CHAPTER 20

26 0 0
                                    

Habang nag-aasikaso ng mga customers ay hindi maiwasan ni Dashnielle na ma-distract sa malakas na tawanang nagmumula sa table nina Zen, Calvin, at Jiro. Maging ang ibang customers na naroon ay napapatingin din sa mga ito. Ang iba ay mukhang natatawa rin sa mga ito, habang ang iba naman ay mukhang naaabala talaga sa ingay ng mga ito. Bago pa tuluyang may ibang makapuna, ay siya na mismo ang kusang lumapit sa tatlo.

"Ah... mga Sir. Naiintindihan ko ho kung sobrang saya niyo ngayong araw. Pero baka naman ho pwede niyong hinaan nang kaunti ang tawanan ninyo. Nakakaabala na po kasi sa ibang customers eh," nahihiyang pakiusap niya sa mga ito.

"Oh! We're very sorry. Ito kasing si Zen puro kalokohan. Pasensya na talaga, Dash," wika naman ni Jiro. Bakas din dito na nahihiya rin ito sa inasal nilang tatlo.

Muling tumawa si Zen. "At ako pa talaga ang sinisi mo, Seijiro? Ibabalik kita sa Hapon eh. Hahaha!"

Sira-ulo talaga 'tong si Zen. Napabuntung-hininga na lamang siya.

"Hindi ko naman ho hinahadlangan ang kasiyahan ninyo. Basta ho, medyo hinaan niyo lang para naman ho hindi maabala yung ibang customers." Pilit siyang ngumiti sa mga ito.

"Yosh! Sorry Dashnielle. We'll behave na," ani Zen sabay kindat.

"Pasensya na rin Dash," saad naman ni Calvin.

Mukhang sincere naman ang paghingi ng paumanhin ng mga ito kaya tinanggap na rin niya ang mga iyon.

"Ayos na ho iyon. Pasensya na rin ho kung kinailangan ko pa kayong pakiusapan tungkol dito."

"It's okay. It's our bad. Good thing na sinabihan mo rin kami para alam din namin ang mga limitations namin," nakangiting-wika naman ni Jiro.

Ginantihan din niya ng ngiti ang mga ito tsaka muling binalikan ang ginagawa. Habang patuloy sa pag-aasikaso sa mga orders ng customers ay hindi pa rin niya maiwasang mapatingin sa tatlo. Hindi dahil sa maiingay pa rin ang mga ito, kundi dahil kulang ang mga ito ng isa.

Si Jeighcob.

She shook her head. Kung anu-ano na namang naiisip niya. Mag-iisang linggo na rin sigurong hindi nalalagi sa shop nila ang binatilyo. Nabanggit ni Zen sa kanya na umuwi raw si Jeighcob sa bahay nito sa Bulacan marahil ay upang magbakasyon at makasama ang pamilya nito. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit malimit pumunta si Zen sa shop nila, minsan may kasama pero malimit ay solo flight. Wala raw kasi itong matatambayan dahil wala si Jeighcob.

Mayamaya pa'y nagsitayuan na ang tatlo at handa nang umalis.

"Thank you Sir! Come again!" paalam ni Khlea sa mga ito.

"You really mean it?" pahabol na wika naman ni Calvin. Inaasar na naman si Khlea.

"Para kina Sir Zen at Sir Jiro lang talaga 'yon. 'Wag kang feeling," sagot naman nito.

"Is that how you treat a customer?" he smirked.

"Sa iba naman hindi. Sa'yo lang ata," nginisian ito ni Khlea.

Hindi na humirit pa ang binata at nauna nang lumabas ng shop. Natatawa namang umiling si Khlea na para bang ito na naman ang nanalo sa asaran nito at ni Calvin.

"You two are really cute," ani naman ni Zen. "We'll go ahead," pamamaalam nito bago tuluyang lisanin ang coffee shop.

Nilapitan siya ng dalawa niyang kaibigan. Nabawasan na rin ang bilang ng mga customers kaya hindi na rin sila masyadong busy.

"Nararamdaman niyo ba 'yon? Parang biglang nangibabaw ang kapayapaan," wika ni Acky habang nakapikit waring damang-dama ang sinasabi.

"Ha?" sabay na wika nila ni Khlea.

Coffee FateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz