Chapter 31 - Question and Answer

48 6 5
                                    


Dear Diary,


Monday ngayon na supposedly ang talagang araw ng unang pagkikita namin ni Isaac. And ito na ata ang pinaka-laid back na Monday na naranasan ko dahil wala ako masyadong trabaho. Ang mas surprising pa is, nagyayang makipagkita si Steffi at Andrea today. Aba its been a long time! Siyempre naman makikipagkita ako! Arte pa ba ako?

At 6pm, sinundo nila ako sa opisina dahil nagpasama si Steffi para mag-canvass at magtingin tingin ng wedding dresses. Pumunta kami sa isang couture na puro pangkasal talaga ang makikita mo. Akala ko nga kakain muna kami kasi madalas ganun ang nangyayari diba? Kakain muna? Pero sila talagang iba. Hunger strike muna haha!

Anyway, hindi na kami nagulat ni Andrea dahil alam naming hindi pa naman sila ikakasal anytime soon but naghahanda na sila para makapagipon sa magagastos.

Kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Steffi. Kung gaano kasaya ang mukha nito at kung gaano siya ka-excited. Nakakahawa nga ang pagngiti niya eh. Ayan tuloy, gusto ko magkwento sa kanila. But I know, may oras para doon.

Maya maya pa, pumasok na kami sa shop. Naunang pumasok ang dalawang gaga na nagmamadali pa. Ako dahan dahan lang ang lakad kasi ninanamnam ng mga mata ko ang mga mannequins at ang paligid. It really feelis like someone is getting married! Nakaka-excite ang aura at vibe ng lugar. Andaming choices mapa-lalaki o babae.

Narinig ko na ang malakas na bunganga ni Andrea na tinatawag ako at may nakita si Steffi na gustong sukatin. Ambilis nila diba? G na G hahaha!

Nung nasa dressing room na kami, may tao ang dalawang fitting room kaya naghintay kami sandali. Sabi nung isang nasa fitting room tawagin daw ang kasama niya kasi kailangan niya makita ang wedding dress. Excited din siguro sila.

Tinawag naman ito ng attendant at maya maya, may bumabang lalaki mula sa second floor na may hawak na dalawang dress na mukhang pang-abay.

"Tignan mo ito para sa mga abay." Sabi ng lalaki na ikinagulat ko. Nakita ko ang mga tanong sa mukha nila Andrea at Steffi na dahan dahang itinuon ang mga mata sa akin na hindi ko naman pinansin.

Lumabas ang babae at sinabi, "What do you think?"

Tinignan siya ni Gabriel mula ulo hanggang paa and said, "Wow. Just wow. Imposibleng walang magkakagusto diyan. It looks nice on you actually."

Dahil nakatayo lang kami malapit sa kanila, napaling ang ulo ng babae sa kinatatayuan namin at surprised na ngumiti.

"Hey! Its been a long time, Gelay!" dahan dahan itong lumapit sa akin at inakap ako.

Natulala ako but my eyes got enough strength to look at Gabriel. Nakangiti ito sa akin at kumakaway.

Pagkabitaw ni Jenny, "Nagsusukat lang ako ng wedding dress. May kasalan kasing mangyayari. What do you think?"

I was stunned. Ngayon lang niya ako ulit nakita and the last time na nagkaroon kami ng encounter, galit na galit pa ito sa akin. Si Gabriel naman ay nakangiti lang na nakatingin sa aming dalawa habang ang dalawa kong kaibigan ay hindi umalis sa tabi ko, tahimik.

"Uhm... I think... maganda siya sa'yo. Trust Gab's taste. Magaling mamili 'yan ng mga ganyan. Kapag sinabi niyang pangit, pangit talaga. I agree with him. It looks great on you. Parang ginawa talaga para sa'yo." sabi ko na may pilit na pilit na pagngiti.

Nakangiti itong lumingon kay Gab and they looked at each other's eyes. Gabriel motioned something that says, "See? I told you so."

"Thank you for your honest feedback Gelay. I greatly appreciate it. I hope, from now on, we can start anew?" she sweetly smiled at me in which I did the same.

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now