Chapter 9

11K 211 10
                                    

Chapter 9

Wala akong nagawa kundi tumulala kinagabihan. Umiyak ako kanina inaamin ko. Matapos kong makausap si Isaac ay parang gusto kong tumakbo at isumbat sa kanya ang nararamdaman ko.  Kaso paano? Kung ako lang naman ata ang nakakaramdam.

Hindi pwede kami. Ayon ang paulit ulit kong sinasabi. Siguro ay nahihiya siyang ma hulog sa katulad ko. Sino nga ba ako? Isa lamang akong hamak na ulila. Nag tatrabaho ako para sa sarili habang siya nasa kanya na ang lahat.

"Are you okay?"

Tumingin ako kay Ethan at umayos ng upo. Kanina pa pala ito may sinasabi sa'kin. Tumango ako at nag tuon ng atensyon.

"Pasensya ka na. Ano nga ba yung sinasabi mo?" Ani ko.

Pinagmasdan ako nito na tila may mali sa akin. Tumikhim lamang ako at umiling para sabihing wala akong problema ngunit desedido talaga akong tanungin.

"Ayos nga lang, Ethan." Ngumiti ako. "Nagpuyat lang ako kagabi.."

Kasalukuyan kaming nasa restaurant ngayon para mag breakfast. Inaanyayahan kasi ako nito at alam kong way ko rin 'toh para makatakas kay Isaac. Mas okay ng nasa company ako ni Ethan ngayon dahil mamaya ay tatawagin na ako ng... Boss ko.

He sighed. "I know you, Vennie. Is this about Isaac?"

Bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain at naalala ang nangyari kahapon. Dumaan na naman ang pait sa aking kalamnan.

"Walang problema sa kanya.."

"Kung walang problema bakit ka nag kakaganyan?" Medyo iritado na siya. "I knew you like your boss, Vennie. I knew it from the start..."

"Ethan-"

"... And i'm jealous- No! I'm not. Nagagalit ako. Tayo ang mag kasama, Vennie, pero siya ang iniisip mo. Why can't you give me a chance?"

Nagulat ako sa sunod sunod na sambit ni Ethan. Medyo namumula na ito sa galit. Nag hanap ako ng pwedeng sabihin ngunit 'di ko magawa. Alam kong mali ang ginagawa ko. Kung ganoon ay alam niyang may nararamdaman ako kay Isaac.. at nasasaktan ko din siya.

Napahilamos si Ethan at tumingin sa'kin. "Nevermind."

"Alam mong kaibigan lang talaga kita, Ethan. Malapit na ako sa'yo kaya pasensya na kung 'di ko kayang.." tumingin ako sa kanya. "...Suklian yung nararamdaman mo sa'kin."

"It's alright, Vennie." He tried to smile. "I can stay as your friend."

Kahit may pait sa dibdib niya ay kinaya niya akong harapin. Parehas ba kami ni Ethan kung ganoon? Nag mamahal ng making tao?

Tumaas ang tingin ko nang mapansin kong may kakarating lang sa entrance ng  restaurant. Umayos ako ng makitang si Isaac 'yon ngunit may kasama... kundi si Samantha. Agad akong nag iwas ng mag tama ang tingin namin.

Mag kasama pala sila..

"Ethan! You're here?" Halos tiling sambit ni Samantha ng mapahinto siya at tinuro ako. "Oh... You're with the secretary..."

I greeted her formally. Pinanuod lang ako ni Ethan gawin 'yon at alam kong ganoon din si Isaac.

"Vennie."

Napayukom ako ng tawagin ni Isaac. Tumingin ako dito pero nanatiling nakayuko.

"Sorry, Sir. 'di po ako nakapag paalam na mag bre breakfast kasama si Ethan. Do you need something po?" Pormal at malamig kong antas.

Tumagal ang tingin niya sa akin at tila may nais sabihin ngunit biglang umangkla sa kanya si Samantha at hinatak. Pinanuod ko silang lumayo at tumungo sa kabilang table. Bumagsak ang dibdib ko dahil doon.

Buong oras sa restaurant ay kwinikwentuhan lamang ako ni Ethan ng kung ano ano ngunit wala doon ang atensyon ko kundi nasa taong 'yon. Minsan ay nasusulyao din siya dahilan para mapahinto ako at nag iiwas.

Tinutusok tusok ang puso ko habang nakatingin sa kanila. Bagay sila. Maganda at mayaman si Samantha. May pinag aralan at may pangalan. Wala naman talaga akong laban sa mga ganyang babae. 

Nang matapos kami mag dinner ay nag meeting muli sila kasama ako. Nakaupo lamang ako sa tabi ni Ethan habang pinapakinggan ang meeting. I saw how Isaac looks at me sometimes. Pinipigilan ko pa nga ang paghinga dahil sa kaba.

"Vennie, come with me."

Matapos ang meeting ay nag paalam na sila Ethan habang si Samantha ay nag paalam na mag papalit ng damit. Kaya ang ending ay kami ni Isaac ang natira.

Malamig akong tumango dito at naunang lumabas ng restaurant. Pansin ko ang suot ko ay isang floral blue bohemian dress na umaalon alon pa. Pinanuod ko ang iilang bata na naliligo sa dagat, napangiti ako dahil biglang nadapa ang isang bata at niyakap ito ng mga kaibigan.

"Kumain ka naba?"

Isang mainit na bulong sa aking tenga. Agad akong napalayo at nagulat kung gaano kalapit si Isaac.

"T-tapos na po, Sir. May kailangan pa po ba ka'yo?" Lumayo ako.

"Let's talk about what happened the last day." Sumeryoso na ulit.

Napahinto ako at nag iwas ng tingin. Para saan pa at pag uusapan namin 'yon?

"Tapos na naman 'yon. Hindi na natin kailangan pang ulitin. Malinaw na ang naging usapan natin at nakita ko. Boss kita, Sir. I need to be professio-"

"Cut your words, Vennie. Damn this feelings! Why you're making this hard for me?" Sigaw niya at napatingala.

Napaawang ang labi ko ng makitang stress na stress siya sa pag iisip. Ano bang ibig niyang sabihin?

Muli siyang tumingin sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang kanyang mga matang nag mamakaawa sa akin.

"I'm sorry. Forgive me, Vennie. I'll find way for us just..." Pumikit siya. "Don't make me jealous."

"H-hindi naman kita pinag seselos. Ano bang ibig mong sabihin?" Nalilito ako.

"Wag tayo mag usap dito."

Mabilis niyang hinatak ang kamay ko. Parang sumasayaw ang puso ko sa tuwa ngunit may ibang bahagi sa akin ang kabadong kabado. Huminto kami sa room ko kaya agad kong binuksan 'yon.

"Pasok ka." Ani ko at mas binuksan pa ang pintuan.

Pumasok naman ito. Malinis Ang buo kong kwarto. Umupo siya at sinakop ang buong sofa ngumuso ako at sumunod para umupo sa tabi niya. Pinag dikit ko ang palad ko at nag iwas dahil sa takot na mag tagpo ang tingin namin ni Isaac.

"A-ano bang pag uusapan natin?" Ani ko.

"Are you hurt?"

Nabigla ata ako sa tanong na 'yon. Mukhang seryoso siya dito ngunit nag aalinlangan akong sumagot.

"H-hindi naman." Lumikot ang mata ko. "...Ayos lang ako. Hindi naman.."

"You're a bad liar." Mahina niyang sambit.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na, oo. Nasasaktan ako? Isaac naman. Tama ka naman, e. Kahit saang anggulo ay 'di ako nababagay sa'yo. Tama lang na ipag kaila mo ko..." Huminga ako. ".. at hindi mo naman ako gusto. Kung gusto mo mag resign ako ay ayos lang."

He groaned. "How can i supposed to avoid you kung ganito na ang apekto mo sa'kin, huh?"

"Huh?"

Tumayo siya at marahang lumapit sa aking gawi. Lumundag ang puso ko nang higitin niya ang kamay ko at lumuhod. Isinandal niya ang kanyang noo saking mga binti. Dahil sa gulat ay 'di ako makagalaw.

"S-Sir... Tumayo ka dyan." Kinakabahan na ako.

"Fuck.. i can't do this. I really can't to this."

Nahihirapan na ako. Nag iinit na ang mata ko dahil sa sakit na nasa dibdib ko. Unti unting tumaas ng tingin si Isaac at namumungay na sumalubong sa aking mata.

"Say it." He whispered.

I bit my lips. "Isaac..."

"Say you love so i can fight. Say you love me so i can do this."



Cheated by the Billionaire (EDITING)Where stories live. Discover now