanyang katawan ang makapal na kumot.

"Bakit ba kasi bumaba ka pa? Dapat doon ka na lang nahiga sa kwarto mo," wika ng kanyang ina.

"Ayoko dun. Pakiramdam ko lalo akong lalagnatin kapag humiga lang ako maghapon," ani niya.

"O siya, hintayin lang nating kumulo itong tubig para makapag-kape ka. Hintayin lang din natin ang kapatid mo."

"Bakit ang tagal naman ng isang 'yon? Kinakain na siguro non ang tinapay sa daan." Lumabas kasi si Buknoy upang bumili ng tinapay.

"O ayan na pala siya. Bakit ngayon ka lang?" tanong ng kanyang ina kay Buknoy.

"Marami po kasing bumibili doon sa bakery," sagot ng kapatid niya. "Siya nga pala, may naghahanap sa 'yo Ate," dagdag pa nito.

"At sino nama---" For the nth time, she was forced to cut off her dialogue when she had her eyes focused on the man who just entered the house.

"S-Sir Jeighcob? A-Ano pong ginagawa niyo rito?" Anong ginagawa nito sa bahay nila? Paano nito nalaman kung saan siya nakatira? Wala na ba itong sakit? Marami siyang katanungan ngunit hindi niya maisa-tinig dahil pa rin sa labis na pagkabigla.

Hindi siya nito sinagot at sa halip ay binalingan ang kanyang ina.

"Good morning po Ma'am. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko rito. I've heard that your daughter is sick kaya naisipan ko po siyang dalawin." wika ni Jeighcob.

Dalawin? Natigilan siya. Seryoso ba ito? Saan naman kaya nito nalaman na may sakit siya? Baka kina Acky.

"Ah ganon ba hijo? Salamat kung ganon. Ano nga palang pangalan mo?" tanong rito ng kanyang ina.

"Jeighcob po. Jeighcob Montecillo," magalang na sagot nito.

"Siya ba ang boss mo anak?" baling naman sa kanya ng ina niya.

"Ah p-parang ganon na nga po," pilit ang ngiti na sagot niya rito. Kapag sinabi niyang customer lamang ito, siguradong magtataka ang kanyang ina at kung anu-ano pang iisipin.

"Maupo ka muna hijo. Ipagtitimpla ko kayo ng kape." Nagtungo na ang kanyang ina sa kusina nila. Umupo na rin si Jeighcob sa upuan na katapat niya. Napansin naman niya na nakamasid sa kanila ang kapatid niyang si Buknoy.

"Buknoy, tulungan mo muna si Mama doon," utos niya rito. Sumunod naman agad ito. Tsaka niya binalingan ang kaharap.

"Wala na kayong sakit?" tanong niya rito.

"Wala na."

"Anong ginagawa niyo rito?" Kanina pa niya ito gustong itanong dito.

"I have something to tell you."

"Ano po 'yon?" Na-cu-curious na tanong niya.

Huminga ito nang malalim. "T-Thank you."

Nabigla siya. Nakapag-'thank you' na ito sa kanya kahapon kaya hindi niya inaasahang magpapasalamat ulit ito sa kanya ngayon.

Coffee FateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