Prologue

31.6K 492 12
                                    

Prologue

"Hija! You're finally back!"

Napangiti ako habang tinatahak ang daanan patungo kay Mama Ezperanza. Mahigpit ang hawak ko sa aking kasama at bagahe sa kabilang kamay. Ibang iba na ang buong maynila ngayon at medyo nananinibago ngunit andito nga ulit ako, kasama ang taong mahalaga sa akin.

Hinagkan ako ni Mama Ezperanza bago ibeso sa pisngi. Labis na lamang ang aking tuwa ngayong nakabalik na ako sa kanila. 

Nandito na ulit ako...

"I missed you too, Mama." Malugod akong ngumiti dito.

In 10 years trying to forget everything, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para bumalik at bawiin ang lahat ng pait at galit sa'kin.

"How's New york?"

Ngumiti ako. "It's fine and relaxing. Tinawagan kita last week, diba? Some international artists want to collaborate with Ezperanza. Also, i'm with Islmond that's why naging madali ang lahat,"

Inabot ng katulong ang wine at inilapag sa harap. Nagpasalamat ako dito at bumaling ka Mama nang bigla siyang humalakhak. Sumimsim ako ng alak at umupo ng maayos.

"You've grown a lot of experience, Margarita!"

Natigil ang tawanan namin nang marinig ang sigaw ng isang bata sa labas. Mabilis akong tumayo at sinalubong ang laking ngisi ng isang maliit na bata sa amin.

"Lola-Nanay!"

Narinig kong suminghap si Mama sa aking tabi. Bibigyan ko sila ng espasyo ng tuluyan ng mahagkan ng aking anak si Mama.

"My precious!" Halos maiyak na sambit ni Mama.

Si Islmond.

"Lola-Nanay! I miss you so much! I want to be with you than Mama! She's so annoying!"

Napanganga ako sa sinabi ng anak. Kakarating lamang namin ng Maynila pero ganito na agad ang bungad niya. Ngumuso ako at lumapit sa dalawa. Tuloy tuloy ang tawa ni Mama habang hinahaplos ang magulong buhok ng anak ko.

"Such a spoiled kid, Mama. Hindi ko alam kung sinong pinagmanahan."

"Oh! I remember being spoiled when i was at that age. That's normal, Margaret! My apo is very handsome!"

Pinandilatan ko si Mon na yakap na yakap sa kanyang Lola. Ilang sandali pa kaming nagtalo kung bakit ganuon siya kahit kakauwi palang namin ngunit agad ding akong natalo dahil sa mag Lola.

Napapangiti nalang ako sa isipan dahil ngayo'y kumpleto na ulit kami. I really missed Manila na parang kahapon lang ay kalbaryo ang buhay ko at ngayon ay sobrang saya na.

Habang tinitignan ko si Mon sa malayo ay kawahig na kawahig nito ang kanyang ama.
Namana nito ang asul na mata at matangos na ilong at ang pagkamisteryoso nito.

9 years old na siya at mukhang nagbibinata pa dahil may gusto na daw ito pero nasa New York nga lang.

Lumaki siya sa New York pero hindi ako nagkulang para magsalita siya ng tagalog dahil halos araw araw sa bahay ay bawal siyang magsalita ng ingles at sa labas lang.

Cheated by the Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon