Chapter 2 - Lawa Ng Laway

303 25 10
                                    

Dear Diary,

Meron kaming dance class today at kapartner ko si Richard na hindi namin maintindihan kung bakit antanda na, laging tumutulo ang laway kahit hindi natutulog. Ang malala pa, hindi nagpapanyo at sa kamay pinapahid ang laway! Takte talaga! Isa pa itong si Sir Magubat. Hinahadlangan ang pagiibigan namin ni Gabriel dahil pinartner siya kay Andrea. Ang kaibigan kong baliw na ngayon ay kontrabida sa paningin ko. Nginitian niya ako pero pinandilatan ko lang siya ng mata.

"Naghugas ako ng kamay, 'wag ka na umarte" bulong ni Richard. Halata niya siguro na halos hinliliit lang ng kamay niya ang hinahawakan ko na ikinasama pa ng loob ko.

Dahil badtrip ako, hindi ko nagawang tignan ang kapartner kong may baong isang malaking dam ng laway at nagsayaw sayaw lang kuno. Naririnig ko lang ang umeechong pagbibilang ni Sir Magubat habang kumekendeng kendeng ng sayaw na hindi ako interesadong malaman kung ano.

"Guys humarap muna kayong lahat sa akin." Sabi ni Sir at agad agad akong bumitaw kay Richard at tumalikod.

Naiilang ako sa sayaw dahil ayoko sa kapartner ko at konti na lang, amoy laway na din ako! Pero kung hindi ko naman gagawin, baka bumagsak pa ako.

"Okay face your partner and do steps three to four. Now."

Buntong hininga na malalim pa sa waterfalls, humarap ako kay Richard ng hindi tumitingin. Nagdasal na lang ako na matapos na sana ang PE time namin nang makaligo!!!

"Bakit ka ba nakasimangot?" Pwede ko ba siya sagutin ng buong katotohanan? Kasi una hindi si Gabriel ang kapartner ko at pangalawa, ayokong siya ang kapartner ko?

"Naiinitan lang ako." Tipid kong sagot.

"Pwede ka naman magsabi eh. Hindi naman ako madaldal. Naiinitan din naman kaming lahat pero walang nakabusangot ng ganyan ikaw lang."

Hindi ako sasagot sa kanya. Hindi kami close at wala siyang makukuhang kahit anong impormasyon sa akin! Wala kahit isa!

"Eh kasi naman eh! Gagraduate na tayo pati ba naman ang maging kapartner ko si Gabr... I mean magkaroon ng ibang partner hindi pwede? Hindi pa din pwede mamili? Hindi naman palagi! Di ko nga nakakapartner si Gabriel eh!"

Oh my gosh nadulas ako! Papaano na lang kung fan ng loveteam namin si Richard oh no!

But there was an awkward silence. Hindi nga din ako nakapagsalita kaya binaling ko na lang ang atensiyon ko sa pagsasayaw.

"Partner naman na tayo eh."

Natapakan ko bigla ang paa niya at nabaling ang tingin kay Andrea na may iba nang kasayaw. Mabilis akong tumingala at nakita ang nakangiting si Gabriel at sinabing "Ayusin na natin baka pagalitan pa tayo."

Shocks ang daldal ko kasi! Sa sobrang pagmamaktol ko di ko man lang napansin na iba ang boses ng kausap ko.

Nabubwisit,

Gelay

The Potassium Chroniclesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن