Chapter 19 - Wala Lang

118 9 2
                                    

Dear Diary,


Wala akong maikwentong matino ngayon. Halos isang linggo din kitang hindi nasulatan. Sorry ha? Nag-exams na kasi kami eh. At literal na kinarir ko araw araw ang pag-aaral. Tsaka medyo nag-emote ako kaya wala akong energy to even lift a pen.

Di bale, may ilang chika ako sa'yo ngayon.

Takte diary, nalulungkot ako. Pero masaya at the same time. Would you believe naka 98 ako sa Physics? Sa sobrang tuwa ko nang matanggap ko ang answer sheet ko, naakap ko bigla si Gabriel.

For the first time ever, I felt so shameless at wala akong pakialam. Masaya ako dahil ang tataas ng mga nakuha naming mga scores and I also felt like I have another bestfriend –a guy bestfriend.

Hindi na ako nagpapantasya sa kanya pero tama nga ang kasabihan na madalas kong marinig. "When you are given a NO for an answer, it means that life is leading you into something more beautiful."

Totoo nga, mas naging okay kami ni Gabriel as friends. Kahit inaasar nila ako na patay na patay ako sa kanya noon, tinatawanan na lang naming lahat at pinaaalala nila ang mga kagagahang pinaggagawa ko. Hahaha!

Anlaki ng tinik na nabunot sa akin dahil sa punyemas na Physics na 'yan. Si Steffi at Gabriel, okay na silang dalawa. Hindi naman na nagkakailangan at nagagawa na nilang magmurahang dalawa.

Pero meron akong nahalata kay Richard.

Medyo sweet sweeten siya kay Andrea. Sweet siya sa lahat pero iba kapag kay Andrea. Iba ang mga ngiti niya at iba ang aura. May pagka-tuod ang kaibigan ko na 'yon pero minsan ko na siyang nahuli na kinikilig. Na-o-awkwardan lang ako kasi ako ang niyaya niyang ka-date sa dance. Ilang araw na lang eh. Three days to be exact.

So ang ginawa ko, hiniram ko si Richard at nag-solo kami nung lunch.

Infairness, ang gaganda ng mga ngiti niya at kamukha pa din niya si Victor ng Yuri on Ice. Nginitian ko din siya at sinumulan ng kausapin, "Alam mo Richard, sigurado akong magkakasundo kayo ni Andrea."

Natigil ito sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa akin. I am taking this as a surefire sign. Namula din kasi siya eh at nagbigay ng awkward na ngiti.

"W-what are you talking about?"

So sinabi ko sa kanya na huwag na siyang mag-deny. Hindi naman pangit ang kaibigan ko at mas magiging masaya kung si Andrea ang magiging ka-date niya. Nahihiya man, hindi niya dineny na trip nga niya ang kaibigan ko. Gahd! Alam mo 'yun?! Ang saya saya ko!

Halos pagtinginan na kaming dalawa sa canteen sa sobrang pagtitili na ginawa ko! Naghalo ang tuwa at kilig ko at hindi ito ma-contain sa katawang lupa ko! Hindi ako nag-assume! Tama nga ang nakita ko! Gusto niya ang kaibigan ko! KYYAAAAHHHH!!!!

This time, walang bahid ng sama ng loob sa akin kahit dateless akong pupunta sa dance. But still, kinontrata na niya akong isayaw. Siyempre oo ang sagot ko. Ano, dateless na nga wala pang sayaw? Takte. Kahit sayaw lang ok na ako. Kasama ko naman sila eh.

Richard thanked me for being very understanding pero mas nagpapasalamat ako sa kanya dahil nagpakatotoo siya.

Ang isa sa naging highlight ng araw na ito ay hindi siya nagpatumpik tumpik. Wala siyang sinayang na oras. Tinulungan ko pa nga siya by asking "help" from Andrea. Nagpanggap ako na slightly in distress at nasa classroom but came to realize that she had been framed –for a good purpose.

Hindi siya nagalit pero hindi ko mawari ang itsura ng kaibigan ko. She has always been there for me. Siya ang epitome ng isang totoong kaibigan. Ni minsan hindi niya hinayaan na mawalan ako ng kakampi. Para ko na siyang kapatid and this is the least I can do.

The Potassium ChroniclesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant