Chapter 36 - Not Anymore

82 6 3
                                    


Dear Diary,


Magdadalawang buwan na nung huli kaming nagkita ni Gabriel.

Sabi ni Jenny, huwag daw ako mag-alala dahil event na silang dalawa ang mag-oorganize ang sadya nila doon. Tatagal ng anim na linggo dahil hindi lang ito isang kliyente. Kaya naman, Gab will be spending about a month para sa pag-iikot ikot sa Singapore.

Susunod lang daw siya doon dahil meron pa silang hindi natapos ni Gab asikasuhin kaya pinaunan na niya ito.

Gabriel said, wala daw dapat kaming contact sa isa't isa sa loob ng tatlong buwan. Minsan kong tinignan ang social media accounts nito pero naka-block ata ako or baka nag-deactivate siya. Hindi ko na sinubukang tawagan ang number niya dahil baka most likely, naka barring ang number ko. Sumunod ako sa gusto niyang mangyari kahit napakahirap.

Sobrang hirap. Pero ito lang ang magagawa ko sa ngayon.

Sa ilang linggo na wala siya pati ang kahit na anong communication, I miss him more everyday. Ito ata ang pinakamatagal na three months na mangyayari sa buhay ko. Pero thinking back kung anong klaseng pagiintay ang ginawa niya, tigas naman ng mukha ko kung magrereklamo ako.

Araw araw akong nagsusulat sa memo pad ko sa office ng sulat para sa kanya na babasahin niya pagbalik. Oo. Old school.

Well, hindi ko pa rin napunit ang sulat ni Isaac. Pero lagi lamang itong nasa organizer ko at lagi kong bitbit. Hindi ko alam kung bakit pero something tells me that the right time will come na pupunitin ko din ito kaya lagi kong bitbitin.

Sobrang naging busy na ako.

Meron akong sinulat na libro na napublish at nabenta sa mga bookstore dahil sa tulong ng mga kaibigan ko. I still work as a columnist sa pinagtatrabahuan kong newspaper company. Hindi naman ganun kalaki ang naging pagbabago sa loob ng halos dalawang buwan pero ngayon, meron na akong sariling opisina. May kalakihan ito at maganda ang view. Kahit madalas akong map-OT, hindi ako makapagreklamo dahil sa ganda ng view sa gabi.

Dumaan nga pala si Andrea sa opisina ko ngayon dahil tinulungan ako nito sa book ko na na-publish sabay abot sa akin ng isang libro na sinulat ng isang Gray Geloirs. Hindi ito ganun kakapal pero according kay Andrea, nasa top five ito sa mga best selling na books. Like most authors, ayaw daw nitong magpakita sa mga tao.

I browsed on some of the pages and it looked like a diary that is written by a guy, telling the world how he felt about a certain girl on every page. Parang... itong ginagawa ko ngayon.

"Oh girl, compli copy 'yan. Pinabibigay ni Steffi." Bati ni Andrea sa akin after ilapag ang mga libro.

"Yung dalawang 'yun sila ang ikakasal sila pa ang nagbigay ng regalo sa akin."

"Ikaw naman, alam mo naman na halos barkada negosyo natin ang publishing at bookstore. Gasino lang ba ang isang kopya. Nga pala, nasukatan ka na ba ng gown para sa kasal ni bakla?" tanong ni Andrea

Napangiwi ako dahil sa totoo lang, hindi ko na alam papaano pa hahatiin ang oras ko sa dami ng ginagawa ko.

"Hindi pa nga eh. Ikaw ba?"

"Hindi pa din girl. Kahit mag-manananggal levels ako na nahahati ang katawan witit pa din! Natutulig na nga ako sa cellphone ko at maya't maya ang ring! Yang libro mo tsaka yang sa Gray ang magkasunod ang pending prints. Halos pareho kasing parang diary. Andami ngang haka haka diyan eh. Speaking of which, let me show you these."

Nilabas ni Andrea ang tablet nito at binisita ang page ng pub house nila. Doon sa picture ng libro ko at nung Gray, may mga comments like:

"My gosh para silang nagsasagutan!"

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now