Chapter 8

10.6K 209 13
                                    

Chapter 8

Bigla na lamang itong napahinto. Parang may kung anong malalim siyang iniisip bago iniangat ang tingin sa akin. Tumayo siya ng walang pasabi at tila naging wala sa mood.

"Bakit po?" nagugulhan kong tanong.

"Nothing. Let's go, Vennie."

walang gana nitong sabi at nag lakad na palabas. Napanguso ako ng makitang hindi pa ako tapos kumain at sayang itong mga pagkain na hindi naubos.

Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang kay Isaac. Lumabas kami ng hotel at sinalubong ang malakas na hangin galing dalampasigan.

Sumasayaw ang aking puting bestida at humampas naman sa aking mukha ang aking maalon na buhok. Npatawa na lamang ako dahil duon kasi nakakain ko na pala ang buhok ko. Hindi pa nga ako kumakain kaya naisip ko buhok ko na yung nag papakain sa'kin.

Napahinto ako ng maramdaman ko ang mabibigat na titig sa akin ni Isaac. parang kahit titig niya lamang ay sobrang dami ng kuryente na dumadaloy sa'kin.

Palihim kong sinaway ang sarili ko. Hindi tamang pinagnanasaan ko siya. Mali iyon! Tigil, Vennie.

Tinitignan ko lamang si Isaac habang nakikipag kausap sa kay Engineer at
Architect. Seryosong seryoso ito habang sinusuri ang blue print ng gagawing resort.

Ako ay nakatayo lamang habang hawak ang ilang dokumento sa aking kamay. Kahit ilang beses akong umiwas ng tingin dito ay may humahatak sakin para pagnakawan ng tingin. Lumundag ang puso ko sa mabilisang sulyap sa akin ni Isaac  kahit mabilis kayang kaya niyang patibukin ang puso ko.

Ganoon na lamang ba ang apekto niya sa akin? Kailan pa 'toh?

Palihim kong hinawakan ang aking dibdib kung san nararamdaman ko ang mabilis na pagpintig nito.

Pagkasama ko siya, kapag kinakausap niya ako pag nakatingin siya lahat ng tungkol sa kanya ay kayang kaya akong pahinain. Mukhang alam kona ang nararamdaman ko at sa tingin ko ay maling mali ito.

Maling magmahal ng tulad niya parang isa itong kasalanan.

"Vennie.." Lumapit si Isaac.

"Do you need something, uh... Sir?"

Sa mga mata nitong parang nanghihipnotismo ay nahuhulog ako pero 'di ako nagpadala rito.

"Give me the contract.."

Mabilisan kong binigay sa kanya ang kontrata na dapat pirmahan ni Mr. Cheng. Saksi ako sa pagkakamayan nila pagkatapos nito ay umalis na pareho ang Engineer at si Mr. Cheng.

Tahimik lamang kaming bumalik ng hotel duon ay humarang na naman si yung Samantha.

Napaiwas ako ng agad nitong pinalupot ang braso niya sa leeg ni Isaac. Nakita ko ang iritasyon ng mukha niya dito. Gusto ko makaramdam ng tuwa at selos pero tanging yuko nalang ang nagawa ko.

"Hey, Hon. Wanna have a great night?" Malambing na sambit ni Samantha.

"Sam, Bitawan mo ako."

Matigas na sambit ni Isaac pero tila walang narinig si Samantha at mas lalo pang lumapit. Maa humigpit ang hawak ko sa mga folders. 'di kona narinig ang usapan nila. Ang huli ko nalang naalala ay sumama si Isaac dito at naiwan ako. Mukhang di sila sa room ni Isaac pumunta dahil lumabas ito.

Muli ay naramdaman ko na naman ang sakit. Umayos ka nga, Vennie. Ginusto mo 'yan, diba?

Pumunta ako sa tabi ng dalampasigan at naglakad lakad at duon ko nakita ang nagsisilaking rock formations. Pinuntahan ko ito at sumampa para makita ang magandang view mula dito sa itaas.

Nang nagtagumpay akong makasampa ay naupo na lamang ako at tinignan ang dagat.

