Chapter 4: Alexi's Past

Start from the beginning
                                    

"Tutal mamatay ka rin naman eh!!! HAHAHAHA!!"
Sabi nya.

"Baliw na sya!! Baliw na sya!!"
Sigaw ko sa aking isipan at lalo ko pang itinakip ang mga kamay ko sa aking bibig.

"Tagutaguan maliwanag ang buwan!! Wala sa likod wala sa harap pagbilang kong sampu nakatago na kayo......Isa!!"
Sigaw nya at sinipa ang trash can

"Dalawa!"
Sigaw nyang muli at nakita ko na binuksan nya yung isang box, sumilip sya dun.

"Tatlo!!"
Sinaksak nya yung isang kumot na may ukbo sabay tanggal nun at nakita ang isang lumang manika.

"Apat!!"
Sigaw nya at naglakad papunta sa isang siwang at silip dun.

"Lima!!"
Sigaw nya at umupo sa isang tabi.

"HAHAHA!!"
Tawa nya.

Sinabunutan nya ang kanyang buhok at umiiyak na naman sya.
Nanginig ako sa matinding takot lalo na at malapit na sya sa tinataguan ko. Tumayo syang muli at ngumisi sya ng nakakaloko kahit na umiiyak sya.

"Siyam!!"
Nanlaki bigla ang mga mata ko ng isigaw nya iyon.

"Diba dapat six p-pero bakit siyam?!!!"
Sabi ko sa aking isipan.

Habang sya ay binalibag yung sirang drum at silip dun. Tumayong muli sya at tumawa.
Nanginig nanaman ako sa takot ng marealize na papunta sya sa tinataguan ko.

"Sampu!!"
Sigaw nya at nakahinga ako ng maluwag ng nilagpasan nya ang tinataguan ko.

Napasigaw ako ng di oras ng may humawak sa paa ko at hinila ako sa kabilang bahagi ng tinataguan ko.

"Hahahaha!! Akala mo hindi kita makikita!!"
Sabi nya.

Nagpupumiglas ako sa kanya upang makawala sa pagkakahawak nya sa akin, sinuntok, sinipa, at kung ano ano pa. Sya naman ay dumagan sa akin at itinaas nya ang kutsilyong hawak nya na nakatutok sa akin ang patalim. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw bigla, inshort napahinto ako.

"P-please huwag nyo p-po akong p-*sob* patayin."
Sabi ko at umiiyak..

Napangisi sya at nagulat na lang ako ng bigla nya akong saksakin sa braso. Mabuti na lang nakailag ako kaso nadaplisan pa rin..

"Ahhh!!! *sob*"
Sabi ko at hinawakan ko yung sugat ko.

"*sigh* sayang at hindi bumaon."
Sabi nya at pinagmasdan pa nya yung patalim nya na may dugo.

Ngumisi sya bigla at tumingin sa akin.

"May nagsabi sa akin na may sakit ako at iyon ay split personality!!! Hahahaha hindi naman yun totoo eh!!"
Sabi nya at sinabunutan nyang muli ang kanyang buhok.

"B-baliw ka na" bulong ko. "Baliw ka na nga!!!!" Sabi ko ng pasigaw.

Napatigil si B-2 at nanliliksi ang mga mata nya.

"Mamamatay ka!!"
Galit nyang saad at sinaksak nya sana ako.

Kaso naunahan ko sya, nanlalaki ang kanyang mga mata ng marealize nya na nakatarak na ang isang bakal sa tyan nya. Napasuka sya ng dugo at napaatras. Pilit nyang tinanggal ang nakatuhog na bakal ngunit naglalabas iyon ng napakaraming dugo at sakit.

"S-sorry *sob* h-hindi ko sinasadya *sniff*."
Sabi ko at yumuko ako.

Tinalikuran ko sya at tumakbo na papalayo. Mabilis ang pagtakbo ko kasabay ng paghinga ko. Kaya huminto ako sa pagtakbo at napahawak sa tuhod ko. Nagpahinga muna ako dun bago naglakad. Nanginginig ang aking mga kamay everytime na naaalala ko ang nagawa ko sa dalawang lalaki naaksidente kong napatay.

"Aksidente nga ba?"
Sabi ko sa aking isipan.

Napayuko ako at naiyukom ko ang kamao ko.

"Oo aksidente lang yun."
Mahina kong bulong at napabuntong hininga.

Iniangat ko ang ulo ko at nanlalaki ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namin.

"Sa wakas nakita na rin kita."
Sabi ni B-4.

Napaatras ako sa gulat at nanlalaki pa rin ang mga mata kong nakatingin sa kanya at sa baseball bat na hawak nya.
Nakangisi si B-4 habang hinahampas nya sa ere yung baseball bath.

"Hindi talaga ako makapaniwala na napatay mo ang dalawang kasamahan ko."
Sabi nya ng nakangisi na tila naeenjoy nya ang nangyayari.

Napailing naman ako.
"H-hindi k-*sob* ko sila p-p-pinatay *sniff* a-aksidente lang i-iyon."
Sabi ko habang umiiyak at napayuko.

"Hahaha!! Akala mo ba mapapaniwala mo ako bata? Pwes mamatay ka."
Sabi nya ng mahinahon na tono at ngumisi ng nakakaloko.

Napaatras ako sa sobrang takot at magsasalita na sana ako ng ihahampas nya sana yung baseball bath kaya tumakbo ako sa kanan para maiwasan iyon.
Tumama ang baseball bath dun sa sirang upuan na lalo pang nasira.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now