CHAPTER 2

119 16 0
                                    

Dali-daling bumaba ng sasakyan si Dashnielle at mabilis na pumasok sa Coffee Haven. 'Gaya ng inaasahan ay puno na agad ang shop dahil sa dami ng customers. Karamihan sa mga ito ay mga estudyante ng Waterbury International School na malapit lang din sa village na iyon. Agad siyang dumiretso sa locker room upang magpalit ng uniform nila roon.

"Hoy! Bakit ngayon ka lang ha?" Gulat na nilingon ni Dashnielle ang nagsalita. Laking-tuwa niya nang ang kanyang kaibigan na si Acky lang pala iyon.

"Acky naman! Akala ko si Sir Jed na." Ugali talaga nito na basta siya ginugulat.

Hinampas siya nito sa balikat. "At kailan ko pa naging kaboses si Sir Jed ha?" Binabae kasi ang boss nila. Bekilush!

"Ngayon lang. Parang kamukha mo na nga rin eh." Nginisian niya ito.

"Ah ganun? Isumbong kaya kita na late ka ngayon?" hamon nito sa kanya.

"Ito naman. Binibiro lang kita."

"Tse! O eh bakit ka nga late?"

"Medyo tinanghali kasi ako ng gising."

"Wow! 'Medyo' tinanghali ka pa nang lagay na yan ha? Mag-iisang oras ka nang late Dash."

Tiningnan niya ang wall clock sa locker room nila. Oo nga! Mag-aalas nuebe na pala eh 8 o'clock ang call time nila.

"Si Sir Jed ba nandiyan na?" tanong niya kay Acky.

"Suwerte mo, mamaya pang hapon ang dating niya. May business meeting daw kasi siyang pupuntahan."

Bakit puro may meeting yata ang mga tao ngayon? Pero mabuti na rin yon. Ayaw pa naman ng boss nila sa mga taong late.

"Ano na? Bakit ka late?"

"May nangyari kasi eh," usal niya.

"Ha? Sino yan? Pananagutan ka raw ba?"

"Sira! Hindi ganun. Ibig kong sabihin may nangyari bago ako pumunta rito." Bigla niyang naalala ang nangyari kanina.

"Ano? Ano? Kuwento mo na. Bilis!"

At kinuwento nga niya rito kung paanong ang limang pisong kape na binili niya sa vending machine kanina ay nagresulta sa isang insidenteng sangkot ang estrangherong lalaking iyon.

"Grabe ka. Kawawa naman yung lalaki. Siguradong medyo mainit pa yung kape mo na tumapon sa kanya."

"Eh hindi ko nga kasi sinasadya. Tsaka may kasalanan din siya dun kasi sigurado akong hindi rin siya nakatingin sa dinaraanan niya kaya nagkabanggaan kami. Ayaw lang niyang aminin."

"Eh mas dehado pa rin siya. Halos sa kanya tumapon yung kape mo eh. Napaso na nga, nadumihan pa ang damit. Tsk," pangungunsensiya pa ni Acky.

"Oo na nga. Inaamin ko naman na kasalanan ko. Tsaka nagsorry naman ako dun sa lalaki."

"Ano bang itsura ng lalaking iyon?

"Matangkad."

"Itsura ang tinatanong ko hindi height. Guwapo ba?" usisa ng kaibigan niya.

Inaalala niya ang mukha ng binata. Sa katunayan, hindi niya ito masyadong napagmasdan dahil natatakot siyang tingnan ito. Baka kasi bigla na lang siyang suwagin nito dahil sa sobrang kainisan sa nagawa niya.

"Mukhang guwapo," aniya.

"Mukhang guwapo? Ano naman yun?"

"Di ko kasi masyadong natingnan ang mukha niya eh."

"Anubayan! Wala ka talagang mai-co-contribute para sa kaligayahan ng mga kabaro mo. Ni hindi mo man lang ma-distinguish ang tunay na kaguwapuhan."

Nagsentimiyento na naman ang lukaret niyang kaibigan.

"Pero maputi," biglang saad niya.

"Maputi? Talaga? Ganyan ang mga tipo ko eh. Yung matatangkad na mapuputi." Medyo kinikilig pa nitong sabi.

"Oo maputi. Sobrang puti nung polo niya. Dun talaga ako nakonsensiya eh. Mukhang sampung beses sinabon sa sobrang kaputian." Paano kaya maglaba ng ganun kaputi? Na-curious tuloy siya bigla kung paano ito maglaba.

"Ay ewan ko sa iyong babae ka! Mababaliw na ako sa iyo! Sobrang layo ng mga sagot mo sa mga tanong ko." Napasabunot na lang sa buhok si Acky waring masisiraan na ng bait sa pakikipag-usap sa kanya. Natawa na lang siya sa inasta ng kaibigan.

"Aba aba aba. At nandito ka na pala ni hindi ka man lang nagpakita sa akin." Singit ng isa pa niyang kaibigan at katrabaho na si Khlea.

"Akala ko kasi nandiyan si Sir." Nginisian niya ito.

"Sus. Chikahan-to-the-max na naman kayo diyan. Di niyo man lang ako isali. Oy Dash, ikaw muna dun sa counter. Kanina pa kasi akong tinatawag ng kalikasan. Di lang ako makaalis dun kasi walang papalit sa akin. Ikaw muna dun ha. Ah!" Napahawak ito sa tiyan at dali-daling pumunta sa comfort room. Kawawa naman ito. Kanina pa palang nagpipigil.

Isinuot na ni Dashnielle ang kanyang visor cap na parte ng kanilang uniform at nagtungo sa counter. Hindi na kasingdami ng customers kanina ang customers ngayon. Marahil ay dahil may klase na ang ibang estudyanteng naroroon kanina.

"Thank you Ma'am!" Nakangiting saad niya sa ka-o-order lang na customer.

Her cap's fastener loosened at natatakpan nito ang kanyang mata kaya naman in-adjust niya iyon upang hindi lumaglag.

"Good Morning Sir! Welcome to Coffee Haven. What do you want to have Sir?" Bati niya sa customer na kaharap niya habang patuloy pa rin na inaayos ang kanyang sumbrero. Kahit na hindi pa niya nakikita ang customer ay batid niyang lalaki ito.

"What's good in the morning, huh?" the man asked sarcastically.

Nabigla siya sa tanong nito. Naayos na rin niya sa wakas ang kanyang sumbrero at laking gulat niya nang mapagtantong ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang mismong lalaking nakadama ng init ng kapeng binili niya kanina. Literal!

"A-Ah... H-Hello po S-Sir." Hindi niya alam kung anong sasabihin niya at kung paano ito haharapin. Nanlalamig na rin ang kamay niya at nagsisimula na rin siyang pagpawisan kahit na malakas ang aircon sa shop nila.

"Do you still remember me?" muling tanong nito.

Hindi siya nakasagot. Paulit-ulit na paglunok ang kanyang ginawa dahil sa sobrang kaba.

"It's impossible to forget someone you've met just an hour ago, don't you think so?" pagpapatuloy nito.

Tuluyan na yatang tumigil ang pag-function ng kanyang sistema. Ni hindi niya magawang makapagsalita nang maayos.

"You know this young lady, bro?"

Tsaka lang siya natauhan nang magsalita ang lalaking bigla na lang sumulpot sa likuran nito. May kasama pala ito.

"No," sagot nito at muli siyang binalingan. "Just serve us our usual order." Yun lamang at nagtungo na ang mga ito sa table malapit sa mini bookshelf ng kanilang shop. Usual? Ano namang alam ko sa usual order niyo?

"Ang guguwapo talaga nila 'no!? Kaya lagi akong inspired pumasok sa trabaho eh," sabi ng co-worker nila na si Mira.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Medyo naguluhan kasi siya sa sinabi nito. Paanong inspired?

"Ay oo nga pala. Panggabi ka noon kaya 'di mo masyadong nasisilayan ang mga nag-guguwapuhang nilalang na ito. Regular customers na sila rito lalo pa't malapit lang ito sa mga bahay nila." 

Regular customers!? Kung ganon, lagi itong pumupunta roon at posibleng lagi na rin niya itong makita?

No freakin' way!

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Coffee FateWhere stories live. Discover now