Sobrang bilis pala ng oras at di ko namamalayang palubog na ang araw, ulit. Buong araw hindi ko nakita si Ethan ang sabi ay umuwi muna ito at may kinuha sa manila. Babalik naman daw.

Pinagmasdan ko ang palubog na sikat ng araw kulay orange na ito ganuon din ang dagat dahil sa repleksyon nito.

"Maganda sana kung may kasama akong panuorin ang sunset," mapait kong sambit.

Nang matapos ang paglubog ay gabi na naman kaya bumalik na ako sa hotel. Ilalabas ko na sana ang susi ng aking kwarto mula sa aking bulsa ng makarinig ako ng di inaasahang ingay.

Ingay mula sa kwarto ni Isaac.

"Oh fuck! Isaac!"

Pada akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay non ang pag ka tulala ko. Nakita koring nakabukas ng kaonti ang kwarto niya kaya malaya akong nakasilip duon.

"Shit." agad akong napatakip ng bibig dahil sa aking nakita.

I saw Isaac naked at nakaluhod sa harap ni Samantha. Katulad ng nakaraan Kong nakita sa empleyado. Nanlamig ako at hindi umaalis sa kinatatayuan.

Nakita ko rin na muling hinalikan Isaac si Samantha at mapupusok iyon.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon na parang ano mang oras ay mawawalan ako ng malay.

Nakatingin parin ako sa kanila hangang dumapo ang tingin sa akin ni Isaac. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata at agad na itinulak papalayo ang babae.

Napakagat nalang ako sa aking labi at tumakbo. Habang tumatakbo ay sobrang hagulgol ko dahil sa sakit na aking nararamdaman. Bakit koba ito nararamdaman? Bakit sa kanya pa?

Lumayo ako sa parte ng islang iyon pumunta ako sa madilim at malayong parte kung saan walang tao at walang makakita sa akin. Sumadal ako sa may batuhan at duon humagulgol ng iyak, pinapalo kopa ang sarili kong dibdib dahil sa bigat ng aking nararamdaman ngayon.

Bakit ba kailangan ko nalang palaging masaktan? May nagawa ba ako sa mundo para pag ka itan ako?

Sa dinami dami pa kasi ng lalake, Vennie ay sa boss mo pa! Hindi mo siya kayang abutin.

"Vennie..."

Nanlaki ang mata ko ng makita si Isaac sa harapan ko. Nakaramdam ulit ako ng pait at mabilis na tumayo para iwasan siya pero nahuli nito ang aking braso at agad akong pinigilan.

"Sir, bitawan niyo ako." Madiin na sambit ko.

"I know what you saw. There's nothing between us. Samantha is just-"

Mapait akong ngumiti. "Ayos lang, Sir. Ano ba ako? Secretary mo lang ako kaya ayos lang. 'di mo naman kailangan iexplain sa'kin."

Hindi naman kailangan.

Napahilamos siya tila tinatansya ang emosyon. Agad akong nag iwas ng maalala kung anong ginawa nila ni Samantha. I feel betrayed and.... hurt. Hindi ko alam bakit!

"Vennie, I'm sorry. Hindi lang Ito tama and i know you know it too." He said with frustration.

"Oo. Dahil ba Secretary mo lang ako at mahirap pa 'ko." Diretsuhan akong tumingin dito. "Ano ba ta'yo?"

Diretso siyang tumingin sa mata ko at nangungusap na tumigil na ako. Muli niyang inabot ang kamay ko ngunit lumayo ako.

"Mas bagay naman kayo ni Ma'am Samantha, Sir. Boss kita kaya 'di talaga tama. Siguro din na proprovide naman ng girlfriend mo ngayon ang mga kailangan mo kaya..." Huminga ako at pilit na ngumiti. "Ayos lang po."

Ayos lang talaga. Pumihit ako at mariing napapikit para tumakbo na papabalik sa hotel. Bahala na kung anong mangyari pero... Alam kong gusto ko ng umalis dito. 

Cheated by the Billionaire (EDITING)Where stories live. Discover now