Chapter 18

12.3K 222 3
                                    

Chapter 18

Mas lalo akong humagulgol nang tuluyang lumapit sa akin si Ma'am Ezperanza. I reached for her hand and hugged her tightly. Mukhang nagulat din siya sa biglang ginawa ko dahilan para 'di makaganti agad. Sunod sunod ang hikbi ko habang umiiyak.

"Jesus, Vennie! Are you alright?"

Umiling iling ako. Hinayaan niya lamang akong umiyak sa kanyang balikat. Atleast ngayon ay medyo naging magaan ang dibdib ko. Atleast, there's Ma'am Ezperanza who can hug me and tell me it's alright. Masaya ako na kahit isang tao ngayon ay nag aalala para sa'kin.

Hinagod niya ang aking likod, habang ako ay tahimik na umiiyak. Nang medyo nakabawi ay marahan akong lumayo habang nakayuko.

"S-Sorry po, Ma'am..." I'm sobbing.

Nag aalala siyang tumingin sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Pinunasan ko ang aking luha. Nakakahiyang nasa gilid kami ng daan. May mga tao pang tumitingin.

She's wearing a dark brown turtle neck dress with belt on it. May malaking C ang nakalagay don. Kumikinang din ang mga alahas niya sa kanyang kamay, tenga at leeg. She looks so expensive and elegant at the same time.

"Bakit ka andito?" Tumingin siya sa aking gamit na nasa gilid. "Bakit dala mo ang mga bagahe mo?"

Pumikit ako ng mariin at lumingon sa sa mga dala kong bagahe. Nakakalat na 'yon ngayon. Gumuhit muli ang sakit sa puso ko.

"Vennie?" Ma'am Ezperanza called me again.

"W-wala.." Huminga ako ng malalim. "W-wala na po akong mauuwian, Ma'am.."

Kumunot ang nuo niya. "What?"

Wala na akong bahay. Wala akong pamilya. Wala akong trabaho. Wala akong kaibigan. Nasasaktan ako. Parang ako nalang ang meron ako. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip na dito na lamang ako matutulog, sa malamig na sahig.

"Wala na po akong matutuluyan. P-pinalayas na po ako sa tinitirahan ko," nahihirapan kong sambit.

"What!? You're pregnant! Where's you parents?  Pinalayas ka nila!?"

Umiling ako. "Wala po akong pamilya... Sa apartment lang po ako nakatira,"

"Oh my god," gulat na gulat siyang napatingin sa'kin. "You're pregnant! Oh- Sorry. Sumama ka sa'kin. Sa bahay ka muna titira! It's cold here! Balita ko ay uulan pa!"

Natigilan ako doon. Mukhang seryoso si Ma'am Ezperanza sa sinasabi niya. Nakaramdam ako ng init sa aking puso. Hindi ko alam bakit tila naiiyak ulit ako sa sinabi niya. Parang may kung ano kay Ma'am Ezperanza na nag papalambot sa aking puso.

She seems so close to me kahit kakakilala lang namin.

"Ma'am..."

Malungkot siyang ngumiti at iniabot ang aking kamay. "Don't worry. Wala akong kasama sa bahay. Please, Vennie? I'm worried about your child,"

That night, everything changes. Ma'am Ezperanza is right, wala siyang pamilya o kamaganak sa kanyang bahay. Wala din itong mga anak kaya mas lalo akong nagulat doon. She's very hot for guys on her age. Kung nabubuhay lang si Mama ay baka kasing edaran niya ito.

"I'm willing to adopt you as my own child, Vennie. I'll give you my name.." hinawakan niya ang aking buhok. She smiles gently.

I bit my lips. "Sobra sobra na po ang tulong niyo,"

"No, Hija. Ako dapat ang mag pasalamat sa'yo. Naging masaya ang malaking bahay na 'toh nang dumating ka.."

Naiiyak akong ngumiti kay Ma'am Ezperanza. Simula nang dumating ako dito ay wala na akong narinig na balita sa labas. Sinubukan kong mag bagong buhay sa luob ng malaking mansyon ni Ma'am Ezperanza.

Cheated by the Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon