Prologue

22 1 0
                                    

PROLOGUE

Noong unang panahon may dalawang magkabilang mundo. Ito ay ang Paraiso kung saan naninirahan ang mga anghel at ang Impiyerno kung saan naghahari ang mga demonyo.

Sa Palasyo ng Paraiso ay may isang napakagandang prinsesa na nagngangalang Prinsesa Acesa, nagtataglay siya ng isang napakalakas na kapangyarihan. Mas lumalakas ito gamit ang kalikasan.

Sa Impiyerno naman namumuno si Master Devriyu. Isang demonyong nagtataglay ng malakas na kapangyarihan na nagmumula sa apoy.

Isang araw lumikha ng isang obra si Bathala. Tinawag niya itong daigdig. Lumikha siya ng mga simpleng nilalang, upang manirahan dito. Hindi niya binigyan ng kapangyarihan ang mga nilalang na tinawag niyang tao. Inatasan niya ang mga anghel, na proteksyonan ang daigdig.

Hindi nagtagal, nagkainteres ang mga demonyo sa daigdig. Nais nila itong sakupin at gawing alipin ang mga taong naninirahan dito.

Sinubukang proteksyonan ng mga anghel ang daigdig. Nagkaroon ng isang malaking digmaan sa pagitan ng mga anghel at demonyo. Doon nagkita sina Prinsesa Acesa at Master Devriyu. Dahil sa lakas ng puwersa ng mga anghel, isang paraan ang naisip ni Devriyu. Iyon ay ang dukutin ang prinsesa.

Sinadya niyang ipadala ang lahat ng kaniyang mga alagad, upang makuha ang atensyon ng mga anghel. Doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong ipadukot si Prinsesa Acesa.

Nang mawala ang Prisesa na nagtataglay ng shield ng daigdig. Nakapagpadala roon si Devriyu ng iba't ibang uri ng masasamang ispiritu, gaya ng mga itim na duwende, tikbalang, mga bampira, aswang, mananangal at iba pa.

Ikinulong niya si Prinsesa Acesa sa isang itim na hawla. Hindi pa siya nakuntento, walang awa niyang hinalay nang paulit-ulit ang prinsesa. Sa kasamaang palad, hindi ito nakalaban, dahil sa lakas ng kapangyarihang itim na nakapalibot sa hawla.

Humingi ng tulong ang mga anghel sa kanilang Hari at Reyna na noo'y nasa pangangalaga ni Bathala.

Pinagsama-sama ng mga anghel ang mas pinalakas nilang kapangyarihan, upang mabawi ang prinsesa. Ngunit huli na ang lahat, nagbunga ng kambal na supling ang paulit-ulit na panghahalay.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kapangyarihang itim lamang ang namana ng mga sanggol.

"Mahal na prinsesa ano pong gagawin natin? Ang mga sanggol ang makasisira sa ating Paraiso, kapag nanatili sila rito," wika ng isang anghel na nagngangalang Heira.

Hindi kayang patayin ng prinsesa ang kaniyang mga anak.

"Isa lang ang naiisip kong paraan, kailangang ipadala ko sila sa daigdig ng mga tao, bibigyan ko sila ng seal sa noo bilang proteksyon," malungkot na wika ng prinsesa.

Ang seal ay may kakayanang kontrolin ang paglabas ng itim na kapangyarihan ng dalawa. Gayunpaman, may posibilidad na maglaho ng unti-unti ang mga ito. Bagay na hindi na kayang kontrolin ng prinsesa, kapag ipinadala na ang dalawang sanggol sa daigdig.

"Ngunit mahal na prinsesa, malaking delubyo po ang idudulot nito sa daigdig, kapag nabura ang seal," nag-aalalang wika nang isa pang anghel na si Aire.

"Ito na ang pinakamadaling paraan, habang nasa daigdig sila ay makakapaghanda tayo. Mapapalakas pa natin ang ating mga kapangyarihan. Heira, Aire inaatasahan ko kayong maging tagapagbantay sa aking mga anak, wika ni Prinsesa Acesa.

Sinimulan ng prinsesa ang paglalagay ng seal sa unang sanggol na lumabas sa kaniya. At matagumpay niya itong nagawa.

Ngunit sa pangalawang sanggol...

"Ano pong problema, mahal na prinsesa?" tanong ni Aire.

"Masyadong malakas ang itim na kapangyarihan ng sanggol na ito. Maaari ko siyang lagyan ng seal, ngunit magiging malaking banta siya, kapag ipinadala ko na siya sa daigdig," pagbibigay alam ng prinsesa.

Kapag naipadala ang mga sanggol sa lupa ay magiging ganap na silang tao, mga normal na nilalang.

Magkakaroon sila ng iba't ibang emosyon, makakaramdam sila ng gutom, antok, limitadong lakas at iba pang katangian na mayroon ang isang tao.

"Kailangan n'yong bantayang mabuti ang mga batang ito," wika ng mahal na prinsesa.

"Lalong-lalo na ang sanggol na may mahinang seal, dahil kapag nakaramdam siya ng galit ay lalabas ang kaniyang kasamaan. Depende sa lebel ng kaniyang emosyon," pagbibigay impormasyon ng prinsesa.

"Masusunod po," sabay na pagsang-ayon ng dalawang anghel na ipadadala sa daigdig.

******
Iniwan nina Heira at Aire ang mga sanggol sa bato malapit sa ilog, kung saan kasalukuyang namamasyal ang mag-asawang Lena at Alfonso. Pagkatapos ay ginamit nila ang kanilang kapangyarihan, upang hindi sila makita ng mga ito.

"Uha... uha..."

"Mahal ko, naririnig mo ba 'yon? Parang iyak ng mga sanggol," nakangiting wika ni Lena.

Si Lena ay isang babae na pinagkaitan ng tadhana na magkaroon ng anak.

Sinundan nila ang boses ng mga sanggol, hanggang sa nakita nila ang mga ito.

"Mahal ko, mga bata nga!" masayang wika ni Lena.

"Nasaan ang mga magulang nila?" tanong ni Alfonso.

Si Alfonso ay dating magsasaka sa ekta-ektaryang bukirin nila Lena. Nagkaibigan ang dalawa na hindi tinutulan ng mga magulang ni Lena. Ikinasal sila sa simbahan na tinutulungan ng marangyang pamilya ni Lena.

"Hindi kaya itinapon sila rito, o baka naman, nais ng kanilang mga magulang na ibigay sila sa kung sinumang makakakita sa kanila?" hinala ni Lena

Sinundan pa niya ito ng, "Ampunin natin sila, mahal ko."

Inampon nila ang mga sanggol at pinangalanang Anica at Danica.

Nag-anyong tao ang dalawang anghel. Namasukan sila bilang yaya ng dalawang bata.

******

"Waaaaah inutil!" malakas na sigaw ni Devriyu.

"Waaaaaah," lumabas ang malakas na kapangyarihang itim, mula sa katawan ni Devriyu, para itong maitim na usok na bumabalot sa kaniyang katawan.

"M-master may pag-asa pa po," takot na nasambit ni Dyen.

"Siguraduhin mong maganda 'yan kun'di, hindi ako magdadalwang-isip na gawin kang abo!" banta ni Devriyu.

Sinabi ni Dyen ang kaniyang nalalaman tungkol sa dalawang sanggol. Nabuhayan ng loob si Devriyu at nakaisip ng paraan, upang masira ang seal na inilagay ni Prinsesa Acesa.

Inutusan niya si Dyen, upang dukutin ang dalawang sanggol at ibigay ito sa makasalanang pamilya. Doon ay maiimpluwensyan ng mga ito ang bata na gumawa ng mga masasamang bagay, paraan upang matanggal ang seal sa kanilang noo.

Ngunit nabigo si Dyen, isang sanggol lamang ang kaniyang nakuha. Ito ay si Danica. Ang sanggol na nabigyan ng sapat at malakas na seal.

Inilagay ni Dyen si Danica sa labas ng bahay ng mag-asawang Anding at Nilda. Si Anding ay isang sabungero, si Nilda naman ay adik sa sugal. Ubod nang pasaway ng kanilang mga anak.

Tamang-tama naman na ang suot na lampin ng sanggol ay may burda ng kaniyang pangalan.

"Danica"

"Tok... tok..."

Pagkatapos kumatok ni Dyen ay bigla siyang naglaho.

"Uha... uha...."

"Anding, tingnan mo, may nag-iwan ng sanggol." Pagbibigay-alam ni Nilda.

"Ano ba namang buhay 'to! Huwag mong sabihing aampunin mo 'yang sanggol na 'yan," angal ni Anding.

"Ano ka ba naman! Malay mo, magbigay suwerte ang batang 'to. Tingnan mo, nakaburda ang pangalan sa lampin," tuwang-tuwang wika ni Nilda habang umaasang magbibigay ng suwerye ang sanggol.

******

Habang tumatagal ay nag-iiba ang itsura ng dalawa. Halos hindi na sila magkamukha. Ibinase ng dalawang pamilya ang kaarawan ng mga bata, sa araw kung kailan nila nakuha ang mga ito. February 17 si Anica at November 20 naman si Danica.

Abangan...

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now