Chapter 12 - Bagong Kasama

110 13 1
                                    


Dear Diary,


Alam mo, napaka-awkward ng sitwasyon today. Pinakita sa akin ni Andrea ang mga pictures ni Steffi and ni Gab bago kami umuwi kahapon. Galit na galit siya at parang dragon na bubuga na ng apoy. Pero alam mo, lalong nagpadagdag ng sama ng loob ko yung sinabi ni Isaac.

Wala na kasi ako sa mood para magsasagot pa kahapon. Nabanggit niya ulit ang word na "trouble". Palalampasin ko siya ulit pero hindi na sa susunod.

Kaninang umaga, nakakita ako sa locker ko ng dalawang panibagong post it note na kulay blue. Sabi sa unang nakasulat, "Tama na, please."

Tapos ang isa, "Nasasaktan din ako."

Tangina mo Gabriel! Nasasaktan mo mukha mo! Tarantado ka! Pero kahit galit na galit ako sa kanya, itatago ko ang lahat ng mga post it notes na ito bilang reminder sa pagbasag ni Steffi ng pagkakaibigan namin at ang pananakit sa akin ni Gabriel.

Hindi pa alam ni Steffi na nakita ko silang dalawa ni Gabriel kahapon sa library. Kaya awkward, kasi may project kami sa Filipino at kaming tatlo nila Andrea ang pinagsama ng teacher namin. Nagkatinginan pa nga kami ni Andrea eh.

Pero what's surprising is, nagtaas ng kamay si Isaac at umapela.

"Ma'am Agustin, with all due respect, is it okay if I ask for a re-group?" tanong ni Isaac with his usual stern, cold face.

Mabuti na lang at mabait at malambing ang teacher namin na si Ms. Agustin, "Yes baby boy? If you could give me a good reason, I might consider."

"I propose Steffi to be transferred in a different group." Mabilis naman niyang sagot.

Meanwhile Steffi, looks totally cool but quite confused of Isaac's sudden stance. Kahit naman kami ni Andrea nagtataka at sa pagkakaalala ko, nabanggit na minsan sa akin ni Isaac na medyo hirap siya sa Filipino.

Bakas man sa mukha ni Ms. Agustin ang pagtataka, pero mas nananaig ang pagiging interesado niya sa sasabihin ni Isaac.

"Okay, but why?" nag-krus ang mga braso ni Ms. Agustin and is now lending all her attention to him.

Tumayo si Isaac at itinuro ang grupo namin, "Those three have always been together to almost every groupings to almost every subject. Steffi has always been in-line with Gelay's scores. Meanwhile, Andrea's about average. Hence, they make good balance. This is a crucial year for everyone and a help from someone with good knowledge on a certain subject will be beneficial. So, and Steffi can join another group who are also in dire need of her help."

Tumango tango ang teacher namin at nakuha na nito ang ibig niyang sabihin. Halos lahat ng kaklase namin ay umagree sa sinabi ni Isaac kaya nakapag-desisyon na si Ms. Agustin.

"I agree to that idea. Anything else you would like to add? How about the others?" luminga linga si Ms. Agustin, waiting for other people to raise their hands but found the same person.

"Yes Isaac baby boy?"

"I would like to humbly request to be Steffi's replacement on their group."

-----

Nang ma-explain ni Isaac kung bakit gusto niya sa amin magpalipat, it kinda made sense. Akala ko is para ilayo si Steffi sa amin dahil for some time, tinablan siya ng pagiging makatao niya pero dahil lang din pala sa parehong rason –grades.

Napahiya pa nga ako nung lunch kasi nilapitan ko siya para magpasalamat. Pero lalo akong nairita sa kanya dahil ang dating, user siya in a different level.

The Potassium Chroniclesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن